Dead Visits

6.1K 299 14
                                    

Unang araw pa lang ni Lucille sa kulangan ay halos impyerno na ang nararanasan nya sa mga kamay ng kasamahan.

Pinapagawa ng kung anu-anong mga bagay at sinasaktan sya nito ng walang dahilan. Ngunit, nananatili pa rin syang mapagpasensya at mapagpakumbaba sa mga ito.

Maghahanda na sana ang dalaga para magpahinga ng mapansin nya na may isa pa silang kasama, nasa sulok lang ito at tahimik.

Hindi nya napansin ang babaeng ito dahil sa dami ng pinapagawa sa kanya ng mga kasama.

Nilapitan nya ito.

"Kamusta? Ako nga pala si Lucille.. Anong pangalan mo?" Maamong bati ng dalaga.

"Elena.." matipid na sagot ng babae. May kapayatan ito, morena at nakapusod ang buhok.

Nakaupo lang sa sulok ng kanilang selda.

"Lucille.." banggit nito sa pangalan ng dalaga.

"Hmm?" Tugon ni Lucille, ngumiti ito.

Iniangat ng babae ang kanyang ulo upang harapin ang kausap.

"Ang sabi mo kanina, napagbintangan ka lang. Anong nangyari sayo?" Usisa ni Elena.

Biglang nalungkot ang mukha ni Lucille. Umupo ito sa tabi ni Elena.

"Pasensya ka na, hindi ko na dapat tinanong." Paghingi ng paumanhin ni Elena.

"Hindi, ayos lang. Naiiyak kasi ako kapag pilit ko inaalala ang mga bagay na yun. Sa araw ng kasal ng ate ko, pinatay silang lahat... ang buong pamilya ko. Tapos.. tapos.." Nanginginig na ang boses nito, nagsimulang tumulo ang kanyang mga luha.

Hinagod ni Elena ang likod ng dalaga, pinapaginhawa nya ang mabigat ng pakiramdam nito.

"Sshh.. tama na. Gaya mo, napagbintangan din ako." Sabi ni Elena habang inaalo ang kasama.

Nilingon ni Lucille ang babae habang patuloy sa pagpatak ang kanyang luha.

"Talaga? Anong nangyari sayo?" Tanong ni Lucille habang humihikbi.

"Pinagtaksilan ako ng asawa ko, nagdilim ang paningin ko kaya tinangka ko syang patayin.. pero hindi ko naituloy dahil.. binaril sya ng anak kong lalaki." Pagkukwento nito sa dalaga.

"Tumakas ang anak ko.. naisip ko itago ang ebidensyang naiwan nya, pero ako ang napagbintangan. Inako ko ang kasalanan para sa kalayaan ng anak ko, dahil alam kong nagawa nya iyon para ipaglaban ako sa kanyang ama." Patuloy ni Elena.

Niyakap ni Lucille si Elena.

"Alam mo hindi ko masasabing tama ang ginawa mo, pero Elena. Nararamdaman kong mabuti kang tao." Bumitaw ito sa pagkakayap at hinarap si Elena, ngumiti sya dito habang pinupunasan ang luha ng babae sa mukha.

"Sa tingin ko Lucille hindi ka nababagay dito. Mukhang napakabait mong tao. Sa itsura mo parang galing ka sa mayaman at kilalang pamilya." Puna ni Elena.

"Hindi Elena, isa akong tagapaglingkod ng Diyos." Sagot ng dalaga.

"Diyos ko! Isa kang madre?! Paano nila naiisip na maaaring kang gumawa ng ganitong bagay! Ang mga tao sa labas! Parang wala nang ring pinagkaiba mag-isip ang mga yun sa mga tao dito sa loob!" Pagkadismaya ni Elena sa sinapit ng bagong kakilala.

Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ni Lucille.

"Lucille! Ipagdasal mo ko! Naniniwala ako sayo.. naniniwala pa rin ako sa Diyos. Patawarin nyo ko sa mga kasalanan ko." Nanginginig pang yumuko sa harap ni Lucille ang babae.

"Elena, wag mong gawin ito. Sigurado akong mapapatawad ka nya, kailangan mo lang sumampalataya at maniwala sa kanya. Magdasal tayo." Sabi ni Lucille dito.

AVE+MARIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon