Patuloy pa rin ang laban sa loob ng fighting ring. Hindi na halos makilala ang mukha ni Lucille, maga ang mukha nito, putok ang labi at wala na gaanong maaninag dahil sa naniningkit nitong mata.
Nakangiti at tuwang tuwa na pinanonood ni Collette ang ginagawa ni Marga kay Lucille.
"She deserves that." Sabi nito.
Habang si Elena ay panay ang tawag kay Lucille.
"Lucille! Bumangon ka! Lumaban ka Lucille! Lumaban ka!" Halos mapaos ito kasisigaw.
Si Amy, ang leader ng cell block C ay nakatayong nanonood din ng mga oras na yon. Nakasimangot ito at mukhang hindi pabor sa nangyayari kay Lucille.
Habang si Bethany ay patuloy sa pagsigaw ng pangalan ni Marga.
Tumigil si Marga sa pangbubugbog kay Lucille, tumayo ito at iniwang nakahandusay ang dalaga. Lumapit sa gilid ng ring ang pawisang si Marga.
"Tubig!" Utos nito kay Bethany na may hawak ng inumin ni Marga. Nagmadali naman itong binuksan ni Bethany at ibinigay kay Marga.
Nagkaroon ng pagkakataon si Lucille na makakilos. Dumapa ito at gumapang palayo kay Marga.
Bigla syang nakarinig ng pagtawag sa kanyang pangalan. Hinanap nya ito ng kanyang paningin habang patuloy sa pag-gapang. Dumudulas sya sa sahig dahil sa dugong tumutulo mula sa kanyang mukha.
Nahanap nya ang tumatawag sa kanya.
Isang babaeng nakatayo at nakasuot ng puti. Tinatawag nito ang kanyang pangalan. Si Maria.
"A..a..a.te.." Hinang-hina na si Lucille.
Nakatingin sya dito, tinatawag ang kanyang pangalan.
"Lucille, tumayo ka.. Lumaban ka.. Iligtas mo ang sarili mo." Nag-eecho ang tinig ni Maria sa kabila ng maingay na hiyawan ng mga tao. Kahit malayo ang babae ay naririnig nya ng maayos ang tinig nito.
Tila bumagal ang oras.
"A..te, Hin..hindi k-ko na.. kaya." Sagot ni Lucille, pilit nyang inaabot ng kamay ang kanyang ate.
"Isama mo na ako.. sa-yoooo.." Naluluhang pakiusap nya kay Maria.
"Lucille, hindi pa ito ang oras mo. Nakikiusap ako sayo.. kailangan mong bumangon." Sabi ni Maria.
Magkahalong luha at dugo na ang nasa mukha ni Lucille. Sa sunod na pagkurap ng kanyang mata ay nawala sa paningin nya ang kanyang ate Maria. Si Elena na ang nakatayo sa harapan nito, pilit syang kinakawayan nito.
"Lucille! Lucille! Nakikita mo ba ako?!" Paulit-ulit na isinisigaw ni Elena.
Itinukod ni Lucille ang mga kamay nya sa sahig at sinubukan nyang tumayo, hindi nya kaya.
Naisip nyang gumapang pa sa gilid ng ring para makakapit dito bilang alalay sa kanyang pagtayo.
Hindi alam ni Lucille na pinapanood lang sya ni Marga habang umiinom ng tubig at naghihintay sa mga susunod nyang gagawin.
Nang makagapang ang dalaga ay kumapit ito sa ring at pinilit makatayo.
Binitawan na ni Marga ang tubig at patalbok binalya si Lucille sa gilid ng ring, naipit naman ang dalaga.
Sumigaw ito sa sobrang sakit, ang mukha nya ay nakangudngod sa screen na parang mahahati. Idiniin pa syang lalo ni Marga.
"Araay!! Tama naaa!" Pagmamakaawa ni Lucille, buong lakas nyang sigaw.
"Sabi mo eh! Pagbibigyan kita!" Sagot naman sa kanya ni Marga.
Pinulupot ni Marga ang kanyang braso sa leeg ni Lucille at sinakal ito.
BINABASA MO ANG
AVE+MARIA
RandomA girl who will take her final vows to become a nun witnessed the massacre of her beloved family. Being accused as the murderer, suffered in prison and died. Now, she got ressurected and become... a Blessed Assassin, and get ready for the Revenge of...