Napakaraming body guards ni Giordani nang makarating ito sa bilangguan. Dumaan sila mula sa VIP entrance patungo sa lobby kung saan maaari nilang mapanood ng maigi ang laban.
"Ah! Boss!" Kumaway si Warden Alperez at tila isang asong sinalubong ang amo.
"Oh? Warden.. si Lady Tamiya?" Ang unang hinanap agad ni Giordani.
"Si Tamiya po ay naghihintay na sa espesyal na kwarto para sa inyo." Sagot nito, nakangiti.
"Hmm.. gusto ko munang dumaan doon, bago ko panoorin ang laban." Sabi ni Giordani.
"Ah sige! Sige po! Ako na mismo ang maghahatid sa inyo." Aya ng warden.
Samantala sa loob ng kwarto na espesyal na pinagawa para kay Giordani. Naghihintay ang mga kababaihang nakasuot ng mga mahahalay na damit, nakatayo sila paharap sa may pintuan upang batiin ang pinakamahalagang parokyano.
Pumalakpak si Lady Tamiya para kunin ang atensyon ng mga babae sa loob.
"Girls! Be ready! Lalo ka na Julia, ikaw ang paborito. Siguraduhin mong tatratuhin mo syang mabuti, ok?" Mahigpit na bilin ng pinuno ng block D.
"Opo, Masusunod po Lady Tamiya." Sagot agad ni Julia, habang inaayos mabuti ang suot na damit. Nagkatinginan sila ng mga kasamahan.
Nakarinig sila ng mga yabag.
"Oh girls! Umayos na kayo, parating na sila." Utos muli ni Tamiya saka humilera ang mga babae.
Bumukas ang pintuan.
"Good evening Mr. Mustaffa!!!" Sabay sabay na bati ng mga babae.
Napasigaw si Giordani at itinaas ang dalawang kamay.
"Naandito na tayo! Ang langit sa ilalim ng lupa!! Ahahaha!" Nakakalokong bungad ni Giordani habang papasok ng pintuan.
Sinalubong sya ng mga kababaihan at ganun din ang alalay na si Manuelito, ngunit walang reaksyon ang binata. Nakatingin lang ito kay Julia na abala sa pangaakit kay Giordani.
Tuwang-tuwa si Giordani na napalilibutan ng mga kababaihan. At kahit ang warden ay naglalaway sa nakikita. Nilapitan sya ni Tamiya.
"Warden, hindi ka pa ba nagsasawa? Para ito sa kliyente namin." May pang-aasar sa tono nito.
"Tumahimik ka nga Tamiya, ako pa rin ang Warden mo." Sagot nito sa babae.
"At si Giordani ang boss mo." Balik naman ni Tamiya sa kanya.
Tinignan sya ni Warden Alperez ng masama, tanging pag-ngiti naman ang isinagot ni Tamiya dito.
"Boss! Maiwan ko na ho kayo dito, kung may kailangan kayo nandito lang ang mga tauhan ko." Pagpapaalam ng warden.
Abala na sa pakikipaglampungan si Giordani kaya si Manuelito na ang sumagot para dito.
"Maraming salamat warden, kami na pong bahala dito... at yung parte mo, makukuha mo pagkatapos ng laban. It will be transferred to your account." Sabi ni Manuelito.
Lumaki ang ngiti sa mga labi ni Warden sa sinabi ng binata sa kanya.
"Naku, maraming salamat sayo! Pakisabi na lang kay boss.. salamat!" Natutuwang sabi ng warden at masayang umalis.
Lumabas ang mga body guards at isinara ang pintuan. Naiwan sa loob ang mga kababaihan, si Manuelito at Giordani.
Nakatayo lang malapit sa pintuan ang binata at tumitingin sa relo.
"Sir, malapit na po ang match." Paalala ni Manuelito.
"Hayaan mo, kumikita naman tayo kahit hindi tayo manuod doon. Dito ka muna.. ayaw mo ba? Wag kana mahiya.. mamili ka na sa kanila." Pagaalok ni Giordani, habang nakahiga sa isang malaking kama. Napalilibutan ng mga babae.
BINABASA MO ANG
AVE+MARIA
RandomA girl who will take her final vows to become a nun witnessed the massacre of her beloved family. Being accused as the murderer, suffered in prison and died. Now, she got ressurected and become... a Blessed Assassin, and get ready for the Revenge of...