A May 12, 2015 Random Update :)
Sa pagpapatuloy ng doktora, naikwento din nya kay Lucille kung paano ito nabilanggo.
"Isang araw, bigla na lang ni-raid ang research lab. Wala kaming nagawa kundi sumama sa mga pulis, kinasuhan kami dahil sa mga nakuhang ebidensya... pagkatapos nun hindi nasangkot ang Espada Corporation, kaya kami lang ang nanagot sa batas."
Naawa si Lucille sa sinapit ng doktora.
"Ikinalulungkot ko doktora, napakasama naman ng ginawa sa inyo, paano naman yung iba mong kasamahan?"
Napahinga ng malalim si Dok Reverie.
"Wala na sila, yung iba.. kung hindi nasiraan ng bait at napunta sa mental institution.. nagpakakamatay naman. May iba pa kong mga kasamahan na natitira, pero pinili na lang nilang mamuhay dito ng tahimik."
"Kaya ikaw Lucille kung ako sayo, hindi na ko makikigulo sa problema ng iba.. nag-aalala din naman ako sayo gaya ni Diamond."
Nakinig ng mabuti si Lucille sa payo ni Reverie, ngunit nakapagdesisyon na sya.Naisip nyang ibahin ang usapan.
"Nga pala Dok, yung tungkol sa sindikatong pinatatakbo ng kompanyang yun.. napakamakapangyarihan ba nun, kaya ganon na lang sila makalusot sa batas?" Niligpit ni Lucille ang kanilang kinainan at tumayo.
Tumayo na din si Reverie at napalunok ito ng laway.
"Oo, pagmamay-ari yun ni Madame X.. Walang nakakakilala sa kanya maliban ang President/CEO ng Espada.. si Mr. Gerald Kings."
Nabitawan ng dalaga ang hawak nyang mga plato at kutsara.
Malakas na kalansing ang narinig sa buong canteen. Nabigla naman ang Doktora sa ikinilos ni Lucille.
"Lucille? Ok ka lang ba?" Tanong nito.
"Si-si G-Gerald??" Nauutal na sabi ni Lucille.
Nang biglang may isang jailguard na tumawag ng kanyang atensyon at napalingon sya dito.
"Lucille! May bisita ka!" Sigaw ng jailguard mula sa pintuan ng canteen.
~~~~
Sa opisina ni Giordani.
"Boss, lalabas lang ako.. I'm going to meet our other clients." Pagpapaalam ng binata upang makaalis papunta sa womens correctional.
"Ha? Meron ba tayong business meeting sa kliyente ngayon?" Taka ni Giordani.
"Yes, Sir." Matipid na sagot naman ni Manuelito.
Natawa naman si Giordani.
"Hahaha, talaga? Ang dami ko na palang hindi nalalaman sa sarili kong negosyo.. mukhang masyado na ata akong nakadepende sayo Manuelito.. haha."
"Hindi naman siguro Boss.. I actually informed you regarding this meeting, baka nawala lang sa isip nyo." Palusot ng binata.
Lalo namang tumawa ng malakas si Giordani.
"Hahaha.. siguro nga, balitaan mo na lang ako. Salamat."
Tumango si Manuelito at nagpaalam sabay labas ng silid.
Nagmamadali namang nagmaneho ang binata papuntang bilangguan upang bisitahin si Lucille, kailangan nyang makibalita tungkol sa paghahanap nito kay Julia at sa pangyayari nung huli nilang pagkikita.
Sa tanggapan ng mga bisita para sa mga bilanggo ay muling nagharap si Manuelito at Lucille, laking gulat ng dalaga kung sino ang kanyang naging bisita.
Sinalubong sya ng ngiti ni Manuelito na nakaupo na sa tapat ng isang salamin na harang.
"Manuelito anong ginagawa mo dito?" Taka ni Lucille.
BINABASA MO ANG
AVE+MARIA
RandomA girl who will take her final vows to become a nun witnessed the massacre of her beloved family. Being accused as the murderer, suffered in prison and died. Now, she got ressurected and become... a Blessed Assassin, and get ready for the Revenge of...