Official Theme Song: Angel with a Shotgun by The Cab
Mainit at maaliwalas na tag-init ng Marso, sa isang kumbento.
"Lucille, sigurado ka bang luluwas ka ng syudad?" Tanong ng matandang madre.
"Opo Mother Superior, ilang taon ko na din pong hindi nakikita ang Ate Maria ko." Sagot ni Lucille suot ang simpleng bulaklaking damit panglakad.
"Oh sige, mag-iingat ka ha? Siguraduhin mong magbabalik ka kaagad, alalahanin mong sa pagbalik mo ay magiging isang ganap na madre ka na." Bilin ng Mother Superior sa kanya.
Ngumiti si Lucille bilang pagsagot sa pinakamatandang madre, saka ito tumalikod at sumakay sa isang bus na kanina pa nakaparada sa harapan ng kumbento.
Pagpasok ng dalaga sa bus ay napansin nyang walang gaanong tao na nakasakay dito, nagkaroon sya ng pagkakataong makapili ng mauupuan. Pinili nya ang kaliwang bahagi ng bakanteng upuan sa pinakagitna na katabi ang bintana, isinandal nya ang kanyang braso dito.
Mabilis namang umandar ang bus, kaya malakas na hangin ang sumasalubong sa mukha ni Lucille. Tinatangay nito ang mahaba at makinang na kulay itim nyang buhok.
Napangiti sya sa pansamantalang kalayaan na makita ang pinakamamahal na pamilya.
"Kamusta na kaya si Ate Maria ngayon?"
Si Maria, ang ate ni Lucille ang tanging natitirang kadugo nito. Matanda lang sa kanya ito ng limang taon, lumaki sila sa pangangalaga ng mga madre sa bahay ampunan simula ng maulila sa mga magulang matapos itong maaksidente, ngunit ng magkaisip na ay inampon ng matandang mag-asawa na hindi magkaanak, ang mga Roberts.
Ngayon ang mahalagang araw ng mga buhay nila, para kay Lucille ay ang muli nilang pagkikita ng kapatid at ng mga tumayong magulang nila; para kay Maria naman ay ang araw ng kanyang pakikiisang dibdib sa kaparehang si Jeroumy Snipes.
"Ito na siguro ang simbahan na tinutukoy ni Ate Maria."
Sabi ni Lucille sa sarili ng huminto ang sinasakyan malapit sa harapan ng isang simbahan.
Bumungad kaagad sa kanya ang pamilyar na mukha, si Maria. Alam nyang ang ate nya ito mula sa malayo kahit hindi nya ito nakita ng matagal na panahon.
Nakakunot ang noo nito at mukhang may hinihintay.
"Ate!" Salubong ni Lucille sa nakatatandang kapatid.
"Lucille!" Inilahad nito ang mga braso akmang yayakapin ang kapatid, mabilis namang tumakbo si Lucille at niyakap ang ate nya ng mahigpit.
Napaluha ng konti ang magkapatid sa kanilang muling pagkikita.
"Buti't nakarating ka?" Masaya nitong bati sa nakababatang kapatid ng makakalas ito sa pagkakayakap.
"Oo Ate, dumiresto na ko dito. Nag-aalala kasi ako na baka hindi ko na maabutan ang kasal mo." Ngiti nito kay Maria, bitbit pa ng dalaga ang maliit nyang bagahe.
"Masaya ako at nakarating ka. Napakaganda ng kapatid ko." Sabay suklay ni Maria sa buhok ni Lucille.
Natawa naman si Lucille.
"Mas maganda ka Ate." Sabay titig nito sa ate nya mula ulo hanggang paa.
Napakaganda nga naman ng ate nya ng mga oras na iyon, kahit magkahawig sila nito ay mas umangat ang kagandahan nito sa kanya dahil sa simpleng kolorete nito sa mukha at sa suot nitong mahabang puting damit pangkasal. Manipis ang tela nito sapat para makita ang magandang hubog ng katawan ni Maria.
Nang biglang sumingit sa kanilang usapan ang isang matandang babae.
"Maria, puma-" nagulat ito ng makita si Lucille.
BINABASA MO ANG
AVE+MARIA
RandomA girl who will take her final vows to become a nun witnessed the massacre of her beloved family. Being accused as the murderer, suffered in prison and died. Now, she got ressurected and become... a Blessed Assassin, and get ready for the Revenge of...