Best reaction from the previous chapter:
@NasxorNariv : ang haba ng comment nya.. LOL.. pero nagustuhan ko na nakuha nya yung point of view ni Diamond na gusto ko iparating sa readers. Salamat sa pagbabasa ng mabuti. :)~~~~~
Hinawakan ni Lucille ang handgun at itinutok ito. Nag-aalangan pa rin ang dalaga sa paghawak ng baril.
"No, not like that.." Lumapit si Diamond mula sa likod ni Lucille at inalalayan ito.
Tumayo si Lucille at inayos naman ni Diamond ang pagkakahawak ng kamay niya sa baril.
"Mabigat.." Tanging nasabi ng dalaga.
"Ganyan talaga.. masasanay ka rin. At saka itutok mo ng maigi ang baril, hawakan mong mabuti and keep it steady to your target, once you get for your aim.. then fire!." Utos ni Diamond. Bigla namang ibinaba ni Lucille ang kanyang kamay.
"Ayoko, hindi ko talaga kaya Dia.." Reklamo nito.
"Kailangan mong matuto.. wag kang matakot hindi puputok yan. Pagkatapos, tuturuan kitang magkalas at mag-assemble nyan." Sabi ni Diamond.
"Ano?!" Gulat naman ni Lucille.
Hindi naging maganda ang unang pagtuturo ni Diamond sa dalaga dahil labag sa kalooban nito ang matuto.
Nang matapos sila ay dinala nya si Lucille sa isa pang kwarto, mas malaki ito kumpara sa ibang selda.
Nanlaki ang mga mata nya ng makita ang mga mahahabang mesa na puno ng mga kalas na parte ng baril, ina-assemble ito ng mga kapwa nya bilanggo.
"Ano ito Dia?! Wag mo sabihing ito ang pinagkakakitaan nyo dito? Hindi ba bawal ito?" Naiinis na tanong ni Lucille.
"Don't worry, wala namang mga bala dito.. hindi rin nila magagamit ang mga yan." Natatawang sabi ni Diamond.
"Pero labag pa din ito sa batas!" Tumataas ang boses ni Lucille, narinig ito ng mga manggagawa doon at pinagtinginan sila.
Ngumiti si Diamond. "Si Warden Alperez ang batas dito.. do you think, labag ba sa kanya ang ginagawa namin? Kumikita pa nga sya dito ng malaki."
"Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari dito sa loob." Dismayadong sabi ni Lucille.
"Ngayon ka pa magtataka? Hindi lang yan ang negosyo ko dito.. marami pang iba." Naunang lumakad si Diamond.
Tumigil ito sa isang bakanteng mesa ngunit napansin nyang hindi pa rin sumusunod si Lucille.
"Come here!" Tawag ni Diamond sa dalaga.
Wala namang nagawa si Lucille kundi sundin ito, at nang nakalapit sya ay nakita nya ang kalas kalas na baril.
"Ganito ang pagbuo nito, ilagay mo lang ito.. yung recoil spring at saka ito.." Turo ni Diamond hanggang sa mabuo ang handgun.
Maigi namang nakinig ang dalaga at mukhang naaliw sa pagbuo at pagkalas ng baril.
"Oh! Ikaw naman." Nagbigay daan si Diamond.
Ilang oras din silang nagtagal sa pagawaan hanggang sa matuto si Lucille ng mga basic steps tungkol sa paghawak ng baril, mga parte nito at kung kanino lang ito maaaring gamitin.
Lumipas ang mga mahabang oras at kailangan na nilang magpahinga.
"Its already late Lucille, I think we should go and take a rest na." Aya ni Diamond.
Tumango naman ang dalaga, sabay silang lumabas ng pagawaan at tumungo sa kanilang selda.
"Goodnight." Pagpapaalam ni Diamond.
BINABASA MO ANG
AVE+MARIA
RandomA girl who will take her final vows to become a nun witnessed the massacre of her beloved family. Being accused as the murderer, suffered in prison and died. Now, she got ressurected and become... a Blessed Assassin, and get ready for the Revenge of...