"Tapos na ba kayo?" Tanong ng babaeng may hawak na baril. Seryoso ang mukha habang ngumunguya ito ng bubble gum.
Mula sa labas ng simbahan ay isa-isang nagsipasukan ang limang lalaki. Armado ang mga ito ng iba't ibang kalibre ng baril.
"Anong ibig sabihin nito?!" Taka ng pari.
"Congrats to your wedding Mr. Snipes." Ngisi ng babaeng nakasuot ng itim na leather jacket.
Itinaas ng babae ang hawak na baril, itinutok ito sa kanila at kinalabit ang gatilyo. Sentro sa noo ng pari ang bala sabay tumba nito.
"Ahhh!! Ahhhhh!"
Dito na nagsigawan ang mga tao, magtatakbuhan sana ang mga ito palabas ngunit naisara na ng malaki at matangkad na lalaki ang pinto ng simbahan.
Si Lucille ay natulala lang sa harapan, walang maisip na ideya kung ano ang nangyayari.
Napalingon naman si Maria kay Jeroumy, nanlalaki ang mga mata nito sa gulat habang ang iba ay nagkakagulo na sa loob.
"I'm sorry." Ang tanging nasabi ni Jeroumy sa asawa.
Sinakal nyang bigla si Maria sa kanyang braso, naglabas ng patalim at walang awa nyang ginilitan ito sa leeg.
"Ateee!!!" Nakakakilabot na sigaw ni Lucille.
Nagsimula na ang mga armadong lalaki na paputukin ang baril at pagrarat-ratin ng bala ang mga taong nasa loob.
Tila bumagal ang oras. Dahan-dahang nasaksihang lahat ni Lucille ang mga nangyari, kasabay ang pagbagsak sa sahig ng duguang katawan ng kanyang ate.
Tumakbo si Lucille kay Maria, iniangat nya ang ulo nito.
"Atee! Ate!" Tiningala nya si Jeroumy, nakatingin lang ito sa kanya. Walang makikitang bakas ng pagkaawa sa mga mata ng lalaki, diretso lang itong nakatitig sa kanila.
Isa-isang bumubulagta sa sahig ang mga tao sa loob ng simbahan.
"Lubayan mo ang mga anak kooo!" Sumugod ang kanilang ama hawak ang tungkod nito, ihahampas kay Jeroumy.
Hinarang ito ng babaeng naka-itim. Mabilis nitong nasanga at nahawakan ang tungkod.
"Papa!" Sigaw ni Lucille.
Hinatak ng babae ang tungkod ng matanda sabay tadyak dito. Natumba ito ngunit agad na nasalo mula sa likod ng isang lalaki na may kalusugan ang katawan, napangiti ito. Mapapansin sa kanyang pagngiti ang mga ngipin nyang gawa sa ginto.
"Oh Tanda? Nasaan na ang tungkod mo?" Nakakakalokong tanong nito.
"Jeroumy! Pakiusap!" Pagmamakaawa ni Lucille, habang yakap-yakap ang walang buhay nyang ate.
Pumiglas ang matanda kaya mabilis naman syang itinulak ng lalaking mala-ginto ang ngipin. Natumba ang matanda katabi sa nakadapa nyang asawa, si ginang Roberts.
Umiiyak ang dalawang matanda at nanginginig sa takot.
"Roger, please wag ka nang lumaban." Pakiusap ng ginang sa kanyang asawa.
Bigla namang may humila sa mga braso ni Lucille mula sa likuran, kaya napatili ang dalaga.
"Ahh! Bitawan mo ko!" Nagpupumiglas na si Lucille.
"Ang ganda naman pala ng kapatid ng napangasawa mo.. hmmmm.. at ang bangooo.. hahaha!" Sabi ng lalaking tila tuka ng ibon ang ilong. Inaamoy pa ang leeg ng dalaga at mahigpit ang pagkakakulong nito sa braso.
Iyak ng iyak ang kawawang si Lucille na nagsusumamo kay Jeroumy para sa kanilang kaligtasan.
"Parang awa mo na. Malaking kasalan ito sa diyos." Sabi ng dalaga habang hawak pa din sya ng lalaking tila tuka ng ibon ang ilong.
BINABASA MO ANG
AVE+MARIA
RandomA girl who will take her final vows to become a nun witnessed the massacre of her beloved family. Being accused as the murderer, suffered in prison and died. Now, she got ressurected and become... a Blessed Assassin, and get ready for the Revenge of...