Kasalukuyang nasa loob ng interrogation room si Lucille at masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad.
Isang salamin ang nakaharap sa mga pulis mula sa labas kung saan nakikita nila ang tao sa loob nito, maliban lang ng taong nasa loob.
Nakikita at naririnig ng Chief Police Officer kasama ng iba pa ang pakikipanayam ng investigator kay Lucille.
"Miss? Ilang minuto na tayo dito. Wala ka pang sinasabing matino, ayaw mong magsalita." Tanong ng isang pulis na nakatukod ang mga kamay sa mesa kaharap ang dalaga.
"Sir, ilang beses ko naman hong ipinaliwanag sa inyo na hindi ho ako kasabwat ng mga iyon. Alalahanin nyo naman po na pamilya ko po ang namatay. Maniwala ho kayo, kitang kita ng dalawang mata ko si Jeroumy, sya po ang sangkot dito." Mababa ang tono ng dalaga, ngunit mararamdaman ang pagmamakaawa nito.
"Alam mo miss.." nagsalitang muli ang pulis ngunit naantala ang pagsasalita nito.
"Lucille... Lucille ho ang pangalan ko." Pagpapakilala ng dalaga.
"Ok, alam mo Lucille, para maliwanag lang sayo ang lahat. Yung sinasabi mong si Jeroumy Snipes ay patay na." Paliwanang nito.
"Ang araw na napaslang ang pamilya mo ay yung araw din mismo na nakita ang katawan ni Jeroumy malapit sa simbahan na wala nang buhay." Dagdag pa ulit ng pulis.
"Ano po? Pa-paano? I-Imposible.. Pero sya po ang..." Nauutal at wala nang maisip sabihin si Lucille, dahil alam nyang uulitin lamang nya ang kanyang sinabi dito.
Lalo lang syang nalito sa ibinalita ng investigator.
Simula ng mangyari ang nakakikilabot na pagpatay sa kanyang pamilya ay marami nang katanungan ang bumagabag sa kanyang isipan.
Kung bakit nga ba nagawa ni Jeroumy na patayin ang kanyang ate sa kabila ng pagpapakasal nila nito.
Kung ano ang kasalanang tinutukoy ng babaeng kasamahan ni Jeroumy.
Kung may inililihim ba ang kapatid nya na hindi pa nasasabi sa kanya.
At ngayon ay kung bakit pinatay si Jeroumy, samantalang kasama ito sa pumaslang sa kanyang pamilya.
Dismayadong lumabas ng interrogation room ang pulis, napapailing ito na sinalubong ang kanilang Chief Officer.
"Chief.." Sabay iling ng investigator.
"Ito ang hirap sa mga suspect, huli na sa akto tinatanggi pa." Sabi ng Chief.
"Mukhang desidido ang suspect na pangatawan ang mga sinasabi nya sa kabila ng mga matitibay na ebidensya laban sa kanya." Sagot muli ng investigator.
"Nakakatakot ang mga ganyang klase ng tao." Sabi ng Chief.
"Maaari na po ba akong pumasok?" Singit ng isang lalaki, katamtaman ang katawan at nakasuot ng reading glass.
"Sige iho, baka sayo kumanta ang babaeng yan. Nakikinig lang kami dito sa labas." Pagpapaalala ng Chief dito.
Tumuloy nang pumasok ang lalaki sa loob ng silid.
Binati nito si Lucille at nagpakilala. "Kamusta? Ako nga pala si Willard Emerson, ako ang itinalaga na abogadong magdedepensa sa kaso mo. Ikinagagalak kitang makilala, Miss?" Masiglang sabi nito.
Wala kahit ni katiting na emosyon ang mababakas sa mukha ng dalaga. Tahimik lang ito at mukhang malalim ang iniisip.
"Sorry, mali yata ang approach ko. Nabasa ko sa report na kamag-anak mo nga pala yung mga namatay. Ikinalulungkot ko.." Pagbawi ni Phil sa masigla nyang pagbati kanina.
Hindi pa rin nagsasalita si Lucille.
"Oo nga pala at pumapasok ka sa kumbento para maging madre? Tama ba?" Kaswal nitong pakikipag-usap sa dalaga.
Mukhang naubos na ang pasensya ng abugado.
"Bilang kliyente ko, kailangan mong sabihin sa akin ang totoo para maipagtanggol kita sa husgado pagdating ng hearing mo, kung hindi ka magsasalita~ " Naudlot ang pagsasalita ni Phil.
"Paumanhin Mr. Emerson, gusto mong marinig ang katotohanan di ba? Sasabihin ko sayo ang totoo..." Sabi ng dalaga.
"Okay? Go ahead?" Tugon naman ni Phil nang may pagtataka.
"Hindi ho ako mamamatay tao. Iyon lang ang katotohanang gusto kong marinig mo. Alam ng Diyos ang sinasabi ko." Mangiyak-iyak na sabi ni Lucille may panginginig pa sa boses nito.
Sumagot ang abugado na ikinagulat ni Lucille. "Alam ko."
Nakuha nito ang buong atensyon ng dalaga at tumitig ito sa kanya ng diretso.
"Alam mo? Kung ganon matutulungan mo ba ako? Malalaman ba natin kung sino ang mga taong iyon?" Sagot ni Lucille dito, kumikislap ang kanyang mga mata na tila nagkaroon ng pag-asa.
Nangiti naman ang abugado dahil sa wakas makakausap na nya ng matino si Lucille.
"Oo naman, basta sagutin mo lang ang itatanong ko sayo. Ito nga pala ang mga papeles na kailangan mong pirmahan." Itinulak papalapit kay Lucille ang isang folder.
Binuksan nya ito ngunit nung una ay nalilito pa sya. Hindi nya maintindihan ang ikinikilos ng abugado.
Sa loob ng folder ay isang papel na may tanong na..
Nasaan ang white book?
Iyon lamang ang tanging nakasulat doon. Wala syang ni ano mang kailangan pirmahan.
Ipinagtaka ito ni Lucille, sinarado nya ang folder at inusog pabalik sa abugado.
"Ano po ito?" Tanong ng dalaga.
"Akala ko ba makikipag-cooperate ka? Hindi ba gusto mong makalaya?" Sagot naman nito.
"Ang gusto ko hong malaman ay kung sino ang mga pumatay sa pamilya ko." Mahinahon na pagsagot ng dalaga.
Makikita ang pagkadismaya sa mukha ng abugado. Ang inosente nitong mukha ay tila nalukot sa pagkakasimangot.
"Oh well, mukhang hindi mo na nga ako kailangan dito. Sa tingin ko, you're already telling us that you are guilty." Sabay tayo ni Phil.
"Pero hindi ko ho alam ang tinatanong nyo.. Ano po ba yung~" naantala ang pagsasalita ni Lucille ng singitan sya ng abugado.
"Shut up! Tumahimik ka kung ayaw mong lumala ang sitwasyon.." Galit nitong sabi, sa dulo ay halos pabulong naman syang nagsalita " Napakatalino ng ate mo para gawin ito sa amin.."
Napatayo si Lucille upang habulin ito ngunit agad na pumasok ang dalawang gwardya sa pinto.
"Teka! Sandali lang ho! Attorney! Ano yung sinasabi mo kanina? Pakiusap!" Pilit nitong piglas sa mga gwardyang pilit syang pinapakalma.
"Have a nice day Miss. Diyos mo na ang bahala sayo." Nakangisi nitong pagpapaalam sa dalaga at tuluyan ng lumabas sa kwarto.
Sa labas ay magkakasama pa din ang mga nag-uusap na police officials na nakatutok sa dalaga.
Pagkalabas ng interrogation room, tinanguan ni Attorney Phil ang Chief of Police. Gumanti din ng tango ang Chief.
"Mukhang desidido naman ang suspect na huwag umamin." Singit ng investigator.
"Well, the evidences are enough to make her guilty for the crime. We have no choice." Sabi ng Chief.
"So, ano na pong magiging hakbang natin?" Follow-up ng investigator.
"File her the case." Sagot nito.
To be continued...
End of The Verdict
◆ Pasensya na sa matagal na pag-update, tinatamad kasi ako magsulat at wala akong maisip. Sana matulungan nyo ko makapagsulat, konting pampagana lang. :) ◆
BINABASA MO ANG
AVE+MARIA
RandomA girl who will take her final vows to become a nun witnessed the massacre of her beloved family. Being accused as the murderer, suffered in prison and died. Now, she got ressurected and become... a Blessed Assassin, and get ready for the Revenge of...