Loss

4.9K 214 42
                                    

Ang mga selda sa womens correctional ay nahahati sa limang block. Bawat grupo ay may designated leaders na namumuno at si Leonida ay isa dito.

Ang Cell Block A ang isa sa kinabibilangan ni Leon.

Si Collette naman ang tumatayong pangalawang pinuno ng buong block. Usap-usapan din na may relasyon sila ni Leon.

Magandang babae si Collette, tinitingala ito ng lahat ng mga kababaihan sa bilangguan dahil sa taglay nitong kagandahan at alindog. Kulot at kulay pula ang buhok nito, mahilig magsuot ng maiikling shorts katerno ng malalaking uniporme nila pangpreso na itinatali nya hanggang pusod.

"Lakasan mo pa ang paypay, ano ba yan?!" Pagrereklamo ni Collette. Nakahiga ang dalaga habang sinusubuan ng prutas ng iba pang mga taga-sunod nito.

"Pasensya na po." Sabi ng mataba nitong alalay na si Patty. Sunudsunuran ito kay Collette, pakiramdam nya ay nahahawa sya sa kagandahan nito kapag lagi nya itong kasama.

Biglang may kumaripas ng takbo sa kanilang selda.

"Collette! Si Leon.." hingal na hingal nitong sabi sa dalaga.

Napatayo naman ang babae at tinabig sa mukha ni Patty ang pamaypay nito.

"Oh! Bakit? Anong nangyari kay Leon?! Magsalita ka!" Pag-aalala ni Collette.

"Si Leon, patay na.. pinatay sya nung bagong salta!" Balita nito kay Collette.

Nabigla ang lahat ng naroroon.

Halos mahimatay naman si Collette sa narinig na balita, mabuti at nakaalalay sa likod nito ang kanyang mga taga-sunod.

"Naku, Collette? Ayos ka lang ba?" Tanong ni Patty.

Para namang tinakasan ng katinuan si Collette at nag-iiyak.

"Hindi! Hindi!... Hindi pa patay si Leon!" Pagwawala ng babae, habang pilit syang pinapakalma ng mga alalay.

"Bitawan nyo ko!" Piglas ni Collette sa mga nakahawak sa kanya.

Sinugod nya ang nagbalita at hinatak sa damit.

"Sabihin mo saking hindi ito totoo! Walanghiya ka! Kung hindi.." Hindi nya natapos ang sinabi dahil sumingit na ito.

"Totoo ang sinasabi ko! Gusto mo, puntahan mo pa.. para makita mo mismo. Nakakakilabot ang ginawa sa kanya." Pagkukwento nito.

Ibinalibag sya ni Collette sa may rehas. "Tama na! Ayokong marinig yan!"

Tuluyang umagos ang mga luha sa kanyang mga mata. Madali nyang tinungo ang palikurang sinasabi nito.

Dali-dali namang sinundan ito ng mga alalay nya.

Nang makarating si sa pinangyarihan ay puno na ng mga tao.

"Tabi! Tumabi kayo!" Hinawi ni Collette ang mga taong nakaharang. Hanggang sa tumambad sa kanya ang duguang katawan ni Leon, wasak ang panga at may nakatarak na tubo.

Napalingon sya sa sulok kung saan may isang babaeng nanginginig na nakasiksik sa gilid. Si Lucille.

"Ikaw! Ikaw ang gumawa nito sa kanya! Demonyo ka!" Pasugod na sana si Collette ng pigilan sya ng mga alalay nito mula sa likod.

Napatingin si Lucille sa kanya at tanging pag-iling lang ang sinagot nito. Wala ding tigil sa pag-iyak si Lucille, ganun din si Collette.

Dumating ang mga jail guards at pinaalis silang lahat.

"Lumayas kayong lahat dito!" Sabi ng isang jail guard.

Kasama nila si Warden Alperez.

Ngunit hindi pa rin umaalis ang grupo ni Collette.

AVE+MARIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon