Marga The Great

5.7K 234 16
                                    

A/N: Humihingi po ako sa inyo ng paumanhin kung hindi nyo pa po gaano maintindihan ang story. Ayoko mag spoon feeding sa mga hindi nakakaintindi ng istorya, i know.. its not you, its me. Mali ko, dahil hindi ko ginawang mababaw ang kwento para maintindihan ng karamihan at lalo na ng mga kabataang kaedad ko.

Kumaripas si Lucille ng takbo sa mga jail guards upang magpaalam na kailangan nitong gumamit ng telepono.

Sinamahan naman sya ni Elena.

"Limang minuto lang." Paalala ng gwardyang nakabantay sa kanila.

"Opo, salamat." Sagot ni Lucille habang inihuhulog ang barya sa telephone booth.

"Buti na lang may naiipon pa kong mga barya." Sabi naman ni Elena.

Naging seryoso ang mukha ni Lucille ng sandaling tumunog ang dial-tone ng telepono. Hinintay nya kung magriring ang kabilang linya.

Wala. Walang ring silang narinig.

"Anong nangyayari? Bakit wala?" Natanong ni Lucille ang sarili.

Nagtanong din si Elena. "Sigurado ka bang tama ang number na nai-dial mo? Baka naman wrong number?" Paninigurado nito.

"Hindi, Elena. Sigurado akong ito ang numero ng opisina ng Mother Superior." Sagot muli ng dalaga at inulit ang pagda-dial.

Bigo pa rin sila maka-contact sa kumbento.

Puno ng pagkadismaya ang mukha ni Lucille, naisipan na nitong sumuko at ibinaba na ang telepono.

"Bakit kasi kailangan mong tawagan ang Mother Superior nyo? Nakausap mo na sya kahapon di ba?" Nagtatakang si Elena.

Hindi na nakaimik si Lucille at tahimik silang bumalik ng selda.

Naabutan nilang nag-pupush-ups ang kanilang cell leader.

"Elena, ano nga pala ang pangalan nya?" Pasimpleng turo ni Lucille.

"Yan si Marga, ganyan talaga yan. Hindi nagpapakilala. Nalaman na lang namin ang pangalan nyan sa ibang tao, ganyan din kasi ako nung bago pa lang ako dito. Narinig ko lang sa tsismis ang tungkol sa pangalan nya." Kwento ni Elena sa kaibigan.

"At yung isang akala mo kung sino makaasta.. yun si Bethany. Ginagaya nya kung anong trip ng amo nya, lahat ng utos nito sinusunod nya. Palibasa malaki ang nakukuha nya." Patuloy ni Elena.

Nagtanong muli si Lucille. "Nakukuhang ano?"

"Mukhang hindi ko na talaga maililihim sayo ang nangyayari dito sa loob." Ngumiti si Elena.

Naupo sila sa sulok ng selda.

"Bakit? May dapat pa ba akong malaman dito?" Sabi ng dalaga.

Huminga ng malalim si Elena.

"Hay.. alam mo ba kung bakit marami kang nakikita sa mga kasama nating nagpapractice?" Tanong ni Elena, ngunit sya din ang sumagot sa tanong nya.

"Dahil may ginaganap na tournament sa pinakabasement ng bilangguang ito. Lahat ng mga preso pinagpupustahan at pinaglalaban kapalit ng pera. Organisado ito ng grupo ng sindikato na suportado syempre ni Buddha." Mahina na ang tinig ni Elena habang nagkukwento kay Lucille.

"Buddha? Ang jail warden?" Sabi ni Lucille.

"Tumpak! Malaking sindikato kasi ang backer ni Buddha, kaya walang nagtatangkang magsumbong sa itaas tungkol sa pamamalakad nito sa loob."

"Sa tournament, pinagpupustahan ng mga negosyante, lider ng sindikato o iba pang grupo ng mayayamang tao ang mga presong maglalaban-laban sa malaking halaga. May porsyentong makukuha ang manlalaro kapag nanalo ito o napatay nito ang kalaban." Patuloy sa pagkukwento si Elena.

AVE+MARIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon