Victorious Revenge

4.6K 196 18
                                    

A/N: Please also read my PRANK GONE WRONG: SERIES I

Salamat sa lahat ng patuloy na nagagandahan sa istorya. Marami pa kayong unique twist na aabangan, pwedeng mangyari ang lahat ng imposibleng hindi nyo maiisip na mangyari.

~~~~

Nagising sina Elena sa ingay ni Marga.

"Ang pera ko?! Nasaan ang pera ko!?" Nanlulumong si Marga, napaluhod ito sa sahig ng makita nyang wala na ang pinaghirapan nyang ipuning pera sa taguan nito.

Napabalikwas si Bethany.

"Boss! Bakit? Anong nangyari?!" Tanong nito.

Sumagot si Marga. "May nagnakaw ng pera ko! Mga walanghiya kayo!" Gigil sa galit ni Marga.

Napabangon din si Elena at ang iba pa.

"Ano bang ingay yan? Ang aga-aga eh.." Antok na antok pang si Elena.

Sinugod sya ni Marga sa kanyang higaan at hinatak ito. Nahulog si Elena at muli syang hinatak ni Marga sa damit.

"Ikaw?! Magnanakaw ka! Saan mo itinago ang pera ko!? Magsalita ka! Kundi papatayin kita!" Asik ni Marga.

"A-ano bang sinasabi mo? Wala akong alam dyan! Takot akong mamatay kaya bakit ko pakikialam ang pera mo? Baka si.. Bethany? Sya lang naman ang nakakaalam ng tungkol dyan sa kayaman mo eh." Sagot ni Elena na tila naalimpungatan pa.

"Ano?! Hindi, hindi Marga!" Napaatras si Bethany.

Ibinaba ni Marga si Elena at binalingan nito si Bethany.

"Ikaw!? Ikaw na nga ang dahilan kung bakit tayo nasalisihan sa laban ko kay Lucille! Hindi ka pa nakuntento pati perang pinag-iipunan ko nananakawin mo?! Mamatay kaaa!" Sinuntok ni Marga ang babae sa mukha.

"Hindi! Hindi ako!" Pagmamakaawa ni Bethany.

Tumilapon si Bethany sa sahig.

"Ma-margaaa.. huminahon ka mu..na." Napaiyak si Bethany, duguan ang labi.

Pinigilan sila ni Elena. "Tama na yan Marga!"

"Titigil lang ako kapag ibinalik nyo na ang pera ko!" Aambahin nyang muli ng suntok si Bethany.

"Sandali! Sandali!" Sabi ni Bethany, nakasalag ang mga kamay nito.

Tumigil naman si Marga.

"Alam ko na kung sino ang may gawa nito Boss, si Lucille!! Tama! Si Lucille! Gumaganti na sya sayo!" Natatarantang sabi ni Bethany.

Hindi naman nagdalawang-isip si Marga at agad itong nagalit.

"Ang babaeng yon! Ang lakas ng loob nyang gawin sa akin ito! Humanda sya! Hindi ko na palalampasin ito!" Mabilis na umalis si Marga ng selda.

Nag-alala naman si Elena.

"Marga! Marga sandali! Hindi ka nakakasigurado sa sinasabi ni Bethany!" Habol ni Elena, ngunit mabilis na nawala sa paningin nya si Marga.

Bumaling si Elena kay Bethany.

"Bakit mo sinabi yon?! Hindi mo naman nakita si Lucille na pumunta dito!" Sigaw ni Elena kay Bethany.

"Wala akong magagawa! Kung hindi ko sasabihin yon, ako ang papatayin nya! Wag ka nang makialam dito! Mabuti nang si Lucille ang mapagbintangan, total.. may atraso naman talaga sya kay Marga." Katwiran ni Bethany.

"Kung ganon.. ikaw nga kumuha ng pera ni Marga?" Tanong ni Elena.

"Ha? Ano? Hindi ah?!.. nasisiraan ka na ba? Kasalanan mo kung bakit nangyari sa'kin to e! Tinuro mo ko!" Sumbat ni Bethany kay Elena.

AVE+MARIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon