Key to Everything

6.3K 253 15
                                    

Madaling araw na at nanatili pa ring gising si Lucille. Inaalala ang mga impormasyong sinabi sa kanya ni Gerald.

Iniisip nyang mabuti ang tungkol sa White Book.

"Ano bang meron sa White Book?" Nakabaluktot ang dalaga sa maliit na higaang ibinigay sa kanya ng babaeng pinuno ng kanilang selda.

Ang kanilang selda ay may dalawang double deck na higaan at isang duyan.

Mula sa kanang higaan nakahiga ang kanilang lider. Sa taas nito ay si Teresita. Samantalang sa kaliwang bahagi nakahiga ang mayabang na alalay ng kanilang lider at sa taas dapat si Tora ngunit butas na ang ibabaw na bahagi nito kaya sa sahig nakahiga si Tora kasama si Lucille, at sa duyan naman si Elena.

Hindi nya pansin na halos maliwanag na. Nakarinig sya ng ingay mula sa jail guard.

"Gising na! Gising!" Sabi nito.

At gaya ng unang araw nya ay bumangon na ang mga ito. Bumaba si Elena mula sa kanyang duyan at tinapik ang nakahiga pang dalaga. Nakatalikod ito sa kanya.

Bumaling naman paharap si Lucille kay Elena.

"Mukhang hindi ka na nakatulog ng maayos, Lucille. Gusto mo bang magpalit tayo ng higaan mamaya?" Alok ng kaibigan.

Bumangon ang dalaga.

"Salamat Elena, komportable naman ako dito.. marami lang akong iniisip ngayon." Sabi ni Lucille sa kaibigan.

"Ganun ba? Gusto mo pumunta tayo sa grounds mamaya pagkatapos mag-almusal para makapagpahangin ka." Pag-aaya nito.

Napangiti naman si Lucille sa ipinakitang pag-aalala ni Elena. "Grounds?" Sabi nito.

"Oo, sa labas yun ng seldang ito. Pero nasa loob pa rin naman tayo ng correctional. Doon pumupunta ang lahat ng bilanggong gusto mag ehersisyo, magpaaraw o kaya'y makalanghap ng sariwang hangin." Pagpapaliwanag ni Elena.

Pumayag naman si Lucille sa ideya ni Elena, kaya't nang matapos nila ang lahat ng ipinag-uutos ng kanilang cell leader ay agad silang nagpunta sa grounds.

Nang makalabas ay napa-inat si Lucille, kahit papaano ay nakalanghap sya ng sariwang hangin at naramdaman ang init ng araw sa labas ng bilangguan.

Nauna syang lumabas kay Elena na nasa likuran nito.

Sari-saring mga tao ang naandoon. May mga naglalaro ng iba't-ibang sports, nagsusugal, ang iba ay nakahiga lang at ang kakaibang nakakuha ng kanyang atensyon ay halos karamihan sa mga preso ay nagsasanay ng iba't-ibang estilo ng martial arts.

Sa pagtataka ay napatanong sya kay Elena, habang pinanonood pa rin ang mga nagsasanay.

"Anong ginagawa nila?" Tanong ni Lucille.

May isang babae syang pinanonood na nagsasanay na sumuntok at sumipa, mabilis ang mga galaw nito sa kabila ng medyo may katabaang katawan.

Simple namang sinagot ito ni Elena. "Nagsasanay."

Tumalikod si Lucille upang harapin ang kausap. "Nagsasanay? Para saan?"

"Ang dami mo naman tanong, dinala kita dito para makapag-relax. Wag mo na silang intindihin, may pinaghahandaan lang ang mga yan." Sabay lapit ni Elena kay Lucille at inakbayan ito. "Doon tayo."

Naiilang pa rin ang dalaga habang naglalakad sila patungo sa bakanteng upuan. Pinagtitinginan pa rin kasi siya ng mga preso doon. May ibang nakatitig ng masama at ang iba namang tinatawanan sya.

Kasabay nyang naglalakad si Elena.

"Hayaan mo na ang mga yan, maganda kasi ang kutis ng balat mo.. masasanay din ang mga yan." Bulong ni Elena sa kanya.

AVE+MARIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon