Best reaction from the previous chapter:
@khaycee29 : parang true to life story lang to a..~~~~~
Minulat ni Lucille ang kanyang mga mata, nasa loob pa rin sya ng selda ni Doktora Reverie nang biglang pumasok si Diamond.
"Oh! You're awake." Bungad sa kanya nito.
Ngumiti si Lucille sa kanya at lumapit naman ang babae dito.
"This is yours... hindi ko yan binawasan dahil unang pagkapanalo mo." Inabot ni diamond ang sobre na naglalaman ng mga pera.
Bumangon si Lucille at sumandal sa headboard ng higaan. Inabot nya ang sobre at sinilip ito.
"Kanino 'to galing? Hindi sa'kin ito?!" Pagtanggi ni Lucille isinosoli pabalik ang ibinigay na pera ni Diamond.
"Napanalunan mo yan sa laban nyo ni Marga, ibinigay sa akin yan ng tauhan ni Giordani bago sila umalis." Paliwanag naman ni Diamond.
Umiling si Lucille.
"Hindi ko matatanggap yan.. pasensya na. Hindi maganda ang perang pinanggalingan nyan." Umiwas ng tingin si Lucille.
Natawa naman si Diamond.
"Haha.. okay, okay. I will just return this to Giordani. Nasa bilangguan tayo, expected mo na dapat na lahat ng kikitain mo mangagaling sa blood money." Pagpapatuloy ni Diamond.
"Hindi sa akin. Hindi ko kailangan ng pera para mabuhay.." Sagot ni Lucille.
"Huh? What?!!" Mangha ni Diamond. "Bakit ano bang naging trabaho mo? At ganyan ka na lang makatanggi sa grasya.. hahaha." Pagpapatuloy nito.
"Hindi ko ito itinuturing na trabaho, pero ipinagmamalaki ko na makatulong sa mga tao at maglingkod sa Diyos. Isa akong madre." Pag-amin ng dalaga.
"What?! Are you serious?! Kaya pala kakaiba ka kumilos.." Gulat at namimilog ang mata ni Diamond, umupo ito sa tabi ni Lucille.
"I mean! This is impossible! Paano ka mapupunta dito? Is worshipping God a crime now?" Hindi makapaniwalang tanong ni Diamond.
"Mahabang kwento.. pero tungkol sa pagmamadre ko, hindi pa ako ganap.. dahil hindi pa ko nanunumpa para sa pormalidad ng aking tungkulin sa diyos." Sagot ni Lucille.
"It's ok kung mahaba.. tell me." Sabi ni Diamond.
"Wag mo sanang mamasamain, pero maselang bagay kasi ito.. hindi ko basta basta maaring i-kwento sa ibang tao." Paghingi ng paumanhin ni Lucille.
Napahinga ng malalim si Diamond.
"Haaayy.. okay, if that's what you want.. but if you ever changed your mind just tell me the whole story, malay mo baka matulungan kita?" Payo ng dalaga kay Lucille.
"Naiintindihan ko.. salamat Ms. Diamond." Sabi ni Lucille dito.
"Dia na lang.. I prefer that. Sige na, I have a lot of things to settle in our group..." aktong papalabas na si Diamond ng huminto ito sa bungad ng kwarto.
"...and welcome to block E." Sabay ngiti at lumabas ng silid.
Lumipas ang ilang linggo.
Naghilom ang mga sugat ni Lucille, ngunit alam nyang hindi na gagaling ang pilat na iniwan sa kanya ng mga pangyayari ng nagdaang araw.
Ngunit sa saglit na panahong lumipas ay labis na ikinatuwa ni Lucille ang mga magandang pakikitungo ng mga taga-block E. Pakiramdam nya ay ligtas na sya sa lugar na iyon at nasa mabubuting mga kamay.
"Ipinakikilala ko sa inyo!.... si Lucille" Sabi ng isang babae na puno ng palamuti sa buhok at may hawak na gunting.
Lumabas ang dalaga mula sa sulok at bagong gupit, ang maiksi nitong buhok ay mas lalo pang umiksi sa bagong ayos nito.
BINABASA MO ANG
AVE+MARIA
RandomA girl who will take her final vows to become a nun witnessed the massacre of her beloved family. Being accused as the murderer, suffered in prison and died. Now, she got ressurected and become... a Blessed Assassin, and get ready for the Revenge of...