Wrath of the Fire Princess

5K 202 19
                                    

Duguang nakahandusay sa sahig si Lucille habang nagbibihis sa harapan nya ang warden.

Patuloy sa pag-iyak ang dalaga.

Kumuha ng panibagong uniporme ang warden at inihagis sa harapan nya.

"Wag ka nang umiyak dyan. Sa umpisa lang yan.. alam kong nagustuhan mo rin naman." Nangingiting sabi ni Warden Alperez, habang inaayos ang kwelyo ng uniporme.

Dumampot ito ng tabako sa mesa at sinindihan. Tumungo ang warden sa pinto at binuksan ito. Mabilis na pumasok ang mga jail guards.

"Sige, ibartolina nyo na yan." Utos nito.

Inakay si Lucille hanggang makarating sa bartolina. Itinulak sya papasok sa loob ng madilim na kulungan at kinandaduhan.

Naiwan si Lucille sa loob. Nag-iisa.

Malamig sa loob ng bartolina, mamasa-masa ang sahig at mabaho ang amoy dito. Hindi na iyon alintana pa ng dalaga, pakiramdam nya ngayon ay mas ligtas pa sya dito.

Ligtas sya sa madilim na kulungan.

~~~~

Sa selda ng grupo ni Marga.

Hindi maalis sa isipan ni Elena ang sinapit ng kaibigan, habang naglilinis ito ng kanilang kulungan.

"Kamusta na kaya si Lucille, unang beses pa naman nyang mabartolina.." Pag-aalala ni Elena.

"Wag mong isipin yon! Isipin mo yang trabaho mo!" Sabay tadyak ni Bethany sa tagiliran nito.

"Bethany!" Saway ni Amy.

Nagulat ang lahat, napabangon din ang kanina pang nakahiga na si Marga.

"M-Mayora! Na-napabisita po kayo?!" Natatarantang sagot ni Bethany.

"Nagulat kayo? Hindi na ba ko pwedeng dumalaw sa mga nasasakupan ko? Ganyan ba kayo dito? Sinasaktan ang mga kasamahan?" Tanong ni Amy.

Hindi makasagot si Bethany.

"Ano bang kailangan mo?" Singit ni Marga.

Napangisi naman si Amy.

"Haha, hindi ka pa rin nagtitino Margarita. Wala ka pa ring kinikilala.." Pumasok si Amy sa loob at naupo sa higaan ni Bethany.

Magkaharap sila ngayon ni Marga na mukhang napikon sa pagtawag ni Amy sa kanyang tunay na pangalan.

"Naandito ako dahil gusto ko lang mangamusta. Alam nyo naman siguro ang nangyari sa isa sa kasamahan nyo dito, yung bagong salta?" Sabi nito.

Sumagot si Elena. "Si Lucille po?"

"Yun ba ang pangalan nya? Hindi ko pa kasi sya nakikita dahil marami kaming inaasikasong mga bagay bagay para makatulong sa ating lahat." Sabi ni Amy.

Biglang natawa si Marga.

"Hahaha! Alam ko ang dahilan ng ipinunta mo dito, kaya wag mo nang bilugin ang mga ulo namin sa mga pananalita mong parang pulitiko! Hahaha!" Sabi ni Marga sa harap ni Amy.

"Ok. Didiretsuhin na kita, Marga. Gusto ko lang ipaalam sa inyo na hindi nyo na makikita si Lucille simula ngayon.." Seryoso ang tono ng mayora.

Nabigla naman si Elena "Ano? Bakit po?!"

"Si Collette na ang bahala sa kanya paglabas nya ng bartolina. Hindi ko man kilala si Lucille ng personal pero may kutob ako na wala syang kinalaman sa pagpatay kay Leon. Iisa lang ang alam kong may kakayahang gumawa ng ganong bagay.. di ba? Marga?" Nakatitig si Amy kay Marga.

Napatingin din ang mga kasamahan ni Marga sa kanya kaya napatayo ito.

"Wag nyo nga akong titigan ng ganyan! Amy! Ikaw na nga ang nagsabi, hindi mo pa kilala si Lucille." Depensa nito.

AVE+MARIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon