Queen of Diamonds

4.7K 227 19
                                    

Best reactions from the previous chapter:
@mushydaligdig: "hnd aq malahinga.grabeh hehehehe..ganda.. worth ang isang araw na wla updated hehehe.. more pa .hehe"

@MsSophieLing_25 : "ne~ excited na ako para sa susunod. Yari si Lucille kay Marga. tsk. tsk. Fighting Lucille!! Fighting!!"

Hindi na nagdalawang isip ang kaibigan at si Elena na ang sumagot para dito.

"Oo daw! Salamat po!" Sabi ni Elena sabay nginitian si Diamond.

"Ok then, let's go.. we will treat your wounds, we have our doctor there." Aya ni Diamond.

Hindi kumilos si Lucille, mukhang nag-aalangan ang dalaga. Takot na itong magtiwala sa ibang tao o makasama man lang ang mga ito maliban na lang kay Elena.

"Lucille! Sumama ka na.. wala tayong choice, at isa pa.. mukha namang mabait yung babae. Masungit nga lang tignan. Hindi mo ba narinig? May doktor pa sila." Bulong ni Elena.

Napansin ni Diamond ang pag-aalangang sumama ni Lucille.

"It's ok darling... that's good. Number one rule you should remember when you get in here.. is to trust no one." Nakangiti nitong sabi sa dalawa.

Siniko na ni Elena si Lucille, kaya napilitan din itong sumama.

Nauna nang lumakad si Diamond. Napapalingon pa si Lucille kay Elena nang sumunod ito sa babae. Kinawayan na lang sya ni Elena bilang pagpapaalam.

Ang cell block E, na pinamumunuan ni Diamond ang pinakadulong bahagi ng bilangguan. May sarili itong building na ipinatayo ng mga presong nakakulong doon bilang proyekto. Ito ang sentrong kalakaran ng mga ipinagbabawal na gamot, pasabog at armas.

Ito ang pinakamayamang grupo sa lahat, binansagan sila bilang mga elites o mga nakatataas, dahil sa lawak ng kanilang pinag-aralan, impluwensya at kayamanan.

Sa madaling salita, ito ang grupo ng mga bigtime criminals. Ngunit tahimik lamang ang grupong ito at hindi gumagawa ng ingay sa loob ng kulungan. Nananatili ang manners at pagiging edukada nila sa kabila ng pagiging preso.

Hindi mahilig makipagsalamuha ang mga taong ito sa ibang block, kung kaya't may iba na nayayabangan at naiinis sa kanila. Pero hindi nila iyon pinapansin.

Si Diamond, ay nag-iisang anak ng isang negosyanteng may hawak ng pinakamalaking minahan at pagawaan ng dyamante sa bansa. Napunta lang ito sa correctional nang ipakulong ng ama. Ngayon ay gumagawa ng sariling pangalan sa loob ng bilangguan.

Nalulula si Lucille sa nakikita nito simula ng makapasok na sya sa balwarte ng block E.

Malilinis at malawak ang mga kulungan. Maayos na tulugan. Maski ang mga tao dito ay maaliwalas tignan.

Pero bakas sa mukha ng mga naroon ang pagtataka na makita si Lucille, lalo pa at magulo at bugbog ang itsura nito.

"Don't worry, we're not going to hurt you unless you did something that against us." Paliwanag ni Diamond.

May naghihintay sa kanila na isang babae. Agad naman itong ipinakilala ni Diamond.

"Lucille meet Doctor Reverie. She's our doctor in here and a chemist." Pakilala nito sa dalaga.

Nahabag naman sa itsura ni Lucille ang doktora.

"Oh my God, anong nangyari sa kanya?" Hinawak hawakan ng doktora si Lucille.

"Amy asked me for a favor and there you go.." Sagot ni Diamond sabay turo kay Lucille.

"Amy?" Taka ni Lucille.

AVE+MARIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon