♤♡◇♧
NAGISING si Alice na mag-isa na lamang sa kanyang kama. Mukhang gaya nang paglisan niya noon sa Pransya ang ginawa ni Eiffel. History was repeating itself.
Ang pinagkaiba nga lamang ay nagpaalam nang maayos ang binata sa kanya na aalis siya. Samantala, hindi nagpaalam si Alice noong iniwan niya ang binata para sa kanyang misyon.
Alice turned to her side and reached for the pillow he used. They've been using the same room in her family's mansion and no one said a word. They understood that they were in a serious relationship and Alice was more at ease having Eiffel around.
Niyakap ni Alice ang unan at naroroon ang amoy ni Eiffel. Kahit na amoy pagtulog lang 'to, gustong-gusto niya dahil parang naroroon pa rin ang binata. Kahit pa ang pawisan nitong amoy tuwing nag-eensayo sila ay hindi naging isyu sa kanya.
Kung tutuusin, napakabilis ng nangyari sa kanilang dalawa. Their story was not only a whirlwind kind of romance but a tornado.
Noong makita niya ang binata, akala niya ay aakto ito nang malamig sa kanya. Hindi niya itatanggi na naisip na niyang makalilimutan siya ni Eiffel pero mali pala siya. Gaya nang pagkakasabi ni Eiffel na kasintahan na siya nito, he remained faithful. Ngunit ngayon ay parang binalot siya ng takot.
Ngayong nalaman niya na kasapi si Eiffel sa Lion's Assasin, hindi maikakaila na laging nasa panganib ang buhay nito. Nagtataka siya kung bakit wala siyang napansing senyales tungkol sa bagay na ito. Kilala lamang niya si Eiffel bilang isang Hatcham, isang businessman.
Pero wala nga bang palatandaan? Hindi nga ba niya napansin ang katotohanan? O pinili niyang huwang magtanong?
The signs were there. She just chose to set it aside to hide her own identity. Kahit masasabing mukhang ordinaryong gym ang nasa bahay nito, malaking espasyo pa rin ang nakalaan para sa pag-eensayo.
Bukod pa rito, nasa liblib ang kanyang mansyon. May kalayuan ito sa siyudad na animo'y nagtatago talaga sa mata ng publiko.
Lalong humugpit ang yakap ni Alice sa unan ni Eiffel. Naalala niya ang mga matatamis nitong mga salita at kung paano siya paulit-ulit na inangkin ng kasintahan.
"You're an asshole," namumula niyang bulong sa hangin bago pinikit ang mga mata.
Hindi na niya alam kung ano pa ang mangyayari sa susunod na mga araw pero alam niyang dapat ayusin na niyang muli ang kanyang mga prayoridad.
Kailangang matanggal niya ang chip na nasa batok niya at malaman kung ano ang nilalaman nito. Kailangan niyang malaman kung bakit sa kanya iyon tinanim ni Salvador. Maaari namang itinago na lang niya 'yon sa isang safe na walang nakaaalam.
But why did he do that in the first place?
Kinakailangan ba talagang maging buhay ni Alice ang maging kapalit para sa kasagutan do'n?
BINABASA MO ANG
The Queen's Revenge (FNGT Side Story)
General FictionAlice Vale Brixton has always dreamt of one thing in her life: freedom. But how can she gain freedom when her real identity haunts her reality? (R-18) *** Twenty-five-year-old Alice Vale Brixton has lived her life in complete secrecy. She couldn't j...