Chapter 42: Revelations

1.1K 72 11
                                    

Nasa dulo ang surprise kaya basahin n'yo nang maayos

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nasa dulo ang surprise kaya basahin n'yo nang maayos. 😉🤭 Hindi ko lang sasabihin kung sino ang nakatama sa hulaan.

Hello rin sa nag-DM ng mga hula nila. Hula pa! May tumama! 🤣

♤♡◇♧

"WELCOME HOME, ate. Kumusta ang biyahe n'yo?" salubong ni Ysiquel sa kakambal pagbaba nito ng sasakyan sa harap ng HQ.

"Ayos lang. Natulog lang kami sa biyahe," sagot ni Alice sabay beso sa kakambal. Sabay nilang nilingon si Eiffel na kabababa lang ng sasakyan.

"Welcome back, asshole," nakangising bati naman ni Ysiquel kay Eiffel.

"Thanks, fucker," sagot ng binata na karga ang natutulog na anak. Nagderetso na ang mag-anak sa HQ pagkagaling sa airport.

"That's good to know, asshole," biro muli ni Ysiquel.

Nangunot kaagad ang noo ni Alice nang marinig ang batian nina Ysiquel at Eiffel.

"'Yang mga bibig n'yo! Kanina pa! Narito kaya si Liam!" naiinis sa sambit ni Alice sa kakambal at nobyo. Kahit na natutulog ito, ayaw niyang may maririnig itong mga pagmumura habang bata pa.

"Sweetheart, he started it," saad ni Eiffel sabay ang pagtatakip ng tainga ng anak.

"Nagtago ka pa sa kapatid ko. Baliw!" asik ni Ysiquel habang naglalakad sila papasok sa building.

"Hoy! Baka nakalilimutan mong may atraso ka pa sa 'kin, Fuentes!" saad ni Eiffel na siyang nagpatigil kay Alice sa paglalakad.

"Anong atraso ni Ysiquel sa 'yo?" tanong ni Alice sa nobyo at hindi nakatakas sa kanyang paningin ang pagngisi ng kanyang kakambal. Sa halip na sumagot ay nang-iwas ng tingin si Eiffel at animo'y nilalaro ang kanilang anak na nakatitig lang sa kanya. "Hoy, Eiffel, ano ngang atrso niya?"

"Sweetheart, naman..."

"Spill it," nakapamaywang niyang ani.

"Ano kasi—" Naging malikot ang mga mata ni Eiffel. Pabalik-balik kay Alice at kay Liam, nahihiyang umamin sa totoong nangyari.

"Eiffel Rhugs!"

"Tinago ni Fuentes ang lokasyon n'yo ni Liam sa akin!" nakagugulat na sagot ni Eiffel na siyang nagpatawa kay Ysiquel.

"Ano?"

"This douche brother of yours—"

"Language!"

The Queen's Revenge (FNGT Side Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon