Chapter 44: Finally

1.2K 73 21
                                    

♤♡◇♧

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

♤♡◇♧

"Alice, meet my parents, Tatay Reynante and Nanay Maria," panimula ni Eiffel. "'Tay, 'nay, si Alice nga po pala, ang mapapangasawa ko at ang anak namin na si Liam."

Tumikhim si Alice at lumapit sa mag-asawa. "Nice to meet you po," nagmano ito sa dalawang matanda.

"Kaawaan ka ng Diyos, anak," bati ni Tatay Reynante.

"Pagkaganda naman nitong mapapangasawa mo, Eiffel! Hindi mo man laang kami sinabihan na mag-aasawa ka na pala at may anak na rin!" pagmamaktol ni Nanay Maria. Kapansin-pansin ang Batanguena accent nito.

"Marami lang nangyari, 'nay. Pero kayo pa ba ang makalilimutan ko?" magalang na sagot ni Eiffel.

"Sus, itong batang 'to talaga!" ani Nanay Maria sabay kurot sa baywang ni Eiffel. "Halina kayo sa loob at makakain tayo! Saktong nagluto ang tatay mo ng ginataang saging."

Tumuloy silang lima sa loob ng bahay. Sinalubong ang mga mata ni Alice nang isang simple ngunit maayos na tahanan.

"Maupo muna kayo at ako'y kukuha ng pinggan at maiinom," aniya.

"Kailangan mo ga ng tulong?"

"Hindi na. Kausapin mo na 'yang anak mo at paniguradong marami 'yang baong kuwento," nakangiting sambit ni Tatay Reynante.

"'Yang tatay mo talaga," nakangising turan ni Nanay Maria sabay lingon sa kinauupuan nina Alice. "Ano nga bang sadya n'yo rito? Akala ko ay busy ka sa trabaho ngayon, Eiffel?"

"Gusto ko talagang ipakilala sa inyo ang mag-ina ko. Plano kong magpakasal na kami sa lalong madaling panahon."

Napalunok si Alice sa inanunsyo ni Eiffel. Nag-propowe man ito, walq pa silang napag-uusapan na siya magpapakasal na sila agad. Wala pa rilang konkretong plano para sa kasal nila.

"Itong batang 'to talaga. Kung hindi ka pa yata mag-aasawa ay hindi mo na kami maiisipang bisitahin."

"'Nay naman, Ang tampuhin pa rin."

"Hay, ewan ko sa 'yong bata ka. Akin na nga ang aking apo at nang makilala ako," pabirong turan ni Nanay Maria.

Maingat na binigay ni Alice si Liam sa matanda at tuwang-tuwa naman si Liam. Pinipisil-pisil ang kulubot na balat ng matanda. "Aba, ay malikot at malusog pala itong si Liam. Talagang inaalagaan."

"Oo naman, 'nay. Hands on kaya ang misis ko," ani Eiffel sabay hawak sa kamay ni Alice. Maliit ang naging ngiti ni Alice at pinisil pabalik ang kamay ng nobyo.

The Queen's Revenge (FNGT Side Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon