Chapter 43: Return

1.1K 74 17
                                    

♤♡◇♧

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

♤♡◇♧

"ANONG ibig mong sabihin?" takang tanong ni Alice sa nobyo. Paulit-ulit na naglalaro ang mga salita ni Eiffel sa kanyang isipan.

Nilingon ni Eiffel ang mga tao sa mesa  at lahat ay nakatingin na sa kanya—naghihintay ng mga kasagutan.

"The Lions have been seeking all the fallen gangs. Some with the intention of revival, while others were for complete eradication," pag-amin ni Eiffel.

"At anong basis kung ma-re-revive o kung mabubura ang gang?"

"Kung may tagapagmana ang grupo, nasisiguradong hindi pa namin kailangang galawin. Pero kung walang magmamana, buburahin namin ang lahat nang pagkakikilanlan nila," kuwento ni Eiffel. "All their wealth and properties will be confiscated. Their name and prestige will be wiped out like it never existed."

"At saan napupunta ang mga nakukumpiska n'yo?"

"In a secret account that requires multiple approvals before it could get accessed... only to be used for an agreed purpose."

"So you're actually the leash that could put the dogs under control?"

"A leash sounds better than a whip," ani Eiffel.

"'Yan ba ang misyon n'yo?" dagdag na tanong ni Kyle.

"Yes, sir. The Hatchams has been low key in the underground world to preserve its purpose—to eradicate the names of those who are no longer existing or inacapable of maintaining their status. My family has been doing this job for generations."

Hindi maiwasan ni Kyle na mamangha sa pag-amin na ginagawa ni Eiffel sa kanila. Para sabihin niya ang mga detalyeng iyon ay alam jiyang malaki ang tiwala nito sa kanyang pamilya. At nasisigurado niyang dahil ito sa pagmamahal ng binata kay Alice.

Naaalala ni Kyle ang kanyang kabataan mula sa binata—tipong handang isakripisyo at ilantad ang lahat upang mapatunayan ang sarili para ipaglaban ang tama at ang kanyang pagmamahal kay Ysabelle.

"So you're acting like the court?" tanong ng pinakamatandang Fuentes.

"You could say that."

"So The Lions are the one behind so many name disappearance," ani Ysiquel at tumango si Eiffel.

Napasandal muli si Ysiquel sa kanyang upuan. Nasisigurado niyang pare-pareho sila nang naiisip habang pinagtatagpi ang mga detalye.

Everything was making sense.

"At dahil walang tagapagmana ang Red Cuffs, buburahin n'yo na sila?"

"Yes, boss," agad sagot ni Eiffel. "Nasa will ng tatay ni Mr. Jared na sa kadugo lamang ipamamana ang lahat-lahat nang pagmamay-ari ng Redfords at kasama na rito ang Red Cuffs."

"At dahil wala silang tagapagmana at hindi nagawan ni Salvador ng paraan na magkaroon ng tagapagmana..." Tinanguhan ni Eiffel ang sinabi bi Ysiquel sa kanya.

The Queen's Revenge (FNGT Side Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon