♤♡◇♧
"SO, everything is going well?" Tanong ni Ysiquel habang binabasa ang huling mga pahina ng papeles na iniabot ni Eiffel kanina sa kanya.
Nagkakaroon sila ng meeting bawat ikalawang buwan upang masigurado na maayos ang takbo ng mag-partner nilang kumpanya sa Europa.
"Yes. May 18% increase mula sa target natin this quarter. Naapaektuhan lang ng pagbabago sa ekonomiya pero nakakabawi na."
"Good. Masyadong maraming pekeng balita. We have to turn the tables and get them to shut up," ani Ysiquel bago isinara ang folder. "We can close this quarter with a 23% increase in profit."
Nakita na n'ya ang mga resulta at tiwala s'ya kay Eiffel dahil bukod sa magkaososyo sila sa trabaho ay alam n'yang isang seryosong businessman ang kaibigan. They both studied in the States finishing with high honors kasama ang iba pang kaibigan na sina Blake at Antoine.
Lumagok silang dalawa ng alak mula sa kanilang mga baso. It was just three in the afternoon and a glass of Scotch whisky was a soothing excuse during their meeting.
Inilapag ni Eiffel ang baso bago sumandal sa couch. Napatingin s'ya sa litratong nakasabit sa dingding. Family portrait iyon ng mga Fuentes.
Mukhang bago pa lamang ito dahil kasama na ang asawa ni Ysiquel doon. Pulos naka-smart casual sila. Kilala ni Eiffel ang kaibigan, hindi hilig ni Ysiquel ang mga litrato kaya nasisigurado n'yang ang nanay n'ya ang may utos na i-update ang litrato sa opisina ng lalaki.
Dumako ang mga mata ni Eiffel sa bawat miyembro ng pamilya Fuentes. They were regal and beautiful. Every single one of them was eye-catching. Mula sa ama, ina, at mga kapatid, they were all spotlight stealers.
May kaunting inggit na naramdaman ang binata dahil hindi ito lumaki kasama ang mga magulang at wala s'yang kapatid. Ibang iba sa pamilya ng kaibigan.
Kumunot ang noo n'ya habang nakatingin sa ina ng kaibigan. Doon naalala ni Eiffel ang gusto n'yang sabihin kay Ysiquel.
Napa-ayos ito ng upo.
"Bro, eto legit na balita," aniya sabay kuha ng cellphone sa bulsa.
"Ano?" Lingon ni Ysiquel.
"May nakilala ako sa France na babae. She looks exactly like your mother when she was younger." Bumaling itong muli sa litrato. "I'd say a bit older version of your sister, but more of your mother."
Nangunot ang noo ni Ysiquel sa sinabi ng kaibigan. "Bro, are you fucking kidding me? May gusto ka pa sa nanay ko? That's fucking crazy, man."
"Fuck, no. I'm talking about a different woman. Parang kahawig talaga ni tita. No, kamukha talaga ni tita Belle."
"Baka naman imagination mo lang 'yan, Tore. Baka si Sammy lang ang nakita mo?" Hindi n'ya lubos na maisip kung totoo ba ang sinasabi ni Eiffel. Kung totoo man iyon, marahil ay nagparetoke ito upang magaya ang hitsura ng kanyang ina at kapatid.
BINABASA MO ANG
The Queen's Revenge (FNGT Side Story)
Ficción GeneralAlice Vale Brixton has always dreamt of one thing in her life: freedom. But how can she gain freedom when her real identity haunts her reality? (R-18) *** Twenty-five-year-old Alice Vale Brixton has lived her life in complete secrecy. She couldn't j...