Chapter 8: Stranger

1.2K 59 4
                                    

♤♡◇♧

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

♤♡◇♧

MAHIGPIT ang hawak ni Alice sa kanyang braso. Ubod ng sakit ng kanyang sugat at alam n'yang nagdurugo itong muli.

"Shit," she grumbled under her breath.

Matindi ang sakit na nararamdaman n'ya sa braso. Hidi n'ya inaasahan na matatamaan s'ya ng patalim doon. Ngayong hindi pa n'ya kilala ang mga lalaking lumusob sa parking lot, kailangan n'yang magdoble ingat.

Kailangan n'yang makabalik sa kanyang hotel suite at tumawag ng medic sa tulong ni Rosh na nasa States. Si Rosh lamang ang mapapagkatiwalaan n'ya na tatawag ng pribadong medic na puntahan s'ya.

Lumabas s'ya ng elevator na mahigpit ang hawak pa rin sa braso. Ramdam n'ya ang mainit na pagdaloy ng dugo sa kanyang palad. Sinilip n'ya ito at nagsisimula na itong tumagos sa kanyang asul niyang cardigan.

Ngunit bago pa s'ya makapasok sa suite ay may tumawag sa kanya at kagad nakuha ang kanyang atensyon.

"Just Alice, welcome back!" Magiliw na bati ni Eiffel.

Malawak ang ngiti ng binata na nakasuot ng isang itim na Armani suit. Nakasuklay rin ang buhok nito palikod. He was a hot Greek god despite being French.

Nakaharap si Eiffel sa pintuan ng kabilang suite pero mabilis itong nakalapit kay Alice na mukhang may plano pang makipagkwentuhan. Ayaw ni Alice na mangyari iyon lalo na sa kasalukuyan niyang kalagayan. And to her dismay, he did stood beside her, almost blocking the front door.

"Move," wala sa mood nitong saad.

"Ang sungit mo na naman."

Akmang hahawakan ni Eiffel si Alice ngunit bigla s'ya nitong dinagit gamit ang kamay na nakapisil sa kanyang braso.

"Don't touch me!" 

Ngunit dumako ang mata ni Eiffel sa batik na nasa kabilang balikat ng dalaga. Agad itong tinakpan ni Alice at hindi nakatakas ang dugo na nasa kabilang kamay ng dalaga. It has already reached her sleeves.

"Are you bleeding? Anong nangyari d'yan?"

Nang-iwas si Alice ng tingin. "It's nothing. Leave me alone."

Tumalikod ito para makapasok na sa kanyang suite pero hinawakan lang s'ya lalo ni Eiffel at napangiwi s'ya sa sakit. Hindi man mahigpit ay nagdulot pa rin ito ng sakit sa kanya.

"A-aaaaah!" Hindi n'ya nagawang maagaw ang kanyang braso. Right now, he was stronger than her. Hinila ni Eiffel ang damit at nakita ang malaking sugat nito.

"What the hell happened here? You fucking need to go to the hospital."

"Ayos lang ako! Bitawan mo 'ko!"

"You are not okay, woman. Dadalhin kita sa ospital."

"NO!" Namamawis n'yang giit. "This is nothing."

The Queen's Revenge (FNGT Side Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon