School na naman! Ayoko nang mag aral, naka graduate naman na 'ko ng elementary at naka tapos ng 1st year sa high school, pwede bang last na 'yon? Wala naman na 'kong balak sa future ko.
Naiirita na 'ko, mainly sa pag gising sa umaga at ikalawa na 'yung mismong pag aaral. Nakaka-tamad din, amp.
Naiinis ako palagi sa alarm ko na nang gigising. Ano ba, lahat naman yata kinaiinisan ko.
Palagi lang akong naka tambay sa canteen lalo na 'pag napapalabas ako kasi naka tulala sa bintana? Wala rin naman akong pake. Baka pasalamatan ko pa sila kapag pinapalabas nila 'ko.
But one time na nasa canteen ako at nakatambay, recess time na pero kanina pa 'ko napalabas sa room. Nakita ko 'yung babae na parang napag titripan ng mga gago, eh, ang mamanyak tumingin at saka mukhang hindi gumagawa ng mabuti, eh.
Wala naman akong paki sa babae, sa totoo lang. Mukha lang talagang masarap basagan ng mukha 'yong mga lalaki... Kaya umepal na 'ko.
"Hoy, ano bang trip n'yo sa buhay?" tinanong ko nang mapansin ko 'yung isang parang palapit na.
Nakakairita ang pag mumukha, kulay tsokolate siya, o itim? Nanlilimahid, dami sigurong banil nito? Nag hihilod kaya 'to?
Parang kadiri naman na ang yaman ng school mo tapos dugyot siya, ipa kick out ko kaya 'to? Ayokong may ganitong pag mumukha sa school ko.
"Hoy, tara, sapakan. Papawis lang, kailan ka pwede?" 'Yung isa naman ang kinausap ko, maputi naman ito at may itsura, kaso ang daming piercing. 'Pag sinapak ko siguro 'to sa hikaw maoospital 'to.
"I'm always free, if you'd like nga we can do it here now, pare," mayabang na sabi n'ong maputi. Hindi yata ako nito kilala, eh.
Pero tinignan ko muna ang babae na hindi makadaan dahil sa away namin, feeling ko kilala ko siya? Hindi ako sociable pero kilala ko siya, familiar, gano'n? Kaya sa tingin ko sikat siya.
Sinenyasan ko siyang umalis kaya ang sama ng tingin sa 'kin n'ong dugyot. Ayaw ko siya sa sapakan, baka libag ang sumapak sa 'kin. Lugi lang ako.
Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya naman wala siyang ginawa. Akalain mo 'yon? Wala namang binatbat, ni hindi nga ako tinignan ng masama pabalik. Duwag, amputek.
Nag tagal akong curious doon sa babae... But I didn't gave a single damn. Para lang siyang pamilyar pero wala naman akong pakialam.
Tumanaw yata ng utang na loob at kinausap din ako... Ewan ko. Ayos lang din. Masarap siya sa mata, maganda, eh. Sobrang bait pa.
"What are you doing here?" tanong niya sa kabilang kama. Nasa clinic kami.
Antok na antok kasi ako, eh. Kaya dumito na lang muna 'ko, siya naman, nag lalagay ng cold compress sa binti niya.
"Ikaw ang bakit?" bawi ko. Ano kayang nangyari sa binti nito?
"I tripped." Umiwas siya ng tingin. Tumango na lang ako dahil hindi naman kami close. Mag mumukha lang akong feeling close dito.
Hindi rin nag tagal ay nakihalubilo ako sa mga kaibigan niya, hindi ko lang sobrang close iyong lalaki dahil parang may gusto kay Brys. Kabilang section lang pala sila.
"May gusto ka kay Brys?" Matagal ko nang gustong i-tanong 'yon sa kaniya... Kating kati ang dila ko para masabi 'to, pero tumawa lang siya.
"Asa. Baka ikaw." sagot nito sa'kin. Nag-iwas naman ako ng tingin. Kaibigan ko na siya, eh... Hindi na kami pwede. "Gagi, 'wag mong pag isipan." Humalakhak siya. Binatukan ko naman, demonyo.
"Tang ina ka." Umalis na 'ko ro'n at baka ma-sapak ko lang siya. Si Xylene yata ang gusto no'n.
Sa halos isang taon na kaibigan ko siya, sila, alam kong may gusto ako sa kaniya kaya nilayuan ko ang mga pangit na gawain, bad shot 'yon. Malay ko ba kung darating ang panahon na... Baka pwede.
YOU ARE READING
Miles Away (Circle Of Friends #1)
Teen FictionBreanna Alexysse, who have been struggling on finding her twin sister, was helped by her boy best friend-since high school, was it a help for her? What if they fall in love with each other and make everything more complicated because of her sister...