"Okay, one last, ulit uli sa umpisa pero okay na pag tapos no'n."
It's already tiring but still, ipinaulit pa! Mahaba rin naman iyon.
At bali sana kung hindi nakaka asiwa ang pag mumukha ng partner ko, 'no?!
Hindi kami nag uusap mula pa kanina. Kahit nagkaka apakan na kami ng paa ay hindi kami umiimik. Hindi naman kasi ako mahilig na sumayaw!
Nang matapos ay iniinis kami ni Xylene.
"Alam mo, dapat, nandito rin si Jazzy para danad niya rin ang ka-demonyohan nitong gagong 'to." reklamo ko. I know that if Jazzy's here, she'll suffer from the same situation.
"Para namang bago, eh, malakas ang trip niyan," pang gagatong ni Ian. Inirapan ko na lang siya, dahil siya rin naman! Akala mo talaga, eh.
Nang iinis pa si Xylene dahil may practice uli. April 14 ngayon, sa 21 ulit meron. Pakiramdam ko nga mag rerehearse pa sa 28!
"Feeling eighteenth birthday kasi?!" sabi ko. Natawa naman siya roon.
"Sorry ka, naenjoy ko ang formal party." sabi nito. Napa irap naman ako roon kaya tumawa siya ulit.
Pero nag tataka pa rin ako, bakit biglang gusto niya?
"Bakit gusto mo nga pala biglang mag formal party uli? I mean, I get it that you enjoyed your debut party. But, you're twenty-two!"
Natawa lang siya. Nakakainis nga dahil kanina pa siya tumatawa pero sinagot din niya.
"Huh... Wala lang nga! Sinabi ko lang kasi after four years, mag foformal party ako ulit. Ayun, sineryoso ni Daddy."
Nag chikahan pa kami habang nandito sa venue na gagamitin for her party. Dito rin kasi nag practice. Si Maki ay nauna na dahil may gagawin pa raw.
"Pero Brys, 'di ba, ayos naman kayo ni Maki dati? Nagulat nga kami maayos kayong nag uusap. Pero, anyare bigla?" usisa ni Ian. Napa ngiwi naman ako roon. Dapat pa ba 'yong sagutin?!
Hindi ko na labg iyon sinagot at hinayaan pa silang nag kkwentuhan habang lumalantak sa chips na dala ni Xylene.
Pag uwi ay nag bihis na 'ko at pumunta sa kwarto ni Alexeus.
"Netflix?" yaya ko sa kaniya. Pumayag din naman siya kaagad kaya nakapag salang na rin ng papanoorin. Tinext ko na lang si Mayi na mag dala ng kutkutin.
Naka tapos kami ng Netflix nang biglang may pumasok.
"Nagso-solo?!" sabi ni Kuya pagka bukas niya ng pinto.
"Duo." sabi ni Alexeus na ikinatawa ko naman. Kung solo nga naman ay isahan na lang iyon.
"Trio tayo." sabi nito at naki agaw sa pag pili ng papanoorin pero hindi na kami umangal.
"I'm in."
"Edi hindi na trio 'yon?" si Kuya Alvin na naman. Tumawa na lang kami sa kalokohan niya.
"Okay, quadro. But a piece of advice, please don't let Kuya choose the movie." sabi naman ni Narrely.
"I agree. Puro mahahalay ang mapapanood natin. May minor," sabi ko at kinuha ang remote kay Kuya.
Nanood naman kami ng movie, nandito sa kwarto ni Alexeus habang nag aagawan sa pagkain. After that, we slept.
"Wow hot naman this girl," bati ni Ian nang makapasok ako sa venue. Inirapan ko siya.
"Wow, halter top! Ano'ng nakain mo?" tanong ni Xylene. It's because I don't usually wear clothes like this.
"Na-pilit." sagot ko. It's true, Narrely forced me to wear this.
Habang mag papractice ay naka pirmi lang ako sa isang tabi dahil hindi dumating si Maki.
YOU ARE READING
Miles Away (Circle Of Friends #1)
Teen FictionBreanna Alexysse, who have been struggling on finding her twin sister, was helped by her boy best friend-since high school, was it a help for her? What if they fall in love with each other and make everything more complicated because of her sister...