Chapter 27

7 3 4
                                    

"You saw that? He looked at you. Just because I said your name, right? He cares. Alam ko." daldal sa 'kin ni Narrely.

Umiling ako at tumawa. She's trying so hard to make me believe but in the first place I knew it that way. Pero pinipilit kong hindi kasi paano kung hindi na pala ako? Pero akala ko, ako pa rin. Hindi porket mahal niya ako noon ay ganoon pa rin hanggang ngayon. Maaaring may iba na siyang mahal, o kinalimutan niya na 'ko.

"May pake siya sa'yo and that's for sure." Narrely said as if she was sure.

"'Di ka nga sabi sure, 'wag mo na ipilit." Umirap ako sa kaniya. Kung bakit pa kasi dito ako matutulog sa kwarto niya, eh. Napaka daldal pa naman, at iyong dinadaldal ay hindi ko gusto.

"Believe-"

Tinigil ko na siya bago pa niya ako mapaniwala. "Gago. Sampalin kita r'yan, eh." sambit ko dahil pinipilit ko nang matulog na pero ang dami dami niya pa ring sinasabi.

"Okay I don't want you hands on my pretty face." tatawa-tawang sabi nito pero tinalikuran ko na lang.

"Narrely. Punta raw kayong ospital..." mahinang sabi ni Mayi na narinig ko pa rin mula sa mahimbing na pagkaka-tulog.

"Why daw?" tanong ni Narrely. But Mayi didn't answer at all. "Why, Ate Mayi?" she asked once again. Pero tumungo lang si Mayi at hindi sumagot. Pinigilan ko na si Narrely dahil para itong mananampal.

Nag palit ang ng isang black cotton shorts at sando na plain white at jacket na itim. Naka-tsinelas lang din ako.

"Hurry. Ang babagal." reklamo ko. Then I saw Alexeus in his shorts and T-shirt.

"She will get ready. Pustahan, para 'yang pupunta sa fashion show." bulong ko bago pa maka-baba si Narrely.

Yeah, I know and it sucks." comment nito at saka kami tumawa.

Si Narrely naman ay naka-baba na na parang rarampa, high waisted maong black shorts, white tee cropped top at may black linking at jacket na itim. May shades, naka ponytail at naka mini boots.

"Okay, feeling niya maganda siya," bulong ni Alexeus kaya natawa ako.

Hindi naman iyon lumagpas sa pandinig ni Narrely kaya tinaasan niya ito ng kilay. "Excuse me? I'm maganda naman talaga." Umirap ito kaya inirapan ko rin.

Pag punta namin ng ospital ay naka yuko lang ako dahil sa hiya sa mga kasama ko. Kami ni Alexeus ay naka pambahay lang, mas disente pa nga siya. While we have Narrely here.

"You should pair your fashion on the situation too." sabi ni Alexeus. Natawa naman ako sa kaniya dahil kanina pa siya iritang irita kay Narrely.

Nang makita ko si Mommy ay nang hina ang tuhod ko. Mukhang... may ibang reason ang pag uwi ko ngayon. At ayoko iyong tanggapin.

"B-Breanna..." she called me, and ut was the reason why the tears streamed down my face.

"H-Hi... Momm... My..." bati ko sa kaniya na mahina ang boses at ngumiti.

"I-I can't... see you, as a professional educator... anymore," sabi nito na naging dahilan ng pag hikbi ko.

"Sinasabi mo, Mommy? Malapit na, a-a... a-a-aalis ka po? Hindi naman 'di ba? Edi m-makikita mo 'ko..." sabi ko. Humihikbi na ako nang malala kaya hindi ko na kayang mag salita nang deretso at malinaw.

"M-Mamamatay na 'ko." Lahat kami ay nag iyakan nang marinig iyon sa kaniya. Tumayo na ako mula sa malapit sa kaniya hanggang sa yumakap ako kay Alexeus.

"I can't..." bulong ko. Yumakap din siya sa 'kin.

"She was commatosed for two weeks, and also, she's here for four months already. We already accepted it for her to give up the burden inside her... She's suffering, you want that? Huh, Ate?" tanong niya sa 'kin. I never knew about her situation...

"Bakit hindi n'yo sinasabi sa 'kin?" tanong ko at humiwalay na sa kaniya.

"Less burden." simple niyang sagot, nag kibit ng mga balikat.

"She's not and will never be." sabi ko at lumabas na sa kwartong iyon. I felt suffocated.

I cannot imagine Mommy... leaving. I am used to not being by her side, pero, tang ina, torture iyong alam kong wala siya... Kahit saan.

"Please be with us. Mommy. You're strong. Mommy!" narinig ko si Narrely. Nag panic na 'ko dahil may pumapasok na mga doctor at nag mamadali pa sila. Ngunit nang akma akong papasok ay masyado na raw maraming tao.

Lumabas din si Alexeus na umiiyak kaya nag alala ako.

"She already saw you..." bulong nito sa gitna ng pag hikbi. "She will no longer fight for her life..."

Sa sinabi niya ay mas lalo akong naiyak. Naiinis na ako dahil ayoko nang umiyak pa.

Napa-tayo ako sa pagkaka-upo ko nang makitang lumabas si Papa at Narrely na siyang pag dating ni Kuya. Niyakap ko siya agad at ganoon din siya sa 'kin pero ramdam kong ang ulo niya ay kila Papa naka baling.

"Dad?" tanong nito, kumalas na rin ako sa pagkaka-yakap niya para tignan ang sagot ni Papa.

Para akong nawalan ng hininga nang makita kong umiling si Papa. Unti-unti akong napa luhod hanggang sa hindi ko na maramdaman ang sarili ko.

I felt numb. I can't hear and my sight is turning black.

Naramdaman ko ang hawak sa likod ko, at doon na ako tuluyang naka-tulog.

I can't see anymore, I can't move but I can hear... And it hurts me so much knowing I am in this kind of situation.

"Breanna, gumising ka?" I heard Papa saying that.

I heard nothig from Alexeus but I can hear his sobs.

"What are you doing na, Kuya? Get her in a room or something. Malamig ang floor tapos you're letting her there?" si Narrely ang nag sabi niyon at walang bakas ng kahit ano ang boses niya. I really admire her for being strong.

Until Kuya talk, I am getting weaker and weaker so that I am no longer hearing him.

I wanted to give up... so bad.

I woke up seeing a white curtain and it gives me hospital vibes. Kaya minulat ko nang buong-buo ang mata kobat nakumpirmang nasa hospital room nga ako.

Sinubukan kong umupo, pero pinigilan agad ako ng lalaking nasa gilid ko.

Nilingon ko siya. "A-Andrei..." mahina kong sambit mula sa pagka-gulat. Akala ko kasi ay nasa Pasig siya.

"Yeah?" sabi niya. Napatawa lang ako nang bahagya sa sagot niyang tanong din.

Nailing ako ngunit nahilo sa ginawang pag galaw na agad kong ininda, inalalayan niya naman ako sa ginawa kong 'yon.

"Siguro na-stress ka masyado. Your reaction was the worst of them all," kwento niya at hindi na lang ako sumagot dahil tatango sana ako pero masakit ang leeg ko.

"And, oh, nakita ko kanina 'yung friend mong si Timothy Navel. Way back in highschool, right?" sabi niyang dahilan ng pag lingon ko. Ininda ko na naman tuloy ang sakit. "Fuck it, I won't talk na nga. 'Wag ka nang gumalaw."

So... He came?

How I hope that he came for me but there will always be other things to be the reason of him being here. I should stop dreaming and longing for his love that I losed three years ago.

I should accept the fact that letting him go doesn't mean I should get back to him too.

[Note]: maikli talaga kaya nga two chapters update hahahahahaha

Miles Away (Circle Of Friends #1)Where stories live. Discover now