*Xavier's POV*
Nagulat ako nang ibalita ni lolo sa akin na nagbalik si Garnet pero mas nagulat ako nang malaman kong nandito sa mansyon si Yumi, ang babaeng kasama ko sa online game na naging online girlfriend ko rin.
"I am glad that you are finally awake, apo," saad ni Lolo, "you just saved me from making a very difficult decision."
"Anong desisyon?" tanong ko.
"You see, apo," panimula ni lolo, "nang magka-comma ka dahil sa pagkakabaril sa'yo, natakot ako na baka mawala ka at maiiwan ang kompanya sa mga taong hindi ko kadugo. Kaya noong ma-trace ko ang transactions na ginawa ng girlfriend mo gamit ang credit card mo, agad ko siyang pinahanap."
"Transactions? What transactions?" nagugulohan kong tanong.
"Ginamit niya ang credit card mo to make a reservation at a five-star hotel at pagkatapos ay nagpa-arrange din siya ng intimate dinner. She also bought some things for herself using your credit card," paliwanag ni lolo.
"She did?" hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
"Yes," pagkumpirma ni lolo.
"The nerve of her," inis kong saad.
"No, don't be mad at her," agad na saad ni lolo, "ganyan din ang reaksyon ko nang malaman ko ang tungkol sa transactions na ginawa niya. Akala ko ginamit niya ang credit card upang makipag-date sa ibang lalaki. But I was wrong. She came in alone, and when we secretly watched her inside the room, it broke my heart to see that she seemed to be trying to re-live a memory of one of your romantic dates."
"Anong sabi mo?" gulat kong tanong.
"Mag-isa lang siya sa inarkila niyang kwarto. Hindi niya alam na inutusan ko ang mga nagserve sa kanya ng dinner na lagyan ng mga surveillance camera ang buong silid. I watched her pretend to have a date, as if she is imagining that you were there with her. I saw her bittersweet smile as she pretend to dance with you. From her facial expressions, I could feel how she loves you," natutuwang saad ni lolo.
Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko inaasahang maiisip ni Yumi ang ganoong istratehiya upang mapaniwala niya si lolo na may relasyon kami.
"But you see, apo, your mother came home from the US and brought with her Garnet Rivera," pagbabalita ni lolo.
Sandaling natigil ang paghinga ko nang marinig ko ang pangalan ni Garnet. After eight long years, she finally came home. Pero hindi ko maiwasang magtaka. Why after eight years, naisipan niyang bumalik?
"Bago dumating si Garnet, nagkasundo na kami ni Yumi. I asked her to bear your child dahil gusto kong makasiguro na may apo ako na magmamana sa lahat na pinaghihirapan ko. Pumayag si Yumi sa kondisyon na magpakasal kayo dahil ayaw niyang maging illegitimate ang anak niyo," saad ni lolo.
Gusto kong matawa sa narinig ko. I never thought Yumi would go far as that. Gaano ba kadesperado ang babaeng ito sa buhay? Kung ganito kadali sa kanya ang sayangin ang buhay niya upang ipagkaloob kay lolo ang inaasam ni lolo na kadugong apo mula sa akin, then she is not just an ordinary con-artist. Miyembro kaya siya ng Amano-Kai? Baka isa siya sa mga tauhan ng Amano-Kai. Kung gayun, hindi ko pala siya dapat pagkatiwalaan.
"Everything was well planned hanggang sa dumating sa eksena ang mommy mo kasama ang ex-girlfriend mong si Garnet," pagpapatuloy ni lolo.
"And what was that important decision you are talking about kanina?" tanong ko.
"I like Yumi at ramdam kong mahal na mahal ka niya," agad na sagot ni lolo, "but Garnet came with a very important news."
Magsasalita sana ako pero may kumatok sa pinto saka nagsabing, "Senyor Vanhallen, nandito na po si Yumi."
Sandali kaming naghintay saka bumukas ang pinto at bumungad sa harap namin ang aking fake girlfriend. Just as I thought of her when I first saw her photos on social media; she's freaking hot! Sa sobrang hot niya, I did not mind her carelessly hugging me.
Ang galing niyang umarte, she hugged me as if she really meant it. Siguro kung nagka-amnesia ako, mapapaniwala niya ako na may relasyon talaga kami.
Nais ipaliwanag ni lolo kung bakit inilihim nila ang tungkol sa pagka-comma ko pero hindi ko na pinadetalye sa kanya ang lahat. Ayokong isipin ni Yumi na may alam si lolo tungkol sa Amano-Kai dahil kung sakaling tama ang hinala ko na tauhan si Yumi ng Amano-kai, magiging delikado ang kalagayan ni lolo.
Hindi nagtagal ay dumating si mommy at tulad ng sinabi ni lolo, kasama niya si Garnet.
Noong pumasok siya sa silid, pilit kong hinanap sa sarili ang pakiramdam na pagnanasang makapiling siya. I've imagined this situation a hundred times pero hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi espesyal ang muling pagkikita namin.
She is still stunning, just like how I imagined her to be; but I don't understand why I can't feel even a single hint of longing for her to be in my arms.
Pero ayokong pakawalan ang pagkakataon. Baka nagulat lang ako kaya hindi ko maramdaman ang saya nang makita ko si Garnet. Mabuti na lang na nandito si Yumi. I plan to use Yumi just as she used me. I will take advantage of the contract that Yumi signed habang tinutuklas ko ang katotohanan sa likod sa pagbalik ni Garnet, pati na rin ang tunay na dahilan ni Yumi sa pagpayag sa kasunduan nila ni lolo.
*Yumi's POV*
Huminga ako ng malalim bago ako lumabas sa silid. Walang naalala si Xavier tungkol sa mga panahong kasama ko siya habang isa pa siyang multo. Marami na akong napanood na mga palabas tungkol sa mga multong gumagala habang nasa comma pa ang katawan nila. Kaya pala maraming hindi nagagawa si Xavier na pinaniniwalaang magagawa ng multo. Dahil hindi pa ganap na multo si Xavier, maraming kakayahan ang isang multo na hindi niya magagawa.
Tulad din ng mga napapanood kong palabas tungkol sa gumagalang multo habang naka-comma pa ang katawan nito, hindi naaalala ng taong nagising mula sa comma ang mga bagay na natuklasan at naranasan ng kanyang multo.
Kung totoo itong naisip ko, ibig sabihin, manloloko ang tingin ni Xavier sa akin; at tulad ng kanyang banta, pwede niya akong maipakulong dahil akala niyang sinamantala ko ang sitwasyon. Dahil dito, pumayag ako sa gustong mangyari ni Xavier.
Nasa hapagkainan na ang lahat nang dumating ako sa dining area. Napagitna si tito Hector nina tita Aubrey at tita Prescilla, habang sa gitna naman naming ni Garnet si Xavier. Kung iisipin, para kaming younger version sa Prescilla-Hector-Aubrey love triangle; ang kaibahan lang ay hindi totoo para kay Xavier ang namagitan sa amin.
Nakalagay ang scrambled egg malapit sa akin kaya agad ko itong kinuha upang i-alok kay Xavier.
"Hindi kumakain ng scrambled egg si Xavier," agad na saad ni Garnet, "he likes sunny-side-up eggs," pagpapatuloy niya habang inilapit kay Xavier ang pinaglagyan ng mga sunny-side-up eggs.
Bahagya akong napahiya sa ginawa ko pero nagsalita si Xavier, "nagbago na ang taste ko, Garnet."
Kumuha si Xavier ng scrambled eggs mula sa hawak kong pinggan saka sinabing, "mas alam ni Yumi ang mga gusto ko."
Alam kong iniinis lang ni Xavier si Garnet dahlia ang totoo, hindi ko naman talaga alam kung anong klaseng pagkaluto ng itlog ang gusto ni Xavier. Hindi naman kasi siya kumakain noong kasama ko siya bilang multo.
Nagpatuloy kami sa pagkain nang biglang nabulunan si Xavier kaya sabay kami ni Garnet sap ag-abot sa kanya ng maiinum. Juice ang inabot ko sa kanya habang tubig naman ang nasa basong hawak ni Garnet. Tulad ng inasahan ko, ang basong hawak ko ang tinanggap ni Xavier.
Ramdam ko ang tensyon sa hapagkainan dahil maliban sa amin ni Garnet, para ding nag-uunahan sina tita Aubrey at tita Prescilla sa pagpapansin kay tito Hector.
"Pwede na ba tayong mag-usap?" tanong ni Garnet pagkatapos naming kumain at naiwan kaming tatlo sa hapagkainan.
"May lakad pa kami ni Yumi," saad ni Xavier saka hinila ako paalis ng dining area.
Nakakatuwang isipin na mas pinipili ako ni Xavier kaysa kay Garnet pero alam kong ginagawa lang niya ito dahil sa pagpapanggap namin. Hindi ko alam ang tunay na dahilan ni Xavier pero naisip ko na ang pagpapanggap naming ito ang magiging daan upang maalala ng puso ni Xavier na minahal niya ako.

BINABASA MO ANG
Status: In a Relationship with a Ghost
FantasiMagugulantang ang buhay ni YUMI TANJUATCO nang magbalik ang kanyang online boyfriend at magpakita sa kanya. Isang taon matapos ang nangyaring pagkabaril ng kanyang online-never-been-seen boyfriend sa DUMMY WORLD ay nagbalik ito upang himingi sa kany...