Chapter 2

10.2K 360 108
                                    


AN: Hi pala sa kaklase ng pinsan ko.  Para sa'yo ang chapter na ito. Sana ma-enjoy mo ang kwentong ito

*Xavier's POV*

Mariin akong napapikit nang mapagtanto kong wala akong hinandang balak sa gagawin ko. Mali ang pagsama ko sa pulis na papuntang unibersidad kung saan nag-aaral si Eris, o Yumi kung tinutukoy ko ang totoo niyang pangalan. Paano ko siya kakausapin? Unang-una, multo ako at hindi niya ako makikita. Pangalawa, hindi ko siya makakausap dahil multo ako. I should have stayed home dahil pwede kong gamitin ang gadgets ko sa bahay upang i-chat siya.

Marami akong natuklasan at napatunayan sa loob ng isang taong pagiging multo. Una, hindi totoong basta-basta lang kaming tumatagos sa pader at sa pinto. Kaya nga lagi kong hinihintay si Whitney na maglinis ng kwarto ko para naman makalabas ako. Pangalawa, may mga bagay na kaya naming gamitin at hawakan, which made horror movies sensible. In my case, kaya kong hawakan at gamitin ang mga gadgets, besides gadgets, wala na akong ibang kayang galawin.

Hinintay kong buksan ng pulis ang pinto ng kanyang sasakyan upang makalabas din ako. Mabuti na lang dahil may mga kailangan siyang gamit sa likod ng sasakyan kaya nakagawa ako ng paraan upang makalabas ng sasakyan. Tamang-tama lang ang pagdating namin sa pinangyarihan ng shoot out dahil nang makalapit na kami sa mga nagkumpulang pulis ay agad kong natanaw ang paglabas ng iilang mga estudyanteng galing sa loob ng unibersidad.

Sabi nila walang pakiramdam ang multo pero hindi ko maipaliwanag bakit may nararamdaman ako nang makita ko siya. Kasama siya sa mga estudyanteng kakalabas lang ng unibersidad.

Black jersey, maong shorts, knee-high socks and sneakers – ewan ko ba, even with her tomboyish look, I still find her sexy. Nakita kong magkahalong takot at kaba ang pumapaskil sa mukha niya at ng kanyang mga kasama ngunit napansin kong wala siyang mapaghugotan ng lakas dahil sa kanilang magkakasama, siya lang ang walang kayakap. Nakita ko kasing magkayakap ang isang lalaki at isang babaeng may dugo sa damit habang niyayakap naman ng isang seksing babae ang isang kasamang nagsisigaw na marahil ay nag-alala sa nobyong naiwan sa loob ng unibersidad.

Hindi ko man alam kung makakatulong pero napagpasyahan kong lapitan siya ngunit nagulat ako nang bigla na lang siyang hinimatay sa harapan ko.

"Yumi!" tarantang nilapitan siya ng seksing kasama niya. Don't get me wrong, multo ako pero hindi ibig sabihin nawala na rin ang taste ko sa mga babae.

Agad siyang kinarga ng isang pulis at isinakay sa ambulance. Dahil siya lang din naman ang pakay ko, napagpasyahan kong sumama na lang sa kanya sa ospital. Bahala na siguro. Saka ko na lang iisipin kung paano ako makikipag-usap sa kanya.

Wala pa rin siyang malay na dinala sa emergency room. May ilang mga doktor at nurses munang sumuri sa kanya bago nila dineklarang traumatic stress lang ang sanhi ng kanyang pagkahimatay.

"S-saan po ako?" tanong niy sa mga tumingin sa kanyang doktor.

"Nasa ospital ka, hija," saad ng isang nurse, "tinawagan na namin ang iyong guardian kaya magpahinga ka na lang muna dahil maya-maya, may susundo sayo."

"O-okay," halatang kinakabahan pa rin siya.

Nakatayo lang ako sa gilid ng kanyang kama habang pinagmasdan ang kagandahan niya. Ang totoo? May paghihinayang akong nararamdaman ngayon. Pinaabot ko pa kasi ng tatlong buwan bago ko naisipang i-stalk ang kanyang real account. Kung alam ko lang na ganito kaganda, sexy at appealing ang online girlfriend slash asawa sa clash of clan, sana gumawa ako ng paraan para totohanin to. Tsk! Nakascore pa sana ako bago ako namatay.

Pero ika nga nila, nasa huli ang pagsisisi. Kawawa din naman ang babaeng ito dahil mamamatay na lang siyang hindi ako natitikman. Gusto kong tumawa sa naisip ko ngunit nagtaka din ako dahil sa kakaibang kilos niya.

Status: In a Relationship with a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon