*Yumi*
Tahimik akong nakahiga katabi si Xavier. Akala ko hindi ko na siya makikita pa, pero naging mabait ang tadhana dahil hindi pa siya tuluyang inilayo sa akin. Bago nangyari ang sandaling paglaho ni Xavier kanina, buo na ang isip ko. Kung sakaling si Garnet ang pipiliin ng lolo ni Xavier, aalis ako na hindi kasama si Xavier. Naisip ko na ito lang ang maaaring paraan ko upang makapagsimula muli. Ngunit pagkatapos nangyari ang sandaling paglaho ni Xavier kanina, na-realize ko na hindi pa pala ako handing lumayo.
Hindi ko kailangang magkaroon ng anak ni Xavier upang maipagpatuloy ang aking nararamdamang pagmamahal para sa kanya. Sapat na ang mahal ko siya at mahal niya ako. Garnet can bear his child, but I will be the one that Xavier will love until the end of his day here on earth.
"Ano ang iniisip mo?" tanong ni Xavier.
Lumingon ako sa kanya saka ngumiti bago magsalita, "iniisip ko kung paano nating magawang masaya ang nalalabi mong araw dito sa mundo."
"May naisip ka na bang mga gagawin natin?" nakangiti niyang tanong.
"Napasaya moa ko noong nag-date tayo. Gusto ko, ikaw naman ang pasasayahin ko," saad ko saka nagpatuloy, "ano ba ang pwede kong gawin para sumaya ka?"
"Maghubad ka saka magmasterbate sa harap ko," agad niyang sagot.
"Ano!?" napabangon ako sa gulat habang hindi tumawa ng malakas si Xavier.
"Ang manyak mo!" galit kong saad.
Tumatawa pa rin siya habang sinasabing, "ang cute talaga magalit nitong maganda kong aswang na girlfriend."
"Napakakulit din naman kasi nitong gwapo kong tikbalang na boyfriend," pabiro ko namang sagot.
"Makasama lang kita, sapat na sa akin," bigla siyang sumeryoso.
Bumuntong hininga ako saka sinabing, "sana magkasama tayo habambuhay."
*Xavier*
Hindi ko alam kung paano ko mapapagaan ang nararamdaman ni Yumi. Tulad niya, hiniling ko rin na sana makasama ko siya ng mas matagal, pero alam kong impossible ang gusto naming. Hindi naming hawak ang tadhana. Sa susunod na maglaho ako, maaaring hindi na ako makabalik.
Nakatulog na si Yumi pero may nais akong gawin para sa kanya. Ayoko siyang maging malungkot kapag wala na ako kaya naisip ko na gumawa ng love letters. Balak kong i-schedule ang pagpapadala ng mga liham na ito, isang liham sa bawat buwan.
At para mas maramdaman niya ang pagmamahal ko, gumamit ako ng tablet at stylus pen. I want her to read my letter through my handwriting.
Ibinuhos ko sa liham ang lahat na nararamdaman kong pagmamahal sa kanya. I even told her all my wishful thinkings, mga bagay na gusto ko sanang magawa naming magkasama. Sinabi ko rin na kung sakaling makahanap siya ng ibang mamahalin, maiintindihan ko. I want her to be happy. I want her to have a normal life. I want her to live her life to the fullest, isang bagay na hindi ko nagawa kasama siya.
Tinapos ko ang lihim sa pamamagitan ng paglagda gamit ang codename ko – Eros.
_____________________________
Tulad ng mga nakaraang araw, magkasama ang lahat sa hapagkainan upang mag-almusal. Nag-uusap sina lolo at Yumi, nagtapunan naman ng makahulugang titig sina Mommy at Daddy, habang ang kawawang si Tita Aubrey ay abala sa pag-uutos sa mga katulong upang maihanda ang almusal.
"Papa," masayang sabat ni Mommy sa pag-uusap nina Yumi at lolo saka nagpatuloy, "dumating na ang panauhing sinasabi kong dapat mong makilala."
"May schedule ako sa doctor ngayon," matabang na sagot ni lolo.
BINABASA MO ANG
Status: In a Relationship with a Ghost
FantastikMagugulantang ang buhay ni YUMI TANJUATCO nang magbalik ang kanyang online boyfriend at magpakita sa kanya. Isang taon matapos ang nangyaring pagkabaril ng kanyang online-never-been-seen boyfriend sa DUMMY WORLD ay nagbalik ito upang himingi sa kany...