*Yumi's POV*
Nagising ako dahil tumama sa aking mukha ang sikat ng araw. Hindi ko namalayang nakatulog ako habang nag-stargazing kagabi kaya agad akong bumangon.
"Bakit hindi mo ako ginising!" pagmamadali ko.
"Bakit? Ano bang problema?" patanong na sagot ni Xavier, "itinext ko ang tiyahin mo kagabi. Sinabi ko sa kanya na may tinatapos kang project kaya hindi ka makakauwi."
"Hindi ako ganyan, Xavier," sagot ko, "hindi ako nagpapalipas ng gabi sa ibang lugar na hindi personal na nagpapaalam kay tiyang."
"S-sorry," mahina niyang sagot.
"Hayaan na, tawagan mo na lang 'yung grab para makabilis akong makauwi," saad ko habang tumungo sa banyo upang ayusin ang sarili.
"Hindi ka ba magbrebreakfast? May pinahanda akong breakfast para sa'yo," malambing na tanong ni Xavier.
Haist! He stood behind me and gave me that cute childish look, how can I resist him?
"Sige na nga," sagot ko, "pero promise ha, uuwi na ako after ng breakfast."
"Promise!" itinaas niya ang kanyang kanang kamay.
Ako lang naman ang kumakain ng almusal kaya binilisan ko ang pag-ubos ng pinahanda ni Xavier. Tulad ng napagkasunduan namin, ipapahatid niya ako kaagad.
Kahit kakaiba itong unang date na karanasan ko, nakakasiguro naman akong habang buhay ko itong papahalagahan dahil alam kong darating ang panahong mananatili na lang itong alaala na hindi ko na kayang balikan.
Tahimik akong nakasakay sa sasakyang inarkila ni Xavier nang mapansin kong maraming taong nakapaligid sa boarding house ng tiyahin ko.
Mabilis akong bumaba ng sasakyan at kinakabahang tiningnan kung bakit maraming taong gusto maki-usisa sa tinitirhan ko. Tatlong magagarbong sasakyan ang naka-parke sa harap ng boarding house at may ilang private body guards ang nakatayo sa mismong entrance ng bahay namin.
"Anong meron?" mahina kong tanong sa sarili pero napalingon ako nang marinig ko ang mahinang sambit ni Xavier, "s-si lolo."
Agad akong kinabahan nang marinig ko sa kanya kung sino ang possibleng panauhin sa amin. Mabilis akong pumasok sa bahay at agad kong nakita na may kausap si tiyang sa salas.
"Yumi," kinakabahang saad ni tiyang nang makita ako, "m-may naghahanap sa'yo."
Dahan-dahan at tahimik akong naglakad patungo sa upuang nasa harap ng lolo ni Xavier. Tumabi si Xavier sa akin na parang kinakabahan din sa presensya ng kanyang lolo.
"Naparito kami dahil nadetect ng system ng banko na ginamit ang credit card ni Xavier. Na-track namin na ang mga transaksyong ito ay nagmula sa bahay na ito," saad ng katabing lalaki ng matanda.
"Ikaw si Yumi Tanjuatco?" tanong ng matanda.
"O-opo," sagot ko.
"Ikaw ba 'yung girlfriend ni Xavier?" tanong ulit ng matanda.
Ilang minuto akong natahimik dahil natatakot akpng sumagot.
"Sabihin mo na girlfriend kita," utos ni Xavier.
"A-ako nga po," sambit ko.
"I see," humilig ang matanda sa sandalan ng sofa saka tinignan ako na para bang sinisiyasat ang bawat parte ng mukha't katawan ko, "tama ang sinabi ng apo ko. Maganda ka at siguradong magugustohan kita para sa kanya."
Bahagya akong ngumiti sa matanda pero dahil sa sobrang hiya ay agad akong tumungo.
"Hija, hindi na ako magpaligoy-ligoy pa," muling panimula ng matanda, "nandito ako upang maipagkasunduan sa'yo."

BINABASA MO ANG
Status: In a Relationship with a Ghost
FantasyMagugulantang ang buhay ni YUMI TANJUATCO nang magbalik ang kanyang online boyfriend at magpakita sa kanya. Isang taon matapos ang nangyaring pagkabaril ng kanyang online-never-been-seen boyfriend sa DUMMY WORLD ay nagbalik ito upang himingi sa kany...