Chapter 4

3.5K 119 12
                                    


*Xavier's POV*

Buong araw akong hindi pinapansin ni Yumi sa dahilang napagkamalan siyang baliw dahil sa akin. Pero ano ang magagawa ko? I am just a helpless, good for nothing ghost. Ni hindi ko nga matulongan ang kapatid ko, ang iwasan pa kayang mapagkamalang baliw si Yumi.

"Yumi," sinubukan ko ulit siyang suyuin pero tulad ng inaasahan ko, deadma lang ako sa kanya, "para matapos na ang lahat, tulongan mo na lang ako. I just need you to contact sarhento Valderama."

Sandali siyang tumingin sa akin pero nakakapangilabot ang tingin niya. Para siyang isang aswang na nangangain ng multo. Hindi naman siya pangit na aswang. Siya ata ang pinakamagandang aswang sa balat ng lupa. Kung nabubuhay pa siguro ako ngayon, siya siguro ang naipakilala kong girlfriend kay lolo. Kapag nangyari 'yun, tiyak na ipipilit ni lolo na ipakasal kami kaagad at kapag nangyari 'yun, siguradong nabuntis ko kaagad ang aswang na 'to.

"Aswang este, Yumi, hindi ka naman mapagkamalang baliw kung hindi ka nakikipagbanghayan sa akin," saad ko.

"Hoy multo na mukhang tikbalang, lubayan mo ako!" galit niyang sambit, "may pasok na ako bukas at marami akong kailangang aralin."

"S-sige," napatayo ako ng tuwid, "hihintayin ko na lang na matapos ka sa pag-aaral."

Isa, dalawa, tatlong oras ang lumipas. Nakaramdam ako ng antok. Hindi pa rin natapos sa pag-aaral sa Yumi at tila dinuduyan naman ako ng katahimikan ng paligid.

_____________________

"Estas, DURA! DURA! Dura, dura, dura!" napabangon ako nang biglang tumunog ang malakas na musikang gawa ni Daddy Yankee.

Alas sais na pala ng umaga at nakita kong nagbibihis na si Yumi. Maswerteng talaga ako dahil libre kong natatanaw ang makikinis niyang mala-Song Ji Hyong legs habang nilalagyan niya ang mga ito ng lotion. Di naman ako nabibitin sa mala-K-idol niyang balingkinitang katawan. She is the perfect millenial woman, astig at palaban pero babaeng babae – my perfect kind of wife.

"Ahem!" narinig ko ang pagtikhim niya kaya napatingin ako sa mga mata niya.

Ayan na naman ang mala-aswang niyang tingin sa akin. Seriously? Ganyan ba ako ka-yummy para titigin niya ako ng ganyan. Para talaga siyang aswang na nangangain ng multo eh.

"Pwede ba? Alam kong kayang-kaya mo akong silipan pero huwag ka naman masyadong obvious!" saad niya.

"Umaasa kang ikaw ang tinitignan ko?" tumawa ako ng malakas, "for your information, marami na akong nakikitang nakahubad na ba –"

Hindi ko natuloy ang dapat kong sabihin dahil agad niyang tinanggal ang nakatapis niyang tuwalya kaya tumambad sa akin ang kanyang nakakasinag na kagandahan.

"You were saying?" may halong pangungutniya niyang saad habang nakapamaywang.

"Ah-eh- s-sa-sabi ko," langya! Ba't di ko madirecho ang pananalita ko?

"Ang sabihin mo, manyak ka talagang multo ka!" saad niya saka walang alintanang nagsuot ng blusa.

Agad akong napatalikod dahil may naramdaman akong kakaiba. Agad kong chineck si junior. Lang'ya! Sa isang taong naging multo ako, ngayon ko lang nalamang tinatayuan rin pala ang multo.

"Ano 'yang tinitignan mo?" napaigtad ako nang maramdamang nasa likod ko na pala si Yumi.

"W-wala! Ikaw, ba't ang lapit-lapit mo sa'kin?" agad kong sagot sa tanong niya.

"Papasok na ako," nagkibit balikat siya, iIiwanan ko ang laptop para may pagkakaabalahan ka naman dito," saad niya saka binuksan ang pinto.

"'Di na," agad akong sumunod sa kanya, "sasama ako sa'yo."

Status: In a Relationship with a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon