Chapter 10

4.7K 138 64
                                    

AN:  May binago ko sa Chapter 9 (as of March 3, 2019). Sa mga nakapagbasa nito bago ko ito binago, mas mabuting basahin niyo muna ulit ang update ng Chapter 9. 

*Yumi's POV*

"N-natatakot ako," saad ko kay Xavier, "paano kung malaman ng Yamano-Kai na ako ang may hawak ng password ng external harddrive? Paano kung ipapasalvage ako o kaya gawing bihag ang tiyahin ko?"

"Don't worry, hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa'yo," sagot ni Xavier, "pero kailangan mong sabihin kay Vyn ang tungkol sa katauhan ni Semira."

"Paano kung ayaw niyang maniwala?" pag-aalala ko, "sa kilos ni Vyn, halatang hulog na hulog siya sa bitag ng kalaban. Hindi maipagkakailang napaibig siya kay Semira."

Sandaling natahimik si Xavier na mukhang nag-iisip, "mukhang alam ko na kung ano ang dapat mong gawin."

"Ano?" tanong ko.

"Buksan mo ang files para si Valderama na mismo ang makakatuklas sa tunay na pagkatao ni Semira," suhestiyon niya, "at para hindi ma-trace ang pagbubukas mo sa files, sabihin mong doon sa mismong condo ko kayo magtatrabaho."

Ginawa ko ang suhestiyon ni Xavie at dahil hindi ko alam kung saan ang condo niya, hinihintay ko ang ibibigay na direksyon ni Xavier bago ko ito binibigay kay sarhento.

"Kung hindi dahil sa nabalitaan kong nahanap ka ng lolo ni X, paniguradong hindi ko malalaman ang kinaroroonan mo," saad ni Vyn.

"Paano nga pala ako natunton ng lolo ni Xavier?" tanong ko.

"Matagal nang palaisipan sa amin kung sino ang nobya ni Xavier," kwento ni sarhento, "walang nakakakilala sa'yo pero dahil ginamit mo ang credit card ni Xavier, nagkaroon kami ng lead kung saan ka hahanapin. 'Yun na din ang naging basehan ko upang isiping ikaw lang din ang nakakaalam sa password ni X."

Hindi na ako nakasagot sa kanya dahil napansin kong narating na namin ang presinto. Sumama ako kay sarhento patungo sa opisina niya at doon ko binuksan ang mga files ng Yamano-Kai gamit ang log-in details ng account ni Xavier.

Tahimik kong pinanood si sarhento habang iniisa-isa niyang tinignan ang files.

"Masyadong marami ang files na ito, hindi ko ito mababasa lahat ngayon," saad ni sarhento, "naiintindihan kong iniingatan ni X ang mga files na ito, pero kailangan ko ang mga ito upang tuklasin ang mga sekreto ng Yamano-Kai."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya napatingin ako kay Xavier.

"Delikado," saad ni Xavier, "hangga't may ugnayan siya kay Semira, hindi magiging ligtas ang mga impormasyong nasa files."

"Delikado," saad ko kay sarhento, "walang kasigurohang mananatiling sekreto ang mga impormasyong nasa files."

Bumontong hininga ang pulis saka muling nagsalita, "matagal ko nang gustong sugpuin ang Yamano-Kai. Alam ni X kung gaano ko kagustong buwagin ang samahang ito. Makakaasa kang iingatan ko ang mga impormasyong ito."

"Huwag kang pumayag," utos ni Xavier.

"M-may mga nakapaligid sa'yong hindi pinagkakatiwalaan ni Xavier," sagot ko.

"Sino?" tanong ng pulis.

"Si Semira," agad kong sagot.

"Si Semira? Paano mo nasabi? Hindi nakilala ni X si Semira kaya bakit mo nasabing hindi siya pinagkakatiwalaan ni X?"

"Sabihin mo sa kanya ang totoo," utos ni Xavier na siyang dahilan ng paglingon ko sa kanya.

"Sabihin mong nakikita mo ang multo ko," pagpapatuloy ni Xavier.

Status: In a Relationship with a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon