*Xavier's POV*
"Saan ba tayo pupunta?" saad ni Yumi habang hinihila ko siya palabas ng mansyon.
Hindi ko siya sinagot dahil ang totoo, wala naman talaga akong balak umalis ng bahay. I just can't stay there with Garnet and mommy around. Ewan ko ba, after eight years of waiting for Garnet, dapat masaya ako na nandito na siya. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit parang mas gusto kong takasan ang ideyang dapat siya ang piliin kong pakasalan dahil may anak kami at responsibilidad ko yun.
"Hoy tikbalang! Hindi porke't pumayag ako na magpanggap na giance mo ay basta-basta mo lang akong hihilahin at dalhin sa kung saan mo gusto," napatigil ako sa pagtataray nitong si Yumi.
I admit, I find her very amusing. Ang sarap niyang galitin, sa bilis niyang magsalita, para siyang aswang na gusto akong kainin.
"Miss Aswang, baka nakalimutan mong parte ng pagpapanggap mo ang kunwaring paghandaan ang kasal natin," saad ko sa kanya.
"A-aswang? Na-naalala mon a?" mukha siyang nagulat.
"Anong naalala?" tanong ko.
"Naalala mo na ba na aswang ang tawag mo sa akin?"tanong niya.
"Ano 'yang pinagsasabi mo?" kunot noo kong tanong.
"Noong multo ka pa, aswang ang tawag mo sa akin,"saad niya.
"Pwede ba? Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo," saad ko saka binuksan ang pinto ng aking sasakyan, "pumasok ka na."
Padabog siyang pumasok sa sasakyan saka ko ito isinarado.
'I admit, ang cute niyang magdabog. Agh! What am I thinking? She is a user, a con-artist, na walang ibang hangad kundi ang makakuha ng yaman sa pamilya namin', naisip saka nagkibit balikat, 'whatever! I can take advantage of this, anyway.'
Yep! Just like what I always do. Yumi will be my flavor of the month now. Ito marahil ang dahilan ko kung bakit mas gusto kong kasama Yumi at iniiwasan ko si Garnet. Since Garnet left, I never went to any serious relationship. I enjoyed being a bachelor. Iba-ibang babae ang nakakasama ko. Some of them are mere one night stand habang 'yung iba naman, umaabot ng isang buwan. But none of them really lasted. As soon as the girl started to become clingy and talks about having future with me, I just simply just drift away.
At pagkatapos ng nangyari, magigising na lang ako na ikakasal na ako? No way! Mabuti na lang nandito si Yumi, she is my perfect escape. Pansamantalang magiging fiancé ko siya para hindi muna ako kukulitin ng lolo ko tungkol sa pagkakaroon ng pamilya. Hahanapin ko pa sa sarili ko ang dating pagmamahal na nararamdaman ko para kay Garnet. Now that Garnet is here, kailangan kong makitang ipaglalaban niya ako.
"Saan ba tayo pupunta?" pangungulit naman ni Yumi.
"Can't you just keep your mouth shut!" saad ko.
"Anong keep my mouth shut? Hoy! Hindi ako manika na basta-basta mo lang dadalhin kung saan mo gustong pumunta," sagot ni Yumi.
"Bakit ba gusto mong malaman kung saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Unang-una, kakatapos lang nating kumain. Wala pa akong ligo, toothbrush at hindi pa ako nakapagbihis," inis na saad ni Yumi.
I looked at her saka natawa.
"Anong nakakatawa?" galit niyang saad.
"Hindi mo man lang pinalitan ang pantulog mo," saad ko.
"Eh bakit ako magpapalit? Kakain lang naman tayo ng almusal. Hindi mo naman sinabing lalabas kaagad tayo," inis niyang saad.
Natatawang napailing na lang ako sa sinabi ni Yumi. Naging kagawian kasi namin sa bahay na nakaligo's nakabihis na ng maayos kapag lumalabas ng kwarto. It was never our practice to roam around the house wearing our pajamas.
BINABASA MO ANG
Status: In a Relationship with a Ghost
FantasyMagugulantang ang buhay ni YUMI TANJUATCO nang magbalik ang kanyang online boyfriend at magpakita sa kanya. Isang taon matapos ang nangyaring pagkabaril ng kanyang online-never-been-seen boyfriend sa DUMMY WORLD ay nagbalik ito upang himingi sa kany...