*Yumi*
Wala akong mapaglagyan sa galak na nararamdaman ko ngayong nalaman kong buhay si Xavier. Agad akong lumapit upang yakapin siya. Hindi ko lubos maisip na darating araw na ito, ang araw na mayakap ko si Xavier.
"Dahan-dahan lang hija, baka masaktan si Xavier," natatawang saad ng lolo ni Xavier.
"S-sorry," saad ko habang hindi mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha, "a-akala ko kasi –"
"Pasensya ka na kung hindi ko kaagad sinabi sa'yo na buhay si Xavier," agad na paliwanag ni lolo, "ang totoo niyan, itinago naming ang katotohanan sa takot na baka balikan siya ng mga taong nagtangkang patayin siya. Ngunit sa tagal na nasa comma siya, nawalan ako ng tiwala sa mga doctor at natakot na baka mawala ang kaisa-isa kong kadugong apo. Kaya ko naisip na makipagkasundo sa'yo upang ipagbuntis mo ang anak ninyo ni Xavier."
"Lolo, hindi na kailangan," agad na sumabat si Xavier saka pabirong sinabing, "nandito na ako. Kayang-kaya kong buntisin si Yumi."
Hindi talaga siya nagbago, kahit ngayong hindi na siya multo, manyak pa rin! Pero aaminin kong naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi kaya agad akong napayuko dahil ayokong makita ni Xavier ang pamumula ng mukha ko.
"Talaga? Bibigyan niyo ako ng apo?" excited na tanong ni lolo.
"Pumayag na si Yumi, 'di ba?" nakangiting tumingin si Xavier sa akin saka nagpatuloy, "hindi rin naman ako papayag na hahayaang buntisin si Yumi ng isang catheter lang. Mas maganda 'yung pareho naming ma-eenjoy ang paggagawa ng baby."
"Loko ka," mahina kong pinalo si Xavier sa braso pero agad akong nataranta nang biglang napa-aray siya.
"S-sorry-sorry," agad kong saad.
Magsasalita sana si Xavier pero biglang bumukas ang pinto at bumungad si tita Prescilla kasama si Garnet.
"Papa, pasensya kung ngayon lang kami nakaabot dito. May dinaanan lang si Garnet sa sasakyan kaya nahuli kami sa pagdating," saad ni tita Prescilla.
Kinabahan ako nang mapansing napa-upo ng tuwid si Xavier habang nakatingin kay Garnet. Hindi ko alam pero nararamdaman ko na kakaiba ang tingin ni Xavier kay Garnet. Hindi ito gulat, kundi tingin ng pangungulila.
"Bakit ka nagbalik?" mahinahon pero halatang pinipigilan ni Xavier ang panginginig ng kanyang boses.
"Anak, ako ang nagdala sa kanya dito," sabat ni tita Prescilla.
"Hindi ikaw ang gusto kong sumagot sa tanong ko," mariing saad ni Xavier na hindi tinanggal ang tingin kay Garnet.
"X-xavier," tanging sambit ni Garnet dahil napaluha ito.
"Okay na ang buhay ko nang umalis ka. Bakit ka pa nagbalik?" sa pagkakataong ito, may halong galit na ang boses ni Xavier.
Hindi naman ako mapakali sa gilid ng kama dahil pakiramdam ko isa lang akong sampid sa eksenang ito.
"Xavier may kailangan kang malaman," saad ni Garnet.
"Kung anuman ang nais mong sabihin, bilisan mo dahil may pag-uusapan pa kami ng future wife ko," saad ni Xavier habang tumalon naman ang puso ko nang hawakan niya ang kamay ko.
"Xavier, huwag kang padalos-dalos. Mag-usap muna kayo ni Garnet bago ka magdesisyong pakasalan 'yang babaeng 'yan," sabat ni tita Prescilla.
"'Di ba padalos-dalos ka ring nagdesisyon noon?" saad ni Xavier habang umiwas ng tingin kay Garnet saka nagpatuloy, "Umalis ka na hindi ako kinausap. Bakit pa kita kakausapin ngayon?"

BINABASA MO ANG
Status: In a Relationship with a Ghost
FantasyMagugulantang ang buhay ni YUMI TANJUATCO nang magbalik ang kanyang online boyfriend at magpakita sa kanya. Isang taon matapos ang nangyaring pagkabaril ng kanyang online-never-been-seen boyfriend sa DUMMY WORLD ay nagbalik ito upang himingi sa kany...