*Xavier's POV*
Lalo akong nagduda kay Yumi nang banggitin niya ang Amano-Kai, pero nagtaka din ako nang banggitin niya si kuya Wayde. Walang nakapagsabi sa akin tungkol sa nangyari kay kuya Wayde, marahil dahil nakatutok ang lahat sa paggising ko.
Hindi rin kami nakapag-usap ni Vyn kaya naisipan kong tawagan siya.
"Hello?" agad na sagot ni Vyn sa tawag ko.
"Vyn, si X 'to," saad ko.
"X? Naku pasensya ka na. Hindi kita nabisita dahil may inaasikaso ako," saad ni Vyn.
"Oo nga. Ano ba ang pinagkakaabalahan mo?" tanong ko.
"Nakita ko na si Chyler, pare. Salamat din sa tulong mo dahil nasugpo na rin namin ang Amano-kai at natunton ang lahat na may ugnayan sa sindikato," pagsisiwalat ni Vyn.
"Masaya ako para sa'yo, pare. Pero may gusto sana akong itanong sa'yo," saad ko saka nagpatuloy, "ano ang alam mo sa nangyari kay kuya Wayde?"
"Kasalukuyang tinatapos ni Abo ang report niya tungkol sa kaso ng kuya mo," saad ni Vyn.
"B-bakit? Ano ang kaso niya?" tanong ko.
"Oo nga pala," narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Vyn saka nagpatuloy, "nakalimutan kong na-comma ka pala ng mahigit isang taon. Para lang kasing nandito ka dahil kay Yumi."
"Ano ang ibig mong sabihin?" kunot noo kong tanong.
"Wala ka bang naalala sa mga nakalipas na buwan?" tanong ni Vyn.
"I was asleep for more than a year, ano ba ang dapat kong maalala?" tanong ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Vyn saka nagsalita, "ang totoo, ayoko sanang maniwala. Pero pinatunayan ni Yumi na totoong kasama ka niya noong mga panahong tumutulong si Yumi sa pagtuklas namin tungkol sa Amano-kai."
Hindi ako nakapagsalita sa narinig ko dahil ang ibig sabihin nito ay totoo lahat ang mga sinabi ni Yumi sa akin.
"Makikibalita ako kay Abo tungkol sa development sa kaso ng kuya mo. Tatawagan na lang kita kapag hawak ko na ang report. Don't worry, pare. Napatunayan nang hindi kasama ng Amano-Kai ang kuya mo at hindi siya sangkot sa nangyaring pagkakabaril sa'yo. He was just framed," saad ni Vyn.
Tinapos ko na ang pag-uusap namin saka napaisip. Bakit naisipan ng Amano-Kai na i-frame si kuya Wayde?
Maraming tanong ang nabuo sa isip ko ngunit naputol ang aking pag-iisip nang lumabas sa banyo si Yumi. Tumingin ako sa kanya saka nakiramdam. Pinilit kong damhin ang sinasabi ni Yumi na pagmamahal ko sa kanya, pero putcha! Libog ang nararamdaman ko nang tinignan ko ang kabuohan niya.
Suot na niya ang binili kong damit. Hindi man ito kasing revealing sa mga damit na binibili ko sa mga babaeng balak kong paglaruan, lumilitaw pa rin ang kaseksihan at kagandahan niya. Naglalaro ang mga imahinasyon ko sa kung paano ko siya huhubaran. I mean, don't get me wrong. Pumirma siya na ipagbubuntis niya ang magiging anak ko. Pwedeng-pwede kong singilin ang kasunduang 'yun ngayon.
"Ano ang tinitingin mo?" pagtataray niya sa akin.
"Asa kang tinitignan kita. Bigla ka kasing lumabas ng banyo kaya ako napatingin sa gawi mo," pagrarason ko.
"Sabihin mo na ang gusto mo, pero dahil wala ka naman naisip na pupuntahan natin ngayon, pwede bang dumaan na lang muna tayo sa university?" saad niya.
"Ano naman ang gagawin natin doon?" tanong ko.
"Nagmessage kasi ang guidance office, kailangan ko daw mag-file ng leave of absence sa university kung balak kong huminto ng isang taon," sagot niya.

BINABASA MO ANG
Status: In a Relationship with a Ghost
FantasyMagugulantang ang buhay ni YUMI TANJUATCO nang magbalik ang kanyang online boyfriend at magpakita sa kanya. Isang taon matapos ang nangyaring pagkabaril ng kanyang online-never-been-seen boyfriend sa DUMMY WORLD ay nagbalik ito upang himingi sa kany...