Chapter 1

8.1K 287 18
                                    


*Xavier's POV*

Tamlay akong bumangon mula sa pagkakahiga nang pumasok si Whitney, ang katulong na siyang nakatalagang maglilinis ng kwarto ko araw-araw. Hinayaan ko na lang siyang gawin ang trabaho niya. Wala kasi ako sa mood ngayon na biruin siya dahil natalo na naman ang guild namin sa guild wars kagabi.

"Good morning," agad kong bati sa ama kong seryosong nagbabasa ng diyaryo habang abala naman sa telepono si tita Aubrey.

"Morning!" sumunod na bumati si kuya na halatang handa na para pumasok sa trabaho.

"Good morning," sabay-sabay na bumati sina dad at tita Aubrey sa kanya.

Sanay na ako na si kuya lang ang pinapansin nila kaya tahimik na lang akong umupo.

"Nga pala, hon," basag ni dad sa katahimikan, "may out of town meeting ako bukas."

"Saan ang punta mo?" tanong ni tita.

"Sa bago niyang kirida," mahina kong bulong sa sarili. Narinig ko kasing kausap niya ang bagong kirida niya kagabi. Nagsawa na siya kay Joyce kaya yung Asunta na naman na isa sa mga bagong empleyado ng kompanya.

"Excuse me, sir," sabat ng katulong, "may bisita po."

"Xavier!" nabigla ako nang tawagin ako ng bagong dating na bisita.

"J-JB?" tanging nasambit ko.

"Ako nga pare," magiliw nitong saad.

"A-ano? P-paano?" nagugulohan akong sumunod sa kanya sa music room kung saan kami madalas tumatambay sa tuwing bumibisita siya dito.

"Huwag ka ngang drama!" biro ng kaibigan ko, "alam kong namiss mo ako kaso hindi ako pwedeng magtagal dito. Kailangan ko pa kasing maglakbay."

"How dare you do this to my SON?!"

Magtatanong pa sana ako kay JB ngunit napalingon ako sa salas kung saan nakita kong hinigit ni dad ang kuwelyo ni kuya.

"D-dad," halatang gulat na saad ni kuya Wayde.

"Don't you dare call me dad!"

"Harris! Ano ba ang nangyayari sayo?" natarantang sigaw ni tita Aubrey kaya hindi ko napigilan ang sariling puntahan sila.

"Bakit hindi mo tanungin ang anak mo?" puno ng galit na saad ni dad habang pinaghiwalay na sila ni kuya ng mga taong hindi ko kilala.

"Wayde?" nagugulohang tumingin si tita Aubrey kay kuya na halata ring walang ideya sa mga nangyari.

"Mrs. Vanhallen," nagsalita ang isa sa mga panauhin, "hinuhuli po namin si Wayde Vanhallen bilang suspek sa isang murder."

"Ano?!" sabay-sabay kami ni tita Aubrey at kuya Wayde na napatanong. Sinong pinatay at bakit si kuya ang naging murdered?

"Yan sana ang sasabihin ko sayo," napalingon ako sa kaibigan ko na ngayon ay nakatayo sa tabi ko.

"Pare," malungkot niyang saad, "kaya kita nakakausap ay dahil pareho na tayo."

Hindi ako makapagsalita sa sobrang gulat.

"Nagpunta ang Yamano-Kai sa condo ko kagabi," paliwanag ng kaibigan, "sinabi nila sa akin na ililigpit nila lahat na posibleng pagbibigyan mo ng impormasyon tungkol sa grupo nila," agad akong kinabahan sa sinabi ng kaibigan ko, "at ganun na nga ang nangyari. They killed me, pare."

"And what does that have to do with my brother being arrested?" tanong ko.

Biologically, kuya Wayde is not my brother pero we grew up like one. Si kuya Wayde ang tagapagtanggol ko. While I was that nerdy fourth grade geek, si kuya naman ang sikat na captain ng basketball varsity team ng school namin saka presidente ng student council. Ang dahilan kung bakit hindi ako nabubully kahit makapal ang eye glasses ko ay dahil mananagot sa kanya ang sinumang mananakit sa akin.

Status: In a Relationship with a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon