*Yumi*
Maaga akong nagising dahil nanibago ako sa hinigaan kong kama. Komportable naman ang kama, nanibago lang ako dahil sa hindi ako sanay sa sobrang kalambutan nito. Ginamit ko na rin ang pagkakataong ito na pagmasdan ang natutulog pang si Xavier. Marahil ay namiss niya ang ganitong klaseng buhay dahil madalas, siya ang nauunang gumising sa aming dalawa.
Ayoko sana siyang gisingin ngunit may mahinang kumatok sa pinto ng silid ko sabay tawag ng pangalan ko, "Miss Yumi?"
Agad kong ipinikit ang aking mga mata upang hindi mahalata ni Xavier na kanina ko pa siya tinitigan. Kahit boyfriend ko na ang multong ito, nahihiya pa rin akong malaman niyang tinititigan ko siya na hindi niya alam.
"Yumi, gumising ka na," saad ni Xavier kaya nagkunwari akong kakagising lang.
"Miss Yumi?" tawag ng katulong habang binubuksan ang pinto, "pinapatawag na po kayo ni Senior Vanhallen upang sumabay mag-almusal kasama sina Sir Hector at Ma'am Aubrey."
"Susunod ako," sagot ko habang bumangon.
"Pasensya ka na," saad ni Xavier, "minsan maypagka-controlling si lolo, but I am sure ngayon lang 'to dahil bago ka pa lang dito. Pagkalipas ng ilang linggo, kanya-kanya ulit ang lahat."
"Okay lang," saad ko habang nag-aayos sa sarili, "gusto ko rin namang makasabay sina tita Aubrey sa almusal."
"Oh by the way," pinigilan ako ni Xavier na lumabas ng silid, "naalala ko na ngayon darating si mommy. I must warn you. She can be bitchy for a while pero magbabago rin ang pakikitungo niya sa'yo lalo na kapag Makita niyang nagustohan ka ni lolo. Sipsip kasi 'yun kay lolo kaya as much as possible, hindi niya kinakalaban ang mga gusto ni lolo."
"Don't worry about me," ningitian ko si Xavier, "I can take care of myself."
Agad akong tumungo sa dining area pagkatapos kong mag-ayos. Nasa hapagkainan na sina lolo, tita Aubrey at tito Hector. Magkatabi sina tita Aubrey at tito Hector kaya naisip kong ang bakanteng upuan sa kanilang harap ang siyang magiging pwesto ko.
"Kumusta ang tulog mo, hija?" tanong ni lolo sa akin.
"Okay naman po," agad kong sagot.
"Mabuti naman," nakingiting tumango si lolo saka nagpatuloy, "kung may mga kailangan ka, sabihin mo lang kay Halina, siya ang itinalaga kong personal assistant mo. Hindi ka kasi pwedeng lumabas ng bahay kaya si Halina na ang bahalang bumili ng lahat na kakailanganin mo."
Tumango lang ako bilang sagot. Naiintindihan ko kung bakit ganito ka-protective si lolo. Ipinaubaya kasa sa kanya ang kaligtasan ko kaya sinisiguro din niyang hindi ako mapahamak.
Sandaling natahimik ang lahat habang kumakain pero may biglang dumating saka magiliw na bumati ng, "Good morning!"
"Prescilla!" natutuwang tawag ni lolo sa bagong dating, "hindi ko alam na ganito pala ka-aga ang dating mo. Sana nagpasabi ka para naipasundo kita."
"That's okay, papa. May dinaanan din naman ako kaya hindi na kita inabala," sagot ng mommy ni Xavier saka lumapit kay lolo upang makipag-beso-beso.
Masyadong sopistikada at napaka-fashionista ang mommy ni Xavier. Kung hindi ko lang alam na mommy siya ni Xavier, iisipin kong isa siyang dalaga na nasa late 20's. Sa ganda niya, napapaisip ako kung bakit hindi siya ang nagustohan ni tito Hector.
Hindi naman pangit si tita Aubrey dahil tita Aubrey has her own class. Marahil ay nabaling ang kanyang atensyon sa pag-aalaga niya sa kanyang anak at asawa kaya hindi niya masyadong naalagaan ang sarili.

BINABASA MO ANG
Status: In a Relationship with a Ghost
FantasyMagugulantang ang buhay ni YUMI TANJUATCO nang magbalik ang kanyang online boyfriend at magpakita sa kanya. Isang taon matapos ang nangyaring pagkabaril ng kanyang online-never-been-seen boyfriend sa DUMMY WORLD ay nagbalik ito upang himingi sa kany...