Chapter 6

3.4K 129 14
                                    

*Xavier's POV*

Magdamag akong hindi makatulog dahil sa ginawang pagbago ni Yumi sa relationship status namin. Hindi ko inasahan ang ginawa niya, lalo pa noong sinabi niyang kasal kami. We both know that our online wedding was just for fun. And yes, kinukulit ko siya noon dahil napansin kong ayaw niya itong pag-usapan. But things changed now. Siya mismo ang nagpalit ng aming relationship status at dinahilan niya ang pagiging mag-asawa namin online.

Nanatili akong tahimik habang naghahanda siya para pumasok. Hindi ko pa rin maipaliwanag ang mabilis na tibok ng puso ko sa tuwing napapalapit ako sa kanya. First time ko ring nakaramdam ng kaba ngayong nais kong pag-usapan ang ginawa niyang pagbago ng relationship status namin.

"Y-yumi," nauutal kong tawag sa kanya.

"Hmm?" sagot niya na hindi lumingon sa akin.

"Bakit mo naisipang palitan ang relationship status natin sa facebook?" naglakas loob akong magtanong.

"Sabihin mo muna kung bakit nagbago ang pakikitungo mo sa akin," hamon niya.

Hindi ko masabi sa kanya ang dahilan. How can I explain to her that my heart started beating? Paano ko maipapaliwanag ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa tuwing napapalapit ako sa kanya? I am not naive not to know why I am being like this. I like her but how can I tell her that?

"Okay," inis siyang humarap sa akin, "hangga't hindi mo sasabihin sa akin kung ano ang problema, hindi rin kita kakausapin," saad niya saka dumirecho sa pinto saka agad na lumabas.

Sinubukan kong habulin siya pero mabilis siyang kumilos at agad na isinara ang pinto. Sa tagal kong naging multo, isa sa mga natuklasan ko ay ang katotohanang hindi totoong nakakalagpas ng pader ang mga multo. Mahigit isang taon na akong laging naghihintay na may magbubukas ng pinto upang makalabas-pasok ako sa isang silid. Hindi ito alam ni Yumi at 'yan ang dahilan ng pagkabahala ko. Paniguradong iisipin niyang umiiwas ako sa kanya kaya hindi ako sumama sa kanyang paaralan.

*Yumi's POV*

Padabog akong umupo sa jeep na minamaneho ni Coco dahil ramdam ko ang pag-iwas ni Xavier sa akin. Dati, makulit siyang sumasama sa akin sa unibersidad. Nakakapanibago dahil hindi man lang siya sumunod upang sumama sa akin.

Lumipas ang buong araw na hindi umaalis sa isip ko si Xavier. Nag-alala ako sa biglang pagbabago niya. Iniisip ko kung ano ang nangyari kahapon na baka maging dahilan ng kanyang pagtatampo. Pilit kong inaalala lahat na nagawa ko dahil baka may isa doon ang hindi niya nagustohan. Napakagat ako ng labi nang bigla kong naisip na baka nagsawa na siyang makasama ako.

"Hoy!" mahinang binangga ako ni Tamara, "kanina pa malalim 'yang iniisip mo. May problema ka ba?"

"Tamara, may itatanong sana ako," bigla kong saad.

"Ano 'yun?" agad na sagot ni Tamara.

"Ganito kasi," bumuntong hininga muna ako bago nagpatuloy, "may naging kaibigan ako. Dati, kinukulit niya ako pero ngayon, bigla siyang nagbago."

"Lalaki ba 'yan?" walang alintanang tanong ni Tamara.

Sinagot ko lang siya ng tango kaya nagpatuloy siya sa pagtatanong, "worried ka dahil nagbago ang pakikitungo niya sa'yo? Namiss mo 'yung dating atensyong binibigay niya sa'yo? Natatakot ka na nagsawa siya sa pangungulit sa'yo at baka nabaling na sa iba ang atensyon niya?"

Tuloy-tuloy ang tanong ni Tamara at lahat ay sinagot ko ng tango.

"OMG, Yumi! In-lab ka sa lalaking 'yun!" excited na napatayo si Tamara na siya namang dahilan upang matulala ako.

Status: In a Relationship with a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon