*Xavier's POV*
Alas diyes na ng gabi nang makauwi ako ng bahay. Galing ako sa bar at nakainum ng konti, pero dahil nanibago ang katawan ko sa alcohol, minabuti kong umuwi bago akon tuluyang malasing. Hindi ako ganito dati. I have a high tolerance for alcohol at palaging inaabot ako ng umaga kapag nagba-bar hopping.
"Saan ka galing?" naabutan ko si Tita Aubrey sa salas.
Sandali niya akong tinignan saka tumingin sa likod ko bago muling nagsalita, "hindi mo kasama si Yumi?"
Napahinto ako sa tanong ni tita. Bakit niya hinahanap sa akin si Yumi?
"Xavier, magkasama kayong umalis ni Yumi kanina. Bakit hindi mo siya kasama ngayon?" lumapit si Tita sa akin.
"Hinatid ko siya kanina sa unibersidad," sagot ko saka umiwas sa kanya.
"Hinatid mo siya pero hindi mo siya sinundo?" hinawakan ni tita ang siko ko kaya napilitan akong harapin siya.
"She's a grown-up woman," tinanggal ko ang pagkahawak niya sa siko ko saka nagpatuloy, "for sure, alam niya kung paano makauwi rito."
"Apparently, she did not come home," may halong inis na saad ni Tita Aubrey.
"Baka umuwi sa kanila," saad ko habang pumihit upang tumungo sa hagdanan.
"Naisip mo ba kung ano ang magiging kahihinatnan ng kapabayaan mong ito?" humarang si tita Aubrey sa daan ko saka nagpatuloy, "kapag malaman ng lolo mo na umuwi si Yumi sa kanila. Iisipin niyang si Garnet ang pinili mo."
Natahimik ako sa sinabi ni Tita Aubrey. Hindi ko naisip na possibleng ganun nga ang mangyayari. What was I thinking? Hindi pa ako handang magpakasal. Hindi ko pa nararamdaman ang dating excitement sa ideyang si Garnet ang makakasama ko habang buhay.
"Gusto mo na bang pakasalan si Garnet, o itutuloy mo ang pagpapanggap niyo ni Yumi para mas makapag-isip ka?" nagulat ako sa tanong ni Tita Aubrey.
Paano niya nalaman ang tungkol sa pangpapanggap namin ni Yumi?
"Nasa coma ka pa lang, inalam ko na ang background ni Yumi," paliwanag ni Tita Aubrey, "pinamamanmanan ko ang bawat kilos niya pati ng kanyang pamilya. That is how I knew that you never had a relationship with her."
"Did lolo know?" tanong ko.
"Hindi ko alam, pero kaya din niyang tuklasin ang mga natuklasan ko," babala ni Tita Aubrey saka nagpatuloy, "so far, nakita kong pinaniniwalaan niya ang pagpapanggap niyo kaya habang hindi pa siya nagdududa, mas mabuti pang i-uwi mo si Yumi ngayon bago pa matuklasan ng lolo mo na wala siya dito."
"Why are you doing this?" nagugulohang tanong ko, "bakit mo piniling suportahan ang pagpapanggap namin ni Yumi kaysa isiwalat ang katotohanan?"
"Ipapaliwanag ko sa'yo balang araw. Ang mahalaga ngayon ay mai-uwi mo dito si Yumi," sagot ni Tita Aubrey.
"Ipaliwanag mo habang sinusundo natin si Yumi," ma-awtoridad kong saad.
"Hindi ako pwedeng umalis," hinila ni tita ang kanyang braso mula sa pagkahawak ko saka siya muling nagsalita, "hindi pa nakauwi si Harold. Baka magalit siya kapag makita niyang wala ako sa silid namin."
Tumingin ako sa silid ni mommy, at tulad ng inaasahan ko, the slightly opened door revealed two people having sex on the wall.
"Kung wala si Yumi sa uinibersidad, marahil ay umuwi siya sa kanila. Hindi ko alam kung saan siya nakatira kaya kailangan mo akong samahan," saad ko saka muling hinila si Tita Aubrey palabas ng bahay.

BINABASA MO ANG
Status: In a Relationship with a Ghost
FantasyMagugulantang ang buhay ni YUMI TANJUATCO nang magbalik ang kanyang online boyfriend at magpakita sa kanya. Isang taon matapos ang nangyaring pagkabaril ng kanyang online-never-been-seen boyfriend sa DUMMY WORLD ay nagbalik ito upang himingi sa kany...