Chapter 5

3.3K 128 9
                                    


*Xavier's POV*

Nagulat ako sa alok ni Yumi dahil hindi ko inaasahan na matapos ko siyang tulongan ay agad niyang itatanong kung paano niya ako matutulongan. Huminga ako ng malalim saka sinabi sa kanya ang kailangan niyang gawin.

"Medyo delikado ang gagawin mong pagtulong sa akin," panimula ko, "pero kailangan mo itong gawin dahil batid kong nakikilala ka na ng kalaban."

"Kalaban?" kunot noo siyang tumingin sa akin, "gangster ka ba? Kaya ka ba pinatay dahil may naka-engkwentro ka?"

Natawa ako sa pagtatanong niya pero agad ko siyang sinagot, "hindi ako gangster pero ang mga taong pumatay sa akin ay mga miyembro ng isang sindikato," paliwanag ko saka sinabing, "pwede na ba akong magpatuloy?"

Sinagot niya ako ng tango kaya agad akong nagpatuloy, "dahil magaling ako sa computers, na-hack ko ang server ng isang secret society na tinatawag na Yamano-Kai. At first, akala ko isang simpleng grupo lang ito hanggang sa nabuksan ko ang kanilang mga sekreto."

Hinintay kong magreact si Yumi pero batid kong naging interesado siya sa mga sinabi ko kaya nagpatuloy ulit ako.

"Lumapit ako sa pulis at maswerteng nakilala ang isang mapagkakatiwalaang pulis, si Dee-vyn Serge Valderama. Siya ang pulis na may hawak sa kaso at dahil namatay ang matalik niyang kaibigan noong nagkaroon sila ng misyon ukol sa sindikatong ito, mas pursigido siyang masugpo ang mga miyembro nito. Nakipagtulongan ako sa kanila. Ako ang tagapagtuklas ng sekreto ng sindikato habang sila naman ang kumikilos upang tigilan ang paglaganap ng kasamaan ng grupo."

"Ang astig naman pala ng buhay mo," sabat ni Yumi, "kaya pala magaling ka sa mga tactics ng game. Bagay pala talaga sa'yo maging leader ng clan."

"Magaling ka rin namang maglaro," puna ko, "daig mo pa ang mga lalaking players kung maglevel-up."

"Anyway, balik tayo sa kwento mo," saad niya, "bakit ka nila pinatay? Nalaman ba nilang hina-hack mo sila?"

"Oo," malungkot kong sagot, "pero nagawa kong ibigay kay Sarhento Valderama ang kompletong files na nakopya ko sa grupo bago nila ako napaslang."

"At kaya mo kailangan ang tulong ko dahil kailangan mong tapusin ang misyon mo," agad niyang saad, "kaya pala sinabi ni Cerise na kaya ka sunod ng sunod sa akin dahil kailangan mo ang tulong ko."

Ayoko mang aminin pero 'yun ang totoo kaya simpleng tango ang sinagot ko sa kanya.

"So paano kita matutulongan?" tanong niya.

"Kailangan mong kontakin si sarhento Valderama," agad kong sagot, "tulongan mo siyang mabuksan ang files sa hard drive na binigay ko. Naka-password protect kasi 'yun at ikaw lang ang nakakaalam sa unique password na ginawa ko."

"Ako?" nagulat siya, "paano ko nalaman?"

"Dahil ang log-in password ko sa FB account na hinihiram mo ay ang mismong password ng hard drive," sagot ko.

"So 'yun lang?"nagkibit balikat siya, "kailangan ko lang ibigay sa kanya ang password at matatapos na ang misyon mo?"

"Oo," mahina kong sagot.

"Gaano ba talaga kahalaga sa'yo ang masugpo ang sindikatong 'yun?" napatingin si Yumi sa malayo, "bakit ayaw manahimik ng kaluluwa mo? Dahil ba naghihintay ka ng hustisya sa iyong pagkamatay?"

"Marahil, Oo," saad ko, "pero higit pa sa hustisyang kailangan ko ang malinis ang pangalan ni Kuya."

"Oh? Bakit nasali ang kapatid mo?" napalingon sa akin si Yumi.

Status: In a Relationship with a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon