*Xavier*
"Xavier, sino si Garnet Rivera?" tanong ni Yumi habang nakasunod sa akin, "at bakit siguradong-sigurado ang mommy mo na siya ang pipiliin ng lolo mo?"
"She is just someone from my past na hindi na kailangang pag-usapan," saad ko habang umiiwas pa rin ng tingin sa kanya.
"No! Kailangan natin siyang pag-usapan," padabog na saad ni Yumi, "kailangan kong makilala kung sino siya para malaman ko kung ano ang magiging lugar ko dito kapag dumating siya."
I blew on the air and looked up. Tama si Yumi, she has the right to know about Garnet para mapaghandaan niya ang sinasabing pagdating nito. But I still can't help but wonder, bakit siya babalik? Why after 8 years, babalik siya upang agawin ang lugar ni Yumi sa buhay ko? What is she up to?
"Sasabihin mo ba sa akin o hahayaan mo na lang na ako mismo ang tutuklas kung sino siya?" pagbabanta ni Yumi.
"She was my first love," saad ko habang nabato si Yumi sa kinatatayuan niya.
Nanatiling tahimik si Yumi kaya nagpatuloy ako, "anak siya ng bestfriend ni mommy, and she is five years older than me. I had a huge crush on her noong nagbibinata ako pero hindi ko masabi sa kanya dahil bata lang ang tingin niya sa akin."
Tinignan ko si Yumi upang matantya ang reaksyon niya pero nanatili siyang kalmado. I guess it is really better to tell her everything.
"Thirteen ako noong nagsimula akong magkagusto sa kanya, at that time, she was celebrating her 18th birthday. Anak siya ng bestfriend ni mommy kaya noong ipinagdiriwan niya ang kanyang 18th birthday, napasama ako sa listahan ng kanyang 18 roses. First time ko siyang nakita sa rehearsal ng kanyang cotillion. Iba ang partner ko at that time, but my eyes were on her. Ito kasi ang unang beses na mapamangha ako sa kagandahan ng isang babae," kwento ko kay Yumi.
Umupo ako sa gilid ng pool kung saan nakikita ko ang repleksyon ni Yumi sa tubig.
Tumabi si Yumi saka nagsalita, "so ano nangyari? Ipinagkasundo ka ba ng mommy sa kanya?"
Umiling ako saka ipinaliwanag sa kanya ang lahat, "masyadong bata ang tingin nila sa akin kaya hindi nila naisip na ipagkasundo ang mga anak nila. Garnet is five years older than me. I was about to enter high school then habang nasa kolehiyo naman siya."
Naalala ko ang panahong 'yun. That was the time when I literally wanted to stop time for Garnet habang gusto ko ring padaliin ang oras ko. I was wishing the impossible, to be man enough for Garnet to notice me.
"We were both enrolled in the same university kaya sinasadya kong dumaan sa mga lugar kung saan madalas ko siyang nakikitang nakatambay. I was secretly admiring her from afar for three years hanggang sa isang araw, nakita ko siyang umiiyak. I didn't know how to comfort her but I found myself mindlessly walking towards her," paliwanag ko.
Hindi kumibo si Yumi kaya nagpatuloy ako, "that was the time when I learned that her five-year boyfriend, ang lalaking nakita kong escort niya noong debut niya ay nakipaghiwalay sa kanya. I must admit, natuwa ako sa narinig ko. I was graduating in high school then at ilang buwan na lang ay magiging college na rin ako. I thought I will be man enough to be her boyfriend but of course, hindi ako pwedeng manligaw kaagad. I decided to be her friend and comfort her. That was not a bad idea dahil naging close kami. Since then, she started inviting me to go out with her. Alam kong para sa kanya, simpleng gala lang 'yun, but to me, I always think that I am on a date every time I go out with her."
"Napaka-hopeless romantic mop ala noon. So may napala ka ba?" natatawang saad ni Yumi.
Tumango ako kaya agad siyang nagsalita, "you mean naging kayo?!"

BINABASA MO ANG
Status: In a Relationship with a Ghost
FantasyMagugulantang ang buhay ni YUMI TANJUATCO nang magbalik ang kanyang online boyfriend at magpakita sa kanya. Isang taon matapos ang nangyaring pagkabaril ng kanyang online-never-been-seen boyfriend sa DUMMY WORLD ay nagbalik ito upang himingi sa kany...