Chapter 8

2.6K 106 12
                                    


*Yumi's POV*

"Enjoy your stay, Miss Tanjuatco," saad ng bellboy na naghatid sa akin sa penthouse.

"Tsk!" narinig ko si Xavier.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit ka nakasimangot?" tanong ko.

"Ihahatid ka lang naman niya, ba't pa nagpapa-cute," padabog na saad ni Xavier.

Sandali akong tumawa saka nagsalita, "ikaw naman. 'Yung hitsurang 'yun? Pagseselosan mo?"

"Oo nga, 'yung hitsurang 'yun," parang batang nagmamaktol si Xavier.

"Naku! Itong boyfriend kong tikbalang, napakaseloso," biro ko.

"Maganda kasi ang girlfriend kong aswang," sagot niya.

"Aswang? Bakit ako aswang?" kunwari naiinis ako.

"Eh bakit ako tikbalang?" balik niyang tanong sa akin.

"Eh ang tangkad mo kasi," sagot ko, "ikaw? Bakit aswang tawag mo sa akin?"

"Para ka kasing mangangain kapag galit ka," sagot niya.

"Ang pangit ng endearment natin," nagpout lips ako.

"Ayaw mo 'nun? Wala tayong katulad," pabiro niyang saad.

Hindi ko na siya sinagot dahil nilibot ko ang paningin ko sa buong penthouse. First time kong makapasok sa ganito kagarang hotel. First time ko ring maranasan na makapasok sa isang penthouse. Kahit sa panaginip, hindi ko naisip na maranasan ko 'to.

"Like it?" tanong niya.

"Ang gara ng lugar," tanging nasambit ko habang nilibot ang penthouse, "buong araw tayo dito?" saad ko habang patalong umupo sa malambot na sofa.

"Ang laki ng TV?" patuloy kong saad habang pinaandar ang TV, "wow! Naka-cable pa! May netflix ba dito?"

"Kompleto 'yan," saad ni Xavier na ngayon ay nasa tabi ko.

"So pwede tayo magmovie marathon?" magiliw kong tanong.

"Pwede mong gawin lahat ng gusto mo," saad ni Xavier, "atin ang lugar na ito hanggang bukas."

"Hanggang bukas? Hala hindi pwede," saad ko, "hindi ako nakapagpaalam kay tiyang."

"Eh di hanggang mamayang gabi," nagkibit balikat si Xavier.

"Ang galing!" hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko.

"Gusto mo bang libutin muna ang buong penthouse?" tanong ni Xavier na sinagot ko naman ng tango.

Inabot ni Xavier ang kamay ko saka niya naalalang hind niya pala ako mahawakan. Sandali kaming natahimik pero agad akong bumawi, "hayaan mo na, ang mahalaga magkasama tayo."

"Tama ka," matamis siyang ngumiti saka sabay kaming naglakad.

Glass-curtain walls, velvet upholstery, rooftop garden, sky-high pool, overlooking terrace na makikita ang buong ka-Maynilaan, grabe! Parang nasa palasyo ako. Pinasok din namin ang bedroom at sobrang malambot ang kama.

"Sanay ka ba sa ganitong bahay?" tanong ko.

"Halos ganito ang mga mansyon ng pamilya ko," sagot ni Xavier, "but I prefer living in a one-bedroom condominium unit."

Magsasalita pa sana ako pero biglang may nagdoorbell kaya sabay naming tinungo ni Xavier ang main door.

"I-seset-up lang po namin ang lunch niyo," paalam ng mga taga-hotel.

Status: In a Relationship with a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon