*Xavier's POV*
I had relationships before pero ngayon ko lang gustong mag-effort. I did told my exes that I love them but those words were uttered as if they were passwords to having sex. It is only now that my "I love you" mean real. Gusto kong iparamdam kay Yumi kung gaano siya kahalaga. I want to make her happy without expecting anything in return. Ngayon lang ako naging kontento sa simpleng ngiti ng isang babae
Dating walang saysay ang buhay ko. I don't make plans. I don't think of the future. I just let my life drift along with the wind. Pero iba na ngayon. Binago ni Yumi ang pananaw ko sa buhay. Ngayon ko gustong mabuhay para sa kanya. Ngayong wala na akong kinabukasan, saka pa ako nangarap ng matiwasay na buhay kasama siya. Because of Yumi, I learned to value every moment that I have in this world. I now start to fear leaving this world dahil ayokong masaktan si Yumi dahil sa pagkawala ko.
Isang linggo na ang lumipas mula noong nagkaaminan kami ng aming nararamdaman sa isa't isa. Every moment is precious to me. Mas lalo ko siyang nakilala. She started talking about her past, her hopes and her dreams. Nakakalungkot isipin na kahit gaano ko kagustong makasama siya habang maaabot niya ang kanyang pangarap ay talagang imposible. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako dito sa mundo kaya hindi ako pwedeng mag-aksaya ng panahon. I want Yumi to feel very special. I want her to have many wonderful memories with me.
"Hi," mahina niyang bati nang gumising siya, "kanina ka pa gising?"
Tango lang ang sinagot ko sa kanya. I wanted to brush the hair away from her angelic face but I couldn't. Ang hirap ng sitwasyon namin but I did not let it bother me. Ang importante, masaya at tunay kaming nagmamahalan. I decided to enjoy every moment I have with her. Saka ko na iisipin ang malulungkot na bagay kapag dumating na ang panahon na kailangan ko nang magpaalam.
"Wala nga pala akong pasok ngayon," saad niya, "gusto mo ngayon natin subukang lapitan ulit si sarhento Valderama?"
Hindi na ako nakasagot dahil biglang may kumatok sa pinto, "Yumi! May package na dumating para sa'yo."
"Package?" napakunot noo siya, "wala naman akong inaasahang package ngayon ah."
Bumangon na rin ako pagkabangon niya saka hinintay ko siyang makabalik sa kwarto. She came back with her unopened package. Still wondering, binuksan niya ito saka malapad na ngumiti. Nakita ko siya noong isang araw na tinitignan ang isang floral sundress sa Shopee. Sabi niya, madalas daw sporty ang binibigay sa kanyang damit dahil sa pagiging boyish niya. Ang hindi alam ng mga tao, she is soft and very feminine inside. Dahil sa hindi ko malamang dahilan, active pa ang aking credit card kahit patay na ako kaya nagawa kong bilhan siya ng nagustohan niyang damit. At siyempre, pinakiusapan ko rin ang shop owner na igawa ako ng card kung saan nakasaad ang mga katagang: "Suotin mo ito ngayon. I'll take you out on a date."
Bahagya akong tumingin sa orasan saka sinabing, "maghanda ka na. Ten-thirty darating ang grab taxi na kinontak ko para dalhin ka sa date natin.
"Hindi ko alam kung ano ang dapat sasabihin ko," halatang hindi siya makapaniwalang nagsalita, "pero aaminin kong na-eexcite ako. Ito kaya ang first time kong makipagdate."
Mabilis siyang tumayo saka kumuha ng tuwalya, "mabilis lang ako. Promise."
Palabas na sana siya sa silid nang bigla niya akong hinarap, "ahm, Xavier?"
"Hmm?" sagot ko.
"Pwede bang sa salas mo na lang ako hintayin? Kahit ikaw ang bumili ng damit, gusto ko pa ring i-surprise sa'yo ang magiging ayos ko." saad niya.
BINABASA MO ANG
Status: In a Relationship with a Ghost
FantasíaMagugulantang ang buhay ni YUMI TANJUATCO nang magbalik ang kanyang online boyfriend at magpakita sa kanya. Isang taon matapos ang nangyaring pagkabaril ng kanyang online-never-been-seen boyfriend sa DUMMY WORLD ay nagbalik ito upang himingi sa kany...