Chapter 14

1.1K 56 23
                                    


*Yumi*

Pareho kaming natulala ni Xavier dahil sa narinig naming rebelasyon ni tita Prescilla. Maraming tanong ang tumatakbo sa isip ko tulad ng kung sino sa amin ni Garnet ang mas matimbang kay Xavier, ngayong nalaman niyang hindi pala galling kay Garnet ang liham na naging dahilan kung bakit nabago ang pananaw ni Xavier tungkol sa pag-ibig; at paano kung buhay pa ang anak nila, ano ang gagawin ni Xavier? Pero pinii kong manahimik dahil natatakot ako sa maaaring isagot ni Xavier. Paano kung si Garnet ang piliin niya? Kaya ko bang tanggapin ang desisyon niya?

Batid kong nais na mapag-isa si Xavier kaya minabuti ko munang lumayo. We need this space between us. Kailangan niyang pag-isipan kung sino sa amin ni Garnet ang mas matimbang. Ako naman, kailangan ko ring paghandaan kung ano ang gagawin ko kung sakaling pipiliin ni Xavier si Garnet.

"The heck!" napasalampa ako sa higaan, "it's not like may malaking mawawala sa akin, 'di ba?" I talked to myself.

"Eh kung si Garnet ang pipiliin niya, ibig sabihin nun makakabalik hindi ko kailangang huminto sap ag-aaral para ipagbuntis ang anak niya. Babalik sa normal ang buhay ko," saad ko pero alam na alam kong binobola ko lang ang aking sarili lalo na dahil alam kong masasaktan ako dahil mahal ko si Xavier.

"Kung sakaling si Garnet ang pipiliin niya, nangangahulugan ito na hindi niya ako gaanong minahal. It only means that I am just one of his girl who would fill-in the empty space that Garnet left in his heart," napabuntong hininga ako.

"Pero kahit naman ako ang pipiliin ni Xavier, it does not change the fact that Garnet is luckier dahil mas nakapiling niya si Xavier. Naramdaman niya kung paano tumibok ang puso ni Xavier para sa kanya, at nahawakan niya ang guwapo nitong mukha," muli akong nalungkot.

Bumangon ako saka kinuha ang aking cellphone. I don't usually stalk people on social media, pero iba ito dahil hindi ako mapakali sa ideyang darating si Garnet bukas. I need to have at least an idea what she would be like. Wala akong masamang intension, nais ko lang mapaghandaan ang maaaring kahihinatnan ng pagtatagpo naming bukas.

Maswerte ako dahil nakita ko kaagad ang kanyang Instagram account. Agad kong tinignan ang mga litrato niya at hindi ko maiwasang makaranas ng pagiging insecure. Maliban sa ganda niya, halatang naging tagumpay siya sa kanyang pangarap na maging doctor.

"Anong laban mo sa isang doctor?" tanong ko sa sarili.

"Pero hindi naman ito labanan ng kwalipikasyon. Naghahanap ang lolo ni Xavier ng babaeng magdadala ng anak ni Xavier kaya hindi basehan ang pagiging doctor niya dito," binobola ko na naman ang aking sarili.

"Pero isa siyang doctor! Malamang siya ang pipiliin dahil bilang doctor alam niya kung paano alagaan ang sarili," kinontra ko na naman ang sarili pero agad akong umiling saka naisip, "pero mas bata ako. Sabi nila, maraming complications ang pagbubuntis kung medyo may edad na ang babae."

"But she is only 29 years old! Okay pang magbuntis ang babaeng nasa ganitong edad," kinontra ko na naman ang sarili.

Itinigil ko ang pang-iistalk kay Garnet dahil pakiramdam ko, wala akong mapapala sa ginagawa ko. Hindi ako ang magdedesisyon kaya kahit ano ang iisipin ko ngayon, wala pa rin itong silbi.

Bumuntong hininga ako saka ko naisip si tita Aubrey. Totoo kaya ang dahilan niya? Is she really sincere about Xavier's future? Ano naman ang mapapala niya sa ginawa niyang 'yun? Is Xavier really a son to her or does she have another agenda?

Ang daming katanungang tumatakbo sa isip ko pero alam kong hindi ko makukuha ang sagot ngayon. Lahat ay nakasalalay sa kung ano ang maaaring mangyari bukas. Lahat ay nakadepende sa kung ano ang magiging reaksyon ng lolo ni Xavier sa katotohanan.

Status: In a Relationship with a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon