Chapter 3

3.7K 134 15
                                    

*Xavier's POV*

Nagising ako dahil sa malakas na pagpapatunog ni Yumi ng musika. Alas singko pa lang ng umaga at hindi ako sanay na magising ng ganito kaaga, "ang aga-aga mo namang nambulabog."

"Hoy multong manyak! Sinong nagsabi sa'yo na pwede kang tumabi sa aking matulog?" galit niyang saad, "saka 'di ba multo ka? Bakit ka natutulog?"

"Surprise! Hindi totoo ang iniisip ng tao na hindi napapagod ang mga multo," sagot ko, "saka di mo naman ako nararamdaman kaya huwag ka nang magreklamo kung sa kama mo ako natulog."

"Kahit na! Tumabi ka pa rin sa'kin," namaywang siya.

"Ayaw mo 'nun?" napakusot ako sa mga mata ko, "maswerte kang nakatabi ang isang gwapong tulad ko."

"Hambog! Grrrr," gigil na napatadyak si Yumi saka kinuha ang kumot sa kama at niligpit ito.

"Kunwari ka pa eh kinikilig ka naman," mahina kong bulong sa sarili ngunit hindi ko inasahang malakas pala ang radar ng babaeng masungit.

"Anong kinikilig?" galit niyang saad, "ang sabihin mo, kinikilabutan ako sayo!"

"Yumi?" pareho kaming napalingon sa pinto ng kwarto niya, "sino ang kausap mo diyan?"

"W-wala tiyang," nauutal na sagot ni Yumi, "nagpapraktis lang ako para sa school play namin," patuloy niya saka ako inirapan.

"Saka na ang morning kiss, babe," pang-iinis ko sa kanya, "magtoothbrush ka muna."

Napatawa ako dahil halatang umuusok ang kanyang ilong dahil sa sobrang pagka-asar kaya lalo ko pa siyang inasar, "maligo ka na rin, babe. Panis na kasi amoy mo."

Inis siyang tumalikod sa akin ngunit nabato ako sa ginawa niya. Walang alintana niyang tinanggal ang kanyang pang-itaas saka naka-brang lumapit.

"Oh bakit?"natatawa niyang saad, "first time mo bang makakita ng babaeng naka-bra?"

"Ah – eh – uh – ahem," natali ata ang dila ko dahil hindi ako makapagsalita sa nakita ko. Hindi na ako virgin at marami na akong experience, pero takte! Isang taon akong tigang kaya sino ang mag-aakalang isang araw ko pa lang na nakapiling ang diyosang ito ay bibiyayaan niya ako kaagad ng magandang tanawin?

"Drool man!" bahagya siyang yumuko saka inilapit ang mukha niya sa akin, "dahil kahit anong gawin mo, hanggang tingin ka na lang."

"Uh," tanging nasambit ko.

"Hay naku," tumayo siya ng tuwid saka kumuha ng tuwalya, "kunwari ka pa. Alam ko namang sisilipan mo ako pagkaligo ko mamaya kaya inunahan na kita."

Hindi pa rin ako makapagsalita dahil habang nakatapis ang kanyang tuwalya sa kanya ay nakita kong nagtanggal na siya ng pang-ibaba.

"Hoy!" napakurap ako nang itapon niya sa gawi ko ang kanyang suot na shorts, "alam kong pwede kang lumusot sa banyo upang panoorin akong maligo pero pwede ba," namaywang siya, "huwag mo na lang ipahalata sa akin."

Gusto kong sagutin ang sinabi niya ngunit napaisip ako. Kung alam niyang hindi ako nakakalusot ng pader, malalaman niya ang kahinaan ko at baka bigla na lang niya akong ikulong sa isang silid.

Kailangan ko siya. Kailangan niyang mahanap si Valderama upang mabuksan ang files sa external hard drive at mapatunayang walang ugnayan ang kuya ko sa Yamano-Kai. She is my only hope. Ang totoo, kaya ko namang i-message si Vyn gamit ang kahit sinong gadgets, pero sa tingin ko, hindi papaniwalaan ni Vyn na galing sa akin ang mensahe lalo na dahil isa akong multo. Sa kisig ni Vyn, siguradong hindi siya naniniwala sa mga multo.

Status: In a Relationship with a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon