*Xavier's POV*
Hindi ako nahirapang pakisamahan ang ama ni Yumi dahil nasasabayan ko ang hilig niya. Though cars are not my expertise, madali kong natutunan ang mga trabaho sa talyer dahil interesado din ako sa automotive. I really love fixing things kaya hindi ko namalayang lumipas na pala ang ilang oras habang nandoon ako sa talyer.
"Xavier, bukas mo na ipagpatuloy 'yan," tinapik ako ni Papa Migz.
Gusto niyang tawagin ko siyang papa kaya sinunod ko ang gusto niya; pero aaminin ko, masaya akong makasama ang ama ni Yumi. I've never spent a time with my own father. Hindi ko naiintindihan ang mga hilig ng aking ama. Hindi katulad ng komplikado kong ama, Papa Migz' happiness is simple – his goals are clear and his motives are obvious.
"Migz, handa na ang hapunan!" tawag ni Mama Stella, ang ina ni Yumi.
"Tara na Xavier, madaling magtampo 'yang mama mo lalo na kapag niluluto niya ang specialty ng pamilya," saad ni papa.
"Sige, ililigpit ko lang 'tong mga kagamitan," sagot ko.
"Huwag na, si Alvin na ang bahala niyan. Kabisado niya kung paano ipupwesto ang mga 'yan na madali ko lang makita," saad ni papa.
Agad namang lumapit ang sinasabing Alvin ni papa saka padabog na kinuha ang mga nakalapag na kagamitang ginamit ko. Napansin ko ring masama ang tingin ni Alvin sa akin kaya kinausap ko siya.
"May problema ba tayo?" tanong ko.
"Wala! Bakit, may kailangan ba tayong problemahin?" masungit na sagot nito sa akin.
Halatang hinahamon niya ako pero wala ako sa mood na patulan siya kaya binalewala ko na lang ang masamang tono ng pananalita niya sa akin.
"Xav –" narinig ko si Yumi pero bigla itong napahinto saka sinabing, "Alvin?"
"Yumi," nakangiting tumayo si Alvin na agad namang niyakap ni Yumi.
Nagulat ako sa nakita kong pagyayakapan ng dalawa sa harap ko.
"Akala ko ba nag-abroad ka?" masayang tanong ni Yumi.
"Naghihintay pa ako ng tawag mula sa agency," sagot ni Alvin.
"Ahem," sinadya kong tumikhim upang maalala ni Yumi na nandito lang ako pero tila hindi epektibo dahil nagpatuloy siya sa pakikipag-usap kay Alvin.
"Oh? Eh bakit ikaw ang nagliligpit diyan?" tanong ni Yumi kay Alvin.
"Tumutulong lang ako. Nakiusap kasi ang papa mo na dito muna ako magtatrabaho habang naghihintay pa ako ng tawag sa agency."
"AHEM!" nilakasan ko ang aking pagtikhim upang mapansin ako ni Yumi.
"Ay, oo nga pala," saad ni Yumi habang napalingon sa akin.
"Si Xavier nga pala, ang –"
"Ang mapapangasawa ni Yumi," agad akong sumabat dahil pakiramdam ko ay may gusto ang lalaking ito kay Yumi.
"Narinig ko nga," natatawang saad ni Alvin.
"Anong nakakatawa?" inis na tanong ko.
"W-wala, may naalala lang ako," nakatawa pa ring umiiling si Alvin saka nagpatuloy, "akala ko kasi, Tomboy itong si Yumi."
"Nakakainis ka na!" kunwaring naiinis si Yumi pero halata naman ang kanyang ngiti.
"Alam ko namang 'di ka tomboy pero hindi ko inakalang ikaw ang mauunang ikakasal sa inyong magkakapatid," patuloy na pangungulit ni Alvin kay Yumi dahilan upang kumulo ang dugo ko.

BINABASA MO ANG
Status: In a Relationship with a Ghost
FantasyMagugulantang ang buhay ni YUMI TANJUATCO nang magbalik ang kanyang online boyfriend at magpakita sa kanya. Isang taon matapos ang nangyaring pagkabaril ng kanyang online-never-been-seen boyfriend sa DUMMY WORLD ay nagbalik ito upang himingi sa kany...