Chapter 11

1.5K 65 13
                                    

AN: Thank you to Judilyn Menese for the new book cover 

*Xavier*

Nasa living room na sina Daddy, Tita Aubrey at Lolo nang pababa ng hagdanan si Yumi. I am not worried about Yumi meeting my family, hindi lang ako sigurado kung paano siya pakikitunguhan ni daddy. Dad and I were never close, he cannot even look at me as his son; how much more Yumi?

"Yumi, hija," pagbati ni lolo kay Yumi.

Tumango si Yumi saka umupo sa pang-isahang couch na nasa harap ng inuupuan ni Tita Aubrey.

"Hija, I want you to meed Harris. Siya ang ama ni Xavier," saad ni lolo.

"Good evening po, tito Harris," pagbati ni Yumi.

Tumango lamang si daddy kay Yumi pero si lolo pa rin ang nagsalita, "no, don't call him tito. Ama siya ni Xavier, you should call him daddy."

Tumango lamang si Yumi bilang sagot kay lolo dahil abala si daddy sa pagsasagot sa text messages na natatanggap niya. I bet he is texting his new girl toy. Dalawa lang naman ang pinagkakaabalahan ni daddy, ang trabaho niya sa kompanya at ang mga babaeng pinaglalaruan niya.

"Ano ba ang mahalagang pag-uusapan natin? I can't stay long dahil may kailangan akong balikan sa opisina," saad ni dad but I know the truth. Sinilip ko ang ka-text niya, he was texting a new girl named Irene. I knew it! Dad is still and will always be cheating on tita Aubrey.

"Gusto ko sanang pag-usapan natin ang tungkol kina Yumi at Xavier," panimula ni lolo, "but Prescilla just messaged me. Sabi niya, she's boarding a flight dahil papunta siya ditto."

I rolled my eyes when I heard it. Bakit kailangang nandito si mommy? Wala lang siyang ibang gagawin kundi manggulo.

"Bakit? Hindi ba pwede nating pag-usapan ito na wala si Prescilla?" nagsalita si tita Aubrey.

"Si Prescilla ang in ani Xavier. She has every right to be here. Kung tutuusin, ikaw ang hindi naming kailangan ditto," bahagyang tumaas ang boses ni lolo.

Hindi ko maiwasang mainis sa narinig ko. Lolo never liked tita Aubrey pero ngayon ko lang narinig ang ganitong pang-iinsulto ni lolo sa kanya, and what made matters worse is that dad never defended tita Aubrey like he used to.

"Ahm, k-kailan po ang dating ng mommy ni Xavier?" tanong ni Yumi at alam kong paraan din ito ni Yumi upang mabaling sa iba ang pag-uusapan.

"If she is boarding her flight now, maaaring nandito na siya bukas," sagot ni lolo.

"Kung sa ganun, bukas na lang tayo mag-usap. Kailangan ko nang umalis," sabat ni daddy.

"H-harris, dito ka na maghapunan," agad na tumayo si tita Aubrey nang tumayo si daddy, "pinaluto ko ang paborito mo."

"Nagmamadali ako," saad ni daddy na hindi man lang tinignan si tita.

"Dito ka na maghapunan, Harris," sabat ni lolo, "unang dinner ni Yumi dito sa bahay. It would be great if we are all here to eat with her. Parang welcome dinner na lang din ito para sa kanya."

"Kung ganun, magpapahabol ako ng welcome cake," excited na saad ni tita Aubrey.

"Huwag na dahil nagpa-order na ako kanina," agad na sabat ni lolo.

"I-checheck ko na lang kung handa na ang hapagkainan," saad ni tita Aubrey saka umalis pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtulo ng kanyang luha.

Tita Aubrey has always been a mother to me, kaya kahit hindi ko siya tunay na ina, nasasaktan ako sa nakikita kong pagtrato sa kanya dito sa bahay.

Status: In a Relationship with a GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon