OBSESSION ENTRY # 22
I know for a fact that this will happen, na makikita, mahahanap niya ako. Pero ang hindi ko lang inaasahan ay ang ganitong mga tagpo na nangyayari sa aking harapan mismo.. I know Xander inside and out but never.. never ko siyang nakitang ganito.. Oo nga at ilang beses na siyang lumuhod, nagmakaawa at nagmukhang tanga ng dahil sa akin.. pero hindi ko kailan nakita yung ganitong emosyon niya na parang sobra siyang nasasaktan, sobra siyang nangungulila... at yung mga luha niya.. hindi ko kayang i-explain yung sakit na kitang kita at damang dama ko ngayon... na para bang ipinapasa at ipinapakita niya sa akin kung ano ang tunay na nararamdaman niya.. Ilang pulgada lang ang layo namin sa isat isa .. kaya kitang kita ko ang higpit ng pagkakayakap niya sa aming anak habang patuloy na lumuluha.. hindi ko mapigilang mapaiyak din.. dahil aminin ko man sa hindi.. matagal ko ring inasam yung ganitong tagpo sa pagitan nilang mag ama..
Yung mga binitawan niyang salita kanina. .. lahat yun.. tumagos yata sa puso, isip at kaluluwa ko..
" C-Can I see her, ba----Jas? pwede ko ba siyang makita kahit sandali lang? Just a glimpse, I promised you wala akong gagawing iba, hindi ko siya tatakutin, wala akong sasabihin, mananahimik ako... Can you at least do that for me, p-please.."
" T-three years, Jas.. three years.. na akong nanabik.. na makita ka at ang anak natin. I missed you.. I truly do, baby.. let me see her.. I missed everything about her.. ni hindi ko man nakitang lumaki ang tiyan mo ng ipinagbubuntis mo siya, kahit ng ilabas mo siya mundo, ang unang pagmulat ng kanyang mga mata, ang unang salitang sinabi niya, ang unang birthday niya.. and do you know how it feels.. masakit.. masakit na masakit.. pero naiintindihan kita kung bakit kailangan mo iyong gawin.. dahil kasalanan ko naman.. pero Jas.. kailan mo naman ako pagbibigyan o bibigyan ng pagkakataon na ipakita sayo na nagsisisi ako sa lahat ng kasalanang ginawa ko sayo..? kailan mo naman bibigyan ng pagkakataon na ipakita sayo na nagbago na ako? kailan? sabihin mo para mautusan ko itong puso at isip ko na intindihin ka kahit pa nga hirap na hirap na ako."
" Mahal kita.. hanggang ngayon mahal na mahal kita.. walang nagbago.. Ikaw na lang ang hinihintay ko.. kayo.. hindi ko sinasabing patawarin mo ako agad, tanggapin mo ako na parang walang nangyari.. hindi .. I just want you to give me a chance to prove myself to you.. tell me anything you want.. any conditions you want at susundin ko.. basta bigyan mo lang ako ng pagkakataon.. "
I cant explained what Im feeling right now.. lalo na yung sabihin niya sa aking mahal niya ako.. hanggang ngayon mahal na mahal pa rin niya ako..may kung anong mainit na bagay ang humaplos sa aking puso.. nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na saya.. sa kaibuturan ng aking isip tumatalon ako sa kasiyahan.. Ilang taon na ba ang nagdaan.. three years.. three years na.. at sa mga panahon na nagdaan.. natutunan kong magpatawad.. makalimot at tanggapin ang katotohanang kaya nangyari sa akin.. sa amin ang mga bagay na iyon.. iyon ay dahil NAKALAAN IYONG MANGYARI.. TAMA.. NAKATAKDANG MANGYARI.. nasaktan ako, nasira ang buhay ko, mga pangarap ko pero ang pinakamagandang nangyari at bunga noon.. si Dria.. although I made mistakes on my past.. by getting rid of her.. by commiting suicide dahil sa sobrang galit ko kay Xander.. pinagsisisihan ko iyon hanggang ngayon.. pinagbabayaran ko iyon.. Nang oras na iluwal ko Dria sa mundo.. lahat ng galit, sakit at sama ng loob ko sa mundo, sa mga magulang ko, kay Xander.. lahat iyon.. naglaho.. naglahong parang bula.. dahil sa kanya...sa kanya.. TAMA NATUTO AKONG MAGPATAWAD.. NAPATAWAD KO NA SIYA.. KAYA LANG.. NATAKOT AKO.. MAS TAMANG SABIHING NADUWAG AKO.. na baka nung panahon na iniwan ko siya at lumayo ako.. maaaring nakahanap na siya ng iba.. na nakalimutan na niya ako..nandoon yung insecurities ko na unti unting kumain sa lakas ng loob ko.. akala ko kasi ganoon kababaw ang pagmamahal niya, ganoon kadali niya akong malilimutan.. kasi ilang taon na rin ang nagdaan, ni hindi man lang siya nagparamdam sa akin, sa amin.. gaya ng dati.. inaasahan kong wala pang isang linggo mangungulit na siya, ipipilit niya ang karapatan niya.. hinanap hanap ko iyon, kahit pa nga ako ang humingi ng space sa kanya.. hinanap hanap ko iyon.. kaya pumasok sa aking isipan na NAKALIMOT NA SIYA.. NAKATAGPO NA SIYA NG IBA.. AT AKO, KAMI.. BALEWALA NA LANG dahil ako yung OBSESSION NIYA NA HINDI NIYA MAKUHA KUHA.. AT DAHIL DOON NAGSAWA NA SIYA.. pero mali ako.. napatunayan kong maling mali ako.. dahil kitang kita ko sa kanya ngayon kung gaano niya pa rin ako kamahal.. gaya ng dati...
BINABASA MO ANG
O B S E S S I O N
General Fictionfirst crush.. first love.. first kiss.. first heartbreak.. yan si Xander.. si Xander sa buhay ko.. nilayuan ko siya dahil iyon ang tama.. iniwasan ko siya dahil ako ang magiging biktima.. iniwan ko siya dahil ako ay nasaktan.. pero bakit? bakit kai...