OBSESSION ENTRY # 1
" Napakalandi talaga niya, hindi pa ba siya kontento sa isa.?"
" Oo nga, matapos kay Sir Leandro mabilis pa sa alas kwatrong kinakalantari naman niya si Sir Xander!! Hindi marunong mahiya, naturingang maganda pokpok naman pala at talagang magkapatid pa ang tinuhog niya, ng malaman niyang mas mapeperahan niya siguro si Sir Xander iniwan nito si Sir Leandro!!!"
" Nagtaka ka pa kailan ba nagbunga ng santol ang mangga!! Hindi ba at manang mana lang siya sa kanyang ina!!"
" Balita ko pa nga kaya nakapagtapos ng pag aaral yan iyon ay dahil sumisiping siya sa kanyang mga naging professor!!! o di ba ang tindi!! Hindi na ako nagtataka kung bakit nagtagal sa loob ng opisina ni Sir Xander yan malamang bumigay na yan!!"
Hindi ko ininda ang mga mapanghusgang mga mata na nakasunod sa akin. Matagal ng akong sanay na sanay sa ganyang mga klaseng tingin, na susundan na mahihinang bulungan na akala mo naman hindi ko naririnig. Mga masasakit na salitang akala mo ay totoo. Ilang beses na ba akong nasaktan, umiyak at naphiya ng paulit ulit sa mga taong mga akala mo malilinis pero nasa kaloob looban naman ang dumi. Taas noo akong nagpatuloy sa paglakad habang tinutungo ko ang elevator sakto namang bumukas iyon at nagsilabasan ang mga empleyadong nasa loob noon. Walang bahid ng takot at emosyon akong humarap sa kanilang lahat habang nakatingin sila sa akin. Biktima ako.. biktima ako ng verbal abuse hindi lang sa sarili kong mga magulang, sa aking kapatid isama mo na rin ang mga laging nambubully sa akin noon. I learned to be tough.. dahil kailangan ko ng lumaban.. sawang sawa na akong tinatapak tapakan at minamaliit. The moment the elevator closed... doon ako nanghihinang napasandal dahil samut saring senaryo na naman ang naglalaro sa aking isipan.. hahabulin niya ako.. pasusundan.. babantayan.. natitiyak ko iyon .. Hindi ko na maintindihan si Xander. Hindi ko na alam ang mga iniisip niya.. gusto kong ng makalaya pero pilit niya akong ikinukulong sa mga palad niya.. Hindi ko na kayang mabuhay ng ganito.. kailangan ko ng maituloy ang aking plano.. at gagawin ko na iyon ngayon.. at isang tao lang ang makakatulong sa akin.. at alam kong hindi niya ako bibiguin.. Marahan kong pinunasan ang aking mga luha at tumayo ako ng tuwid dahil malapit na akong makalabas.. I need to wear that cold, emotionless expression dahil iyon ang shield ko sa mga taong minamata ako.
toktok..toktok..toktok..
toktok..toktok..toktok..
Gulat at puno ng pag aalala ang mukha ni Leandro ng makita niya ako ng buksan niya ang pintuan ng kanyang Condo sa Manila Pen, alam kong magtong mugto na ang aking mga mata at namumula ang aking ilong dahil sa walang tigil na pag iyak.. Halos muntikan na rin akong maaksidente dahil sa aking nararamdaman. Bakit ba kasi sinasaktan niya ako ng paulit ulit? Bakit hinahabol habol pa niya ako? Nakuha na niya ang lahat, ano pa ba ang kulang? " W-what happened? Sinaktan k---------------------------- shit!!! shit!!! shit!!! Si K-kuya ba ang may gawa nyan sayo? Sinaktan ka ba niya? I swear to God mapapatay ko na siya talaga this time!! " niyakap ko siya, niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit dahil damang dama ko ang ang kanyang galit. Nakita niya kasi ang mapupulang bakas ng mga halik ni Xander sa akin, sa aking leeg pati na rin ang dalawang braso ko na nangingitim dahil sa mahigpit na pagkakakapit doon. I heard him cursed many times above my head habang nakapaloob ako sa kanyang mga bisig. Hinayaan kong icomfort niya ako gaya ng dati, he was my bestfriend, bestbuddy kami ika nga. He was my rock through all the years that past. Basta nandyan lang siya sa tabi, lumalakas ako dahil alam kong kapag ako ay nadapa at nasugatan siya ang unang unang magtatayo, tutulong at gagamot sa akin, kagaya na lang ngayon.
BINABASA MO ANG
O B S E S S I O N
General Fictionfirst crush.. first love.. first kiss.. first heartbreak.. yan si Xander.. si Xander sa buhay ko.. nilayuan ko siya dahil iyon ang tama.. iniwasan ko siya dahil ako ang magiging biktima.. iniwan ko siya dahil ako ay nasaktan.. pero bakit? bakit kai...