OBSESSION ENTRY # 32
" So, doktora.. have you decided that I am much much better than my brother Xander kaya niyaya mo akong mag dinner ngayon?.. Himala ahh, dahil ilang beses na kitang niyaya noon pero ilang beses mo rin akong nireject.. " hindi ko alam kung ngingiti ba ako? o ngingiwi dahil sa pambungad na bati sa akin ni Lean.. hindi ko rin kasi alam kung saan magsisimula.. Siya.. siya ang una kong tinawagan at gusto kong makausap bago ako makipagkita sa kapatid niya.. Gusto ko munang malaman kung nagkita na at nagkaayos na si Xander at ang asawa niya.. para alam ko kung saan ako lulugar.. kung kailangan ko pa bang ipaalam sa kanya ang tungkol sa batang ipinagbubuntis ko.. Ayaw kong makagulo, makasira lalo na at alam kong hirap na pinagdaanan niya.. Kasalanan ko naman kasi ang lahat.. kaya ako lang din ang dapat magdusa..
" Em.."
" Em.."
"Emilie, are you alright? your spacing out." hindi ko man lang namalayan na kanina pa niya ako kinakausap.. lumunok muna ako ng ilang beses bago ako sumagot sa kanya na parang walang nangyari.. pinilit ko ring ngumiti para kahit papaano mawala ang pagkunut ng kanyang noo habang pinagmamasdan ako.. binawi ko rin ang aking kanang kamay na sakop sakop na pala ng dalawa niyang kamay.. kahit kailan talaga hindi palagay ang loob ko kay Lean.. ilag ako sa kanya.. kaya kahit anong yaya niya sa akin noon, kahit anong flirt niya.. hindi ko siya binibigyan ng pansin..
" G-Gutom ka na ba, Lean? gusto mo bang kumain muna tayo bago tayo mag usap?" pag iiba sa usapan.. kitang kita ko kung paano magbago ang kanyang itsura.. mula sa mapaglarong aura.. naging seryoso ito. Umiling ito at buong taman akong pinagmasdan..
" M-May sasabihin ka ba? mas mabuting sabihin mo na bago tayo kumain, doktora.. hindi pa naman ako nagugutom.. it just that.. nagtataka lang ako at ikaw pa mismo ang tumawag sa akin para lang yayain akong kumain sa labas.. unless na lang may kinalaman ito sa kapatid ko? " ramdam na ramdam ko yung pagkawala ng dugo ko sa mukha.. alam kong namumutla na ako.. gumigiti rin sa aking noo ang mangilan ngilang pawis doon.. nainom ko tuloy ng wala sa oras yung baso ng tubig sa aking harapan na nilagay noong waiter kanina sa aming lamesa.. muntik muntikan ko na ngang mabitawan iyon.. mabuti na lamang at nakontrol ko yung kamay kong nanginginig.
" K-Kamusta na si X— ka na ? " tinaasan niya ako ng kilay at ngumiti siya ng nakakaloko.. mas lalo tuloy akong kinabahan.. mas lalo siyang nakakatakot.
" Dont use that bullshit with me Emilie Sullano. Kung ang itinatanong mo ay kung nagkita at nagkabati na ang kapatid ko at ang asawa niya.. pwes OO ang sagot. Actually masaya silang magkasamang mag anak ngayon. Ayaw ko pa sanang umalis doon pero kinakailangan kong magmadaling magpunta sa restaurant na ito para lang mapagbigyan ko ang kahilingan mo.. Now.. I dont want your pathetic lies.. sabihin mo na ang dapat mong sabihin dahil nawawalan na ako ng pasensya sayo.. mahirap magkunwari.. hindi ko forte iyon doktora."
Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.. napipilan din ako.. nawalan ako ng kakayahang magsalita dahil ngayon.. ramdam na ramdam ko na yung galit niya.. na parang may hinala na siya na malaki ang pagkagusto ko sa kanyang kapatid.. pero nag iingat ako.. maingat ako.. kaya la—————
BINABASA MO ANG
O B S E S S I O N
General Fictionfirst crush.. first love.. first kiss.. first heartbreak.. yan si Xander.. si Xander sa buhay ko.. nilayuan ko siya dahil iyon ang tama.. iniwasan ko siya dahil ako ang magiging biktima.. iniwan ko siya dahil ako ay nasaktan.. pero bakit? bakit kai...