OBSESSION ENTRY #14
" Kayo ba ang kamag anak ng pasyente?" sa nanginginig kong mga tuhod naglakad ako papalapit sa doctor na lumabas sa ER.. bawat hakbang na aking gawin pakiramdam ko sinasakal ako sa sobrang kabang aking nararamdaman.. natatakot ako sa maaari kong marinig.. sobra sobra na ang mga nangyayari sa amin. . . hindi ko alam kung hanggang saan pa ang kaya kong tanggapin.. pati kasi ako.. nahihirapan na..
" a-ah, kaibigan niya po ako.. AKo na lang po ang kakilala niyang pupwede niyong makausap tungkol sa kalagayan niya. Wala kasi ang pamilya niya dito nasa, amerika.. A-ano ba po ba ang lagay ni J-Jas at ng b-baby?"
" G-ganun ba.. she's stable now, mabuti na lamang at naagapan ang pagdadala sa kanya dito sa ospital.. she was sedated dahil kailangan niyang makabawi ng lakas.. dahil na rin sa kanyang pinagdaanan.. she's lucky.. very lucky dahil bibihira lang ang nakakatanggap ng ganitong milagro.. because the baby survive just like her mother..." doon lang ako nakahinga ng maluwag at hindi ko mapigilang mapaluha dahil doon.. hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling hindi nakaligtas ang baby.. hindi ko alam kung papaano ko ipapaliwanag at sasabihin kay Jas kung sakaling hindi nabuhay ang kanyang anak.. baka tuluyan siyang masiraan ng bait kapag nagkataon.. Alam kong nabigla at naguguluhan lang siya sa mga nangyayari kaya niya nagawa ang mga bagay na ito.. alam kong hindi niya sinadyang mangyari ito.. hindi niya sinadyang maglaslas ng pulso dahil lang sa nalaman niyang buntis siya.. No.. kilala ko si Jas.. kahit anong mangyari alam kong hindi niya idadamay ang bata sa kanyang sinapupunan dahil wala iyong kasalanan..
Sa garalgal kong tinig, inabot ko ang kaliwang kamay ng doctor at hinawakan ko iyon ng mahigpit bilang tanda ng aking taos pusong pasasalamat.. " T-Thank you... thank you.. maraming maraming salamat sa inyo.. "
Ngumiti lang sa akin ang doctor. " Its our job, wala kang dapat ipagpasalamat.. I suggest mamalagi muna ng dalawang araw dito ang pasyente, para mamonitor natin ang kalagayan nilang mag ina.. lalong lalo na ang baby niya, she's 8 weeks pregnant.. I just want to prevent miscarriage kung sakali mang magkaroon ng komplikasyon dahil nga tumigil ng ilang segundo ang pagtibok ng puso ng pasyente.. pero so far naman.. napalakas ng heartbeat ng baby at malakas ang kapit niya.. I just want to make sure they were alright."
I dont know what to say dahil pakiramdam ko nakaangat ako sa lupa.. its a miracle.. really a miracle.. ilang beses akong huminga ng malalim at pinunasan ko ang aking mga luha sa aking mga mata.. I felt drained but happy at the same time.. Kailangan kong magpakatatag.. dahil mas kailangang kailangan ako ni Jas.. she needed me now as well as the baby.. kaya mananatili ako sa kanilang tabi kahit anong mangyari.. aalagaan ko sila.. pagsisilbihan sa abot ng aking makakaya.. " Kung iyon ang kailangan.. gawin niyo ang dapat gawin, doc.." pahabol kong sabi, habang dahan dahan na siyang naglalakad papalayo sa akin. Tumango ito bilang tugon.
Now, I need to make a decision.. Alam kong unfair ang gagawin ko.. Pero ito lang ang paraan na aking naiisip para tuluyan ng lumayo at mawala sa aking landas si Kuya Xander.. Sasabihin ko sa kanyang hindi nabuhay ang bata.. hindi nabuhay ang anak nila.. this is for the better.. dahil kapag nalaman niyang buhay ang bata.. mas lalong lalaki ang kapit niya kay Jas.. at iyon ang ayaw kong mangyari.. masyado ng maraming nangyari sa kanilang pagitan.. masyado na niyang nasaktan si Jas.. to the point na nagiging marahas na siya kaya nauwi sa ganito ang lahat.. Hindi na siya normal kapag si Jas ang pinag uusapan.. kaya kailangan kong gawin ito.. This time gusto kong maging maramot.. dahil lagi na lang ako ang nagbibigay, nagpapaubaya.. And look what happened.. sa pagiging mabait ko.. mapagraya ko.. mas lalo siyang nasaktan... Hanggang ngayon sinisisi ko ang aking sarili sa mga nangyari kay Jas.. dahil hindi ko siya naalagaan ng mabuti, hindi ko siya naipaglaban.. hindi ko siya naproteksyunan.. kaya this time.. ako naman..

BINABASA MO ANG
O B S E S S I O N
General Fictionfirst crush.. first love.. first kiss.. first heartbreak.. yan si Xander.. si Xander sa buhay ko.. nilayuan ko siya dahil iyon ang tama.. iniwasan ko siya dahil ako ang magiging biktima.. iniwan ko siya dahil ako ay nasaktan.. pero bakit? bakit kai...