E P I L O G U E
Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob ko para gustuhin ko siyang masilayan .. gusto ko siyang makita kahit pa nga sa malayo lang.. HIndi ko alam kung ano pang pruweba ang dapat isampal sa aking pagmumukha bago ko siya bitawan.. Ang tapang lang siguro ng apog ko at talagang wala na akong hiya dahil ipinagpilitan ko kay Lean na gusto kong makita ang kapatid niya.. kahit pa nga deep inside me.. para akong sinisilaban sa sobrang guilty ko.. sa sobrang laki ng aking kasalanan sa kanya.. I just want to see him bago ako magdesisyon.. bago ko sabihin kay Lean ang kasagutan ko sa kanyang solusyon..
" Why are you torturing yourself to a man you cannot have, Emilie? " dahan dahan kong nilingon ang pinanggalingan ng tinig na iyon.. sa nakalipas na araw kulang na lang ikulong at ikadena ako ni Lean para lang masiguro niyang hindi ako mawawala sa kanyang paningin. Kung hindi siya sa bahay natutulog, ako ang natutulog sa kanyang condo.. Natatakot siyang puntahan ko ang bahay nila Xander at sabihin ko ang aking kalagayan. Na para bang gagawa ako ng eskandalo.. Hindi ko iyon kayang gawin.. hindi.. " Are you really that desperate?"
" N-Nagmahal ka na ba Lean? Kasi kung OO ang sagot mo.. maiintindihan mo ako.. maiintindihan mo kung bakit ko nagawa ang bagay na iyon.. kung bakit ko ipinilit ang aking sarili sa kapatid mo kahit alam kong maling mali, itinuloy ko pa rin.. Kung HINDI ang sagot mo.. wala kang karapatang husgahan ako.. Nagmahal lang ako.. minahal ko lang ang kapatid mo.. may masama ba doon? " tiim bagang na tinitigan niya ako. Hinablot niya ang aking kanang braso at idinikit niya ang aking katawan sa kanyang katawan.. Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga at doon bumulong na talagang nakapagpatayo ng aking balahibo.
" Dont give me that bullshit Em, I wont buy it. Kaya maraming nagiging Mistress ehh dahil sa walang kwentang dahilan na yan.. Mahal mo ang kapatid ko? Mahal mo? Tang inang pagmamahal yan!! Sisirain mo ang buhay niya ehh!! sisirain mo!! " habang sinasabi niya iyon sa akin, dumidiin ang pagkakahawak niya sa aking braso kaya hindi ko mapigilang mapaungol sa sakit.. pero hindi niya iyon pinansin.. mas lalo pa niya iyong hinigpitan at natitiyak kong magmamarka iyon.
" B-Bitawan mo ako.. bitawan mo ako Lean, ano ba nasasaktan ako!?"
" Talagang masasaktan ka kung hindi mo ititikom ang bibig mo, Emilie. Nagmahal ako pero hindi ako umabot sa ganyan.. Nasaktan ko man ang kuya ko, ako man ang isa sa dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ni Jas noon pero bumawi ako.. kasi naisip ko kung mahal mo ang isang tao kung saan siya magiging maligaya doon ka.. pero Ikaw... hindi ko alam kung ano ang itatawag sayo.. dahil sa pagkadesperada mo!! alam mong may asawa siya! alam mong may anak siya!! pero ipinilit mo pa rin ang sarili mo and worst pinagsamantalahan mo pa.. kaya pwede ba wag kang umarte na parang ikaw ang kawawa gayung ikaw ang gumawa ng sarili mong multo!!" pagigil niyang binitawan ang aking braso.. muntikan pa nga akong mawalan ng balanse dahil doon. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.. mas mabuti pa nga sana kung sinampal na lang niya ako.. kaysa sinasaktan niya ako ng ganito..
Sasagot pa sana ako sa kanya at ipagtatanggol ko ang aking sarili ng makita ko siya.. makita ko sila.. para akong napako sa aking kinatatayuan... nawalan ako ng kakayahan na magsalita.. dahil nasa aking harapan ang katunayan.. katunayan kung gaano niya kamahal ang babaeng iyon...
Ano nga bang laban ko sa kanya.. mula ulo hanggang paa, napakaganda niya.. napakaamo ng kanyang mukha.. kulang ang mga pictures na nakita ko para idescribe ang kanyang kagandahan.. she look innocent, fragile and kind.. siya pala.. siya pala si Jas.. Ilang beses akong napalunok ng aking laway at ilang beses ko ring naipikit ang aking mga mata dahil hindi ako makatagal na titigan sila.. inaalalayan ni Xander na bumaba sa sasakyan ang asawa niya habang nakangiti.. yung ngiti na punung puno ng kasiyahan.. yung mga tingin niya na punung puno ng pagmamahal.. para siyang babasaging kristal na iniingatan ni Xander dahil baka mabasag.. parang akong sinasakal... yung hangin ko sa baga kinakapos.. damang dama ko ang panginginig ng aking buong katawan.. wala sa sariling napahawak ako sa aking pipis na tiyan...
" Open your eyes, Emilie.. and see for yourself.. Sabihin mo sa akin kung ano pang pruweba ang kailangan mo para tigilan mo lang kagagahang ginagawa mo.. My brother is happy.. finally happy again.. ——————-
I opened my eyes.. and I wished I did not.. dahil kasabay ng pagdilat ko ng aking mga mata ay pagbaba ng kanilang anak na kamukhang kamukha ng kanyang ina.. a small replica of her mother except her eyes.. dahil kay Xander iyon.. doon .. doon dahan dahang pumatak ang aking mga luha.. hindi ko napigilan iyon.. they look like a complete and happy family.. nakangiti sila at nagtatawanan habang magkakahawak ng kamay.. ang pamilyang matagal na hinanap at ipinaglaban ni Xander..
Si Xander.. masaya na siya.. sino ba naman ako para humadlang pa..?
TALO NA AKO...
TALO NA TAYO ANAK..
WALA TAYONG LABAN..
DAHIL SA SIMULA PA LANG..
PAGMAMAY ARI NA SIYA NG IBA..
" M-Marry me Lean.. "
![](https://img.wattpad.com/cover/23871663-288-k34920.jpg)
BINABASA MO ANG
O B S E S S I O N
General Fictionfirst crush.. first love.. first kiss.. first heartbreak.. yan si Xander.. si Xander sa buhay ko.. nilayuan ko siya dahil iyon ang tama.. iniwasan ko siya dahil ako ang magiging biktima.. iniwan ko siya dahil ako ay nasaktan.. pero bakit? bakit kai...